Thirty-one

64.7K 1.2K 57
                                    

Dalawang araw na mula nang mangyari ang pagtatapat ni Adie kay Marco.

At dalawang araw narin na hindi niya nacocontact man lang si Marco. Pinupuntahan niya ito sa building nito pero lagi nalang ang secretary nitong si Cora ang kumakausap sakanya at sinasabing wala roon si Marco.

Pero she knows better.

Alam niyang naroon ang lalaki at ayaw lang talaga siya nitong makita at makausap.

Masakit pala talaga. Lalo na alam mo ang katotohanan.

Pero hindi siya susuko.

Sabi nga niya sa sarili. Titigil lang siya kung sa mismong bibig ni Marco lang iyon manggagaling.

Pumasok na siya sa restaurant ng sunduin na siya ng isang usherette.

Idinala siya nito sa isang private room kung saan naroon ang mga taong gusto niyang makausap.

"Pasok nalang po kayo, ma'am." Sabi sakanya ng usherette.

"Thank you." Pasasalamat niya rito bago pumasok sa loob.

Puno ng tawanan ang loob ng kwarto pero natigil nang mapansing naroon na siya.

Ngumiti siya sa mga ito. "Hi."

"Adie, tara pasok ka." Tumayo si Colyn pagkatapos ay hinila siya paupo sa tabi nito.

Nang bumisita kasi sila Colyn sa unit niya, ang sabi ng mga ito ay kung kailangan niya ng tulong ay huwag daw siyang magdalawang isip na tawagan sila dahil handa daw ang mga ito na tumulong.


Nung una, ayaw niyang humingi ng tulong pero nawawalan na siya ng pag-asa kaya nilunok niya ang hiya niya at heto nga dahil pumayag ang mga itong makipagkita sakanya.


"So, ano'ng pag-uusapan natin?" Masayang tanong sakanya ni Mitch na katabi ang asawa nito.


"I-Itatanong ko lang sana kung alam niyo kung nasaan si Marco." Lakas-loob na tanong niya.

Nagkatinginan naman ang mga lalaki na tila ba may sinasabi sa isa't isa gamit ang mga titig na iyon.

Tila nahalata naman ni Erin ang ginawa ng mga lalaki kaya naman nagsalita na ito.


"Hoy mga ugok! Alam niyo kung saan nagtatago iyang kaibigan niyo,ano? Hala, sabihin niyo na! O, papaaminin pa namin kayo?" Banta niya sa mga ito.

Tumingin naman sakanya si Marco na tila humihingi ng tawad. "Pasensya ka na Adie, pero sana maintindihan mo. Si Marco parin ang kaibigan namin kaya naman siya parin ang papanigan namin. Sana maintindihan mo rin na hindi pa siya handang makipag-usap sa'yo." Paliwanag naman ni Vin sakanya.


Lumunok siya. "G-Ga.. Ganun ba?" Hindi na niya napigilan ang luhang lumandas sa pisngi niya na mabilis naman niyang napunasan. Narinig niya pa ang pagsinghap nila Mitch na marahil nakitang umiiyak na siya. "A-Ayos lang. Nagbakasakali lang naman ako sana. P-Pero naiintindihan ko siya. P-Pakisabi nalang kay Marco na sorry talaga. Na pinagsisisihan ko lahat ng ginawa ko. At.. At totoong mahal ko siya."

Matapos sabihin iyon ay tumayo na siya at nagpaalam at mabilis na lumabas dahil ayaw niyang makia siya ng mga ito na umiiyak.

Tama naman si Vin.. siyempre kakampihan ng mga ito ang kaibigan.

Pero bago pa siya makalayo ay napigilan na siya ni Mitch at Colyn.

------

"Akala ko ba gusto niyong tulungan ang kaibigan niyo?" Sermon ni Erin sa mga lalaki matapos habulin nina Mitch at Colyn si Adie.

