Thirty-four

68.1K 1.1K 70
                                    

Pagkabukas ni Marco ng envelope ay napakunot noo lang siya dahil isang USB ang una niyang nakita.

Ano'ng gagawin niya rito?


Pinagmasdan niya ang USB. Ano kayang laman nito? Mabilis niyang in-assemble ang sound system niya at isinaksak ang USB sa flat screen niya. Kinuha niya ang remote pero hindi na niya kailangan pang bukalkalin ang USB dahil tanging isang folder lang ang laman nito.


'My all'


Iyon ang pangalan ng nag-iisang folder. Binuksan niya ang folder at isang mp4 file ang laman nun. Walang pangalan ang file na iyon. Nakalagay lang ay 'file.mp4'.


Kung hindi kanta ito, malamang ay video ito. Clinick niya iyon at pumailanlang sa buong living room ang isang nakakagaang musika.


* What is this I'm feeling
I just can't explain, when you're near.. I'm quite not the same
I tried to hide it, tried not to show it.. It's crazy.. How could it be? *



Unang salita palang ay nabosesan na niya ang kumakanta.


"Adie.." Mahinang usal niya.



*I'm fallin' for you..
Finally, my heart gave in, and I'm fallin' inlove
I've finally know, how it feels..*


Kinuha niyang muli ang envelope at binuklat ulit iyon dahil nararamdaman niyang may kulang.


At tama nga siya ng hinala, dahil may kapirasong papel ang naroon. Habang nakikinig sa kanta nito ay binasa niya ang sulat nito.

/ Hay! Thank God, natapos ko rin ito. Actually poem lang talaga ito, sinusulat ko ito tuwing umuuwi na ako pagkatapos nating magkasama. Minsan naman, lagi kong dala ang notepad ko para kung may biglang pumasok sa isip ko agad ko iyon nasusulat.

Pero alam mo ba na natapos ko ang poem na ito noong dinala kita sa Picnic Grove at nanuod tayo ng fireworks habang nakahiga tayo? Ang saya ko nun. Dahil nung mga panahon na iyon ko narealize na nahulog na ko ng tuluyan sayong kumag ka! Nagpatulong pa ako sa kabanda ko dati para lapatan iyan ng tunog!

Namnamin mo ang bawat salitang maririnig mo, dahil iyan ang mga ipinaramdam mo sa'kin tuwing nagkakasama tayo. Ang cheesy talaga kapag naiinlove,ano? Pasensya na, wala kasi akong lakas ng loob para sabihin sa'yo lahat ng ito. May mga bagay kasing mahirap sabihin ng harap-harapan. Siguro nalilito ka, ano? Kaya huwag mo na munang isipin! Balang araw masasabi ko rin itong mga bumabagabag sa utak ko.

Sana magustuhan mo iyan! I love you, Marco!

Whoo! Sa sulat palang ang hirap ng sabihin, paano kaya kapag nasabi ko na sa'yo ng harapan? Bahala na! :) /



The letter was dated almost a month ago. Pero nalilito siya. Bakit ngayon lang nito ibinigay sakanya ang sulat?

* When you said 'hello', I looked in your eyes.. Suddenly, I felt good inside..

Is this really happening? Or am I just dreaming?
I guess it's true.. I can't believe..

I'm fallin' for you..
Finally, my heart gave in, and I'm fallin' inlove
I've finally know, how it feels.. so this is love..*

Katulad ng sabi ni Adie sa sulat, inintindi niya ang mga salitang binibitawan niya sa kanta. Hindi na niya napansin na kanina pa siya nakangiti habang nakikinig sa magandang boses ng babae.

* It doesn't matter where I am.. thoughts of you still linger in my mind, No matter what time of day.. I've really really fallen for you..

Yeah I'm fallin' for you..
Finally my heart gave and I'm falling in love.. I've finally known how it feels...

A Love to Report [Fin]Where stories live. Discover now