Sixteen [3]

66.8K 1.3K 51
                                    



Nakayukyok si Adie sa lamesa habang hinihintay ang pagkain niya. Iniwan niya roon sa may palaisdaan si Marco. Nainis na talaga siya rito. Napaka-arte naman kasi. Sayang lang yung effort niya.



Napahawak siya sa tiyan niya nang maramdaman niyang kumulo iyon tanda na gutom na talaga siya. Pinaluto na niya yung dalawa niyang huling isda. Bahala na si Marco sa buhay nito. Basta siya, may siguradong dalawang isda na iuulam. Buti nalang mahangin na ngayon sa pwesto ng kubo niya kaya medyo nawala na ang pagkairita niya sa tindi ng init ng araw.




Napasinghot siya bigla nang maamoy ang mabangong halimuyak ng inihaw na tilapia. Kaya naman agad na umangat ang ulo niya.




Isa-isang pinasok ng mga waiters ang mga putahe. Naroon ang dalawang tilapia niya na nahuli pero may dinala atang mga friends ang mga tilapiang nahuli niya. May stuffed bangus, may mga sugpo, may manggang hilaw na may kasamang bagoong, manggang hinog at may mga alimango rin.




"Teka..teka.. ang dami naman ata nito. Sigurado kayo sa akin iyan?" tanong niya sa mga waiter.



"Opo ma'am. Sa kubo niyo po ito pinapadala." sagot ng isang waiter at umalis na.


Sakto namang tumunog ang cellphone niya at pagkatingin ay si Marco ang tumatawag.


"Oh,bakit?" sagot niya.


"Kain na." sabi nito sa kabilang linya.


Tumaas naman ang kilay niya sa sinabi nito. "Ikaw ba ang nagbigay ng ibang pagkain?"



"Oo. Sorry na." sabi nito.


Sa sinabing iyon ni Marco ay may sumilay na ngiti sa labi niya.



"Ngumiti ka. Ibig bang sabihin, hindi ka na galit?" sabi nito.


Mabilis na nawala ang ngiti niya at naalerto. Paano nito nalamang nangiti siya?



"Hoy! Nasaan ka? Nakikita mo ako, ano?" bulyaw niya rito.


"Tingin ka sa kubo sa kaliwa mo."



Mabilis naman siyang lumingon sa kaliwa niya at nandoon nga ito nakaupo at nakatingin sakanya.


"Ano'ng ginagawa mo diyan?" mataray na tanong niya rito kahit na sa loob niya ay natatawa siya sa ginagawa nito.



"Eh galit ka sa akin, kaya dito nalang ako." sagot nito sakanya.



"Mag-iinarte ka pa?"



"Hindi na."



"Lumayas ka na diyan at pumunta ka na dito. Bilis." matapos sabihin iyon ay agad niyang binaba ang cellphone niya. Sinundan naman niya ng tingin si Marco habang papunta sa kubo niya.



"Bati na tayo?" bungad nito sakanya pagkarating sa kubo niya.


"Ikaw ba ang nanghuli ng mga iyan?" sabay nguso ni Adie sa ibang pagkain.



"Oo naman! Nangitim na nga ako sa kahihintay kagatin ng bangus na iyan yung pa-in ko. Tapos nagkandasipit-sipit pa yung mga daliri ko sa kakahuli ng mga alimango na iyan. Ang sakit kaya.. tignan mo oh!"


Ipinakita nito ang isang kamay niya na may dalawang band-aid na nakalagay. Natatawa siya rito dahil mukha ngang matinding panghuhuli ang ginawa nito.


"Eh yung mga sugpo?" tanong niya rito.


"Adie naman! Binili ko nalang 'yang mga iyan. Gutom narin naman ako ano." reklamo nito at pabagsak na napaupo sa tabi niya. Sinandal nito ang ulo sa sandalan ng upuang kawayan tapos pinatong nito ang kanang braso sa mata nito.


A Love to Report [Fin]Where stories live. Discover now