"Kaya nga namin hindi sinabi kay Adie kung nasaan si Marco dahil tinutulungan namin si Marco." Sabi ni Mico na tila ba napakawalang common sense ng tanong niya.


Binatukan naman niya ito. "Lalo niyo lang pinapalala ang sitwasyon eh. Sige nga, mag-isip nga kayo! Tulong ba ang pagsama sa pag-inom at pagmasid sa pagwawala niyang si Marco? Hindi! Kunsintidor ang tawag doon!" Tigagal na sabi niya.


"Erin, nasaktan si Marco baka nakakalimutan mo." Paalala naman ni Dylan.

"Oo nga, andun na ako. Bakit? Si Adie rin ba hindi nasasaktan? Guys! Maaatim niyo ba na bumalik nanaman si Marco sa dati, worse mas malala pa sa dati. Alam naman natin na may tama rin iyang kaibigan niyo sa babaeng tumakbo kanina. Gamitin niyo naman ang utak niyo. Utak mga 'pre!" Tila mawawalan na siya ng pasensya sa mga lalaking ito.


"Vin, akala ko ba ayaw mo ng nakakakita na babaeng umiiyak? Pero sa ginawa mong iyan, ikaw pa ang nagpaiyak sa babae."


"Erin naman, huwag kang mangunsensya. Nagi-guilty na nga ako eh. Pero ano ang magagawa ko, pakiusap saamin ni Marco na huwag na huwag sabihin sainyo kung nasaan man siya."


Napakamot nalang sa ulo si Erin at pabagsak na naupo. "Ewan ko sainyo! Bahala kayo! Ang saamin lang naman eh huwag ng palalain pa ang problema ng dalawa. Halata naman kasi na mahal ng mga iyon ang isa't isa eh! Tama na ang dalawang araw na pagiinarte ni Marco."


"Nasa Bulacan si Marco." Biglang sabi ni Jeremie.


"Jeremie!" Sabay na sambit ng tatlong lalaki.

"Ano?" Nakuha nito ang atensyon ni Erin.

"Tama si Erin. I can see that Adie has this effect on Marco like I have in Colyn. Pero hindi ko pa masasabing pagmamahal ang kay Marco dahil ito lang ang makakapagsabi niyon." Ngumiti ng tipid si Jeremie. "Besides, Ganti narin ito sa gagong iyon nang pakealaman niya kami ni Colyn dati."


"Pero nakatulong kaya iyong pangengealam niya!" Napakamot nalang rin si Mico sa ulo.

"Exactly, makakatulong rin itong pangengealam ko, natin." Sabi ni Jeremie. Humarap na ito sakanya.

"Nasa Bulacan si Marco, sa bahay ng magulang niya roon."

Ngumiti ng malapad si Erin. "Hay salamat at may isa pa palang nagfa-function ang utak sainyong lima! Mabuhay ka Jeremiah!"


Pagkatapos ay lumabas narin si Erin at hinabol sila Adie.

"What was that,man?" Tanong ni Dylan kay Jeremie.


"Marco has to face Adie. Nagsasawa narin ako sa kakasama sakanya sa bar, nababawasan ang oras ko kay Colyn. Pinaglilihian pa naman ako nun."

"Paano kung magalit iyong si Marco? Alam mo namang mabagsik iyon eh! Haay. Uuwi nanaman ako nito sa rancho eh." Reklamo nanaman ni Mico.

"Maybe Jeremie said it, para masagot na ang mga katanungan ng dalawa sa isa't isa. Nasa sakanila na kung magbabati o tuluyang magkalimutan na sila. Ang importante, nagkaroon sila ng pagkakataon para magkapaliwanagan." Si Vin na ang huling nagsalita.

Nagkatinginan lang silang apat at sabay na ininom ang mga inumin nila.

-------
Follow niyo sina Jeremiah and Colyn sa twitter!
@HeyImColyn
@ThatGuyJeremie_

VOTE AND COMMENT!
AYAN AH.

Follow niyo ako!
@kendeyss

A Love to Report [Fin]Where stories live. Discover now