Nineteen

66.3K 1.2K 34
                                    

Kararating lang nila Adie at Marco sa Picnic Grove. Kinuha ni Marco ang paper bag na dala niya at tsaka nila tinungo ang papasok.



Maganda rito sa Picnic Grove, dahil hindi lang ito lugar para mag-picnic kung hindi ay nagkalat ang iba't ibang mga rides tulad na lamang ng ferris wheel, rollercoaster at mga booths na karaniwang nakikita sa mga perya. Marami ring mga nagtitinda ng mga lobo,laruan at kung anu-ano pang mga pagkain. May mga nagpaparenta rin ng mga bicycles at mga mini boats.



Maraming tao ngayon dahil weekends. Maraming pamilya at magkasintahang namamasyal.



"Tara doon tayo." Turo niya sa malawak na field na may mga malalaking puno na nagsisilbing lilim ng mga magpipicnic.



Hinila siya nito at naghanap na sila ng mapepwestuhan. Habang nag-iikot sila, napapansin niyang napapadako lahat ng tingin -lalo na ng mga babae - kay Marco. Hindi niya alam kung dahil ba sa nakikilala ng mga ito si Marco o dahil lang sa gwapo ito. At nainis siya ng isipin iyon. Iyong mga titig ng mga ito kay Marco ay tila hinihubaran na nila ito. And that thought just makes her cringe.



Mabilis niyang sinundan si Marco dahil sa bumagal ang paglalakad niya. Mabilis rin niyang ikinawit ang braso niya sa braso nito kaya naman napatingin ito sakanya. Ngumiti siya rito.



"Huwag diyan, doon tayo sa dulo. Hindi masyadong crowded." Tapos ay hinila na niya ito palayo. Doon nila napiling pumwesto sa medyo dulo. Tamang-tama, dahil kaunti lang ang tao rito at tahimik pa. Nilatag ni Marco ang sapin na nabili nila sa mga naglalako. Siya naman ay inihanda ang mga snacks na prinepare niya bago siya nito sunduin.



"Here." Abot niya rito sa clubhouse na ginawa niya kanina.


"May ketchup ba ito?" Tanong nito sakanya.


"Huh? Uh..wala ata? Bakit?"



"I don't like ketchup." Simpleng sagot nito habang binubuka ang clubhouse para tignan kung may ketchup nga ito o wala.


"You're weird." Usal niya rito.


Natawa naman ito sakanya. "Ikaw ba? May ayaw ka bang pagkain o ano?"


Nag-isip naman siya sa tanong nito. "Hmm.. I don't like cheese. Yung cheese na solid. Yung parang bar. Ayoko ng lasa."



"See.. you're weirder." Komento nito.


"I am not!" Depensa niya.


"That's my point. Everyone has their own taste in life. Some likes cheese just like me and some likes ketchup just like you." Sabi nito habang nginangata ang clubhouse na gawa niya.





Nagkwentuhan lang sila ng mga random stuffs tungkol sa isa't isa. Napag-alaman niyang mahilig itong magbasketball noong college ito, may alaga rin daw itong aso at may collection ng guitars.



Iniligpit nila ang sapin at inilagay sa paper bag na dala nila. Nag-ikot sila sa kabuuan ng Picnic Grove. Sumakay sila sa mga rides at naglaro sa iba't ibang booths. Kumain rin sila ng mga street foods. Ginabi na sila sa kakapasyal at napagod talaga sila sa paglilibot kaya naman nilatag ulit nila ang sapin na binili nila kanina sa damuhan at doon nahiga silang pareho.




Nakita kasi nila sa isang poster kanina na magkakaroon nga raw ng fireworks display ngayong gabi kaya napagkasunduan nilang dalawa na panuorin iyon.



"This is one hell of a happy day." Biglang komento ni Marco habang nakatingin sa madilim na langit.



Napaupo naman si Adie at kinuha ang notepad at lapis at tsaka inabot ang mga ito kay Marco. "Here."



Kumunot naman ang noo nito habang tinitignan ang mga binigay niya. "Ano ang gagawin ko sa mga iyan?"



She smiled at him at hinila ito paupo. "Totoo bang naging masaya ang araw na ito sa'yo?" Tanong niya muli rito.




"Yes. Totoong naging masaya ako, thanks to you." He said while smiling too.


Okay, she didn't see that coming. Naghurumentado nanaman ang kanyang puso. Kinilig siya sa sinabi nito ah! Leche naman. Hindi muna magpasabi, sana ni-ready niya ang sarili.


Hindi niya pinahalata ang kilig niya rito. Buti nalang nakatalikod siya sa poste ng ilaw kaya naman hindi masyadong nagrereflect ang ilaw sa mukha niya kaya naman natatago ang pamumula ng kanyang pisngi. Nag-focus nalang siya sa sasabihin talaga niya.



"So masaya ka nga di'ba? Kaya eto.. write it. Write something and use what you feel right now. Kahit ano ang isulat mo, basta ba iyong nararamdaman mo ang isulat mo." Abot niya rito.


Natigilan naman si Marco sa sinabi niya ng saglit pero agad din itong ngumiti at kinuha ang notepad at lapis sakanya. Maya-maya lang ay nagsimula na itong magsulat. Nakangiti naman siya habang pinagmamasdan itong nagsusulat ng tuloy-tuloy. Paminsan-minsan ay tinitignan siya nito.


Habang nagsusulat ito, humiga siya sa sapin at inilabas ang phone niya. Pumunta siya sa notes at may inilagay roon.


'I just can't explain, because when you are near to me, I feel like I'm not quite the same that I used to be'



Ilang minuto lang ang lumipas ay bigla nalang may tumunog na malakas at iba't ibang kulay ang umiilaw sa madilim na kalangitan.




So,the fireworks display started. Pinanuod niya ito habang nakahiga. Sinulyapan niya si Marco at nakitang nakatingin rin sa kalangitan pero agad ding bumaling sakanya. Nginitian siya nito, at ginantihan naman niya ang ngiti nito. Tinapik niya ang tabi niya. "Tara dito, mas magandang panuorin kapag nakahiga ka." Aya niya rito na pinaunlakan naman ng isa.


"Thanks,Adie." bulong nito sakanya.



"Anything for you." Sagot niya.


---------

VOTE AND COMMENT :)
FOLLOW ME @kendeyss (Twitter/Instagram/Ask.fm)

A Love to Report [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon