Seventeen

66.3K 1.1K 11
                                    

***

"You traded me for that shit?!" sigaw ni Marco sa taong kaharap niya.

"Stop being melodramatic Marco, hindi bagay sa'yo." sabi nito habang prenteng umupo sa couch ng office niya.


"I trusted you! Pero gagaguhin mo lang ako! Tang-ina'ng iyan! Of all people bakit sa kalaban ko pa?!" sigaw niya ulit sa babaeng tila walang pakealam sa nararamdaman niya.

Tumayo ito at kinuha ang bag nito at akmang lalabas na ng opisina niya.


"Melody!!" pigil niya rito.


Pero marahas lang nito pinalis ang kamay niya. "Stop it,Marco! Can't you see? Hindi kita mahal! I just used you. At dahil nakuha ko na ang gusto ko sa'yo, wala na akong trabaho pa rito." galit na wika nito sakanya bago tuluyang umalis at iniwan siyang mag-isa sa opisina.

***

Napatigil si Marco sa huling sinabi ni Adie sakanya. Is he really shutting his doors?

Ganoon na ba ang naging epekto nung nangyari noon?

Is he really that bad?


"Am I really that bad?" isinatinig na niya ang huling naisip.


"You're not really 'that' bad.." dahan-dahang sabi ni Adie.


"Then what?"


"Hmm.. you just need to loosen up. Let go of the things that's bothering you for so long.."


"How did you know that something's bothering me?"


"Well, sabihin nalang nating may super powers ako." sabi nito sabay taas baba ng kilay nito.

------

Kanina pa nangingiti si Adie sa texts sakanya ni Marco. Nasa isang business conference kasi ito ngayon, at bagot na bagot na daw ito roon.


"Hoy, baliw. Ano'ng nginingiti mo diyan ha?" sabay hablot ni Ate Alex sa cellphone niya.

Nakauwi na sila nito ng kuya niya galing sa honeymoon ng mga ito. Kaya balik sa trabaho na silang dalawa.


"Ate!!" sigaw niya sabay kuha ng phone niya sa kamay ni Alex.


"Sino iyang katext mo ha?" mapang-intrigang tanong nito sakanya.


"Wala. Bakit mo ba ako pinatawag ha?" pag-iiba niya sa usapan nila.


"Ah. Iyon, wala naman. Kakamustahin ko lang ang trabaho mo."


Napatigil si Adie sa pagtetext sa sinabi ni Alex sakanya. Bigla siyang may naramdaman na kung anong mabigat sa dibdib niya. Actually, sa tuwing naiisip niya ang bagay na iyon ay parang dinadaganan siya.


"Uhm.. ayos lang." simpleng sagot niya rito.


"Tingin mo makukuha mo yung interview? Balita ko kasi, hinahabol din ng Pilot Media Corp. si Marco." sabi nito na tinutukoy ang matagal ng kalabang Publishing Company ng kompanya nina Alex.



"Bakit ba big deal para sainyo yung interview kay Marco Montello?" tanong niya. Sa tingin kasi niya, bukod sa dahil isa itong mysterious person ay may iba pang dahilan sina Alex at ang iba pang media kaya gustong makakuha ng interview ang mga ito.



"Marco is one of the biggest names in the Business and Entertainment industry. Nag-iisang tagapagmana ng isang world renowned musician at isang beauty queen. Kabilang sa grupo ng mga elites. Yet, walang nakakaalam ng buhay nito. Oo, alam nila na model,composer,businessman at kaibigan ang iba pang malalaking pangalan sa business world. Pero iyon lang. We know his name, but not his story. Iyon ang nagpapakati sa media para mas lalong alamin ang nasa likod ng isang Marco Dame Montello. May mga sabi-sabing kaya ayaw nito sa media dahil takot itong mailabas ang sinasabing baho nito.."



"You mean.. kaya ayaw nito sa media dahil may sikreto itong tinatago o kinakahiya?" paninigurado niya rito.


But Alex just shrugged. "That's the million dollar question. Nobody knows his story. Tanging ang mga malalapit lang rito ang nakakaalam roon. You see Adie, kapag nabibitin at natatakam ang tao, they crave for more.. that's how much the media is craving for Marco's words. Kaya Adie, ikaw na ang bahala rito. I know you can do this. Besides, palagi naman na kayong magkasama 'di ba? Sabi mo sa akin dati, medyo nagiging close na kayo. Basta, dapat huwag tayo papatalo sa Pilot."






Hindi alam ni Adie kung paano siya nakauwi sa unit niya ng nakatulala. Ang lalim ng iniisip niya. She totally forgot about that interview thingy. Tuluyan niyang nakalimutan kung bakit nga ba siya pumasok sa kompanya ni Marco.

Pero bakit parang ngayon, bumabaligtad na siya?


Na hindi ang interview ang priority niya kundi ang tulungan si Marco alisin ang bumabagabag rito.

Because right now, she's really falling for Marco.

Agad niyang kinuha ang notepad niya and wrote the words that kept entering her mind.

--------

FOLLOW ME @kendeyss (Twitter/Instagram/Ask.fm)

A Love to Report [Fin]Where stories live. Discover now