First
"Palayasin niyo ang pamilyang yan, wala silang karapatan na manirahan pa dito!" sigaw ng isang sopistikadang babae.
"Scarlet, huminahon ka!" saway naman ng kanyang asawa.
"Huminahon? Albert, nakita mo ba ang ginawa nila sa akin? ha? nakita mo ba?" hystirecal na saad nito.
'M-ma'am, wala po akong kasalanan!" Umiiyak na sambit nito habang nagmamakaawa.
"HINDI!ALIS!"
Sa tindi ng galit nito ay kinuha niya ang acido na nahalungkat niya sa cabinet at binuhos sa kanya.
"aah!" sigaw ng babae na ngayon ay unti unting nasusunog ang mukha nito.
"SCARLET!"
Galit na sigaw ng asawa nito. Tumawag agad sila ng ambulansya pero sinuway ito ng babae.
"Hayaan niyo siya! walang kwenta ang babaeng yan! at ng mamatay na rin ang bata na nasa sinapupunan niya!"
Dumating naman ang isang lalaki na galit na galit habang dinadaluhan ang babaeng nasabuyan ng acido.
"Klara? KLARA! HAYOP KAYO! ANONG GINAWA NAMIN SA INYO! HAYOP KAYO!"
"NABABAGAY LANG YAN SA ASAWA MO DAHIL MUNTIK NG MALUNOD ANG ANAK NAMIN DAHIL SA KANYA!" Ani Sacrlet.
"PAPATAYIN KO KAYO!" Sigaw ng lalaki na ngayon ay nasa bisig ang babaeng nabuhasan ng acido.
Sinakay nila ang babae sa isang trycicle at dali dali itong nagtungo sa pinakamalapit na ospital.Kitang kita naman ang galit sa mga mata ng lalaki habang pinagmamasdan ang mag asawang nag aaway sa labas ng mansyon.
pagkarating sa ospital ay dinala agad sa E.R ang babae at inasikaso agad. "Nakita mo ba ang nangyari?" tanong ng lalaki sa isang kasambahay na kasama ng babae sa trabaho.
Tumango ito. "Naglalaro po si Maam Janice sa may gilid ng pool ng nakita kong tinulak siya ng kalaro niya at saktong paglabas ni Maam Scarlet ay naabutan niyang umiiyak si Maam Janice at si Klara po ang sinisi niya na nasa gilid ng bata." paliwanag nito.
Kumuyom ang kamay nito. "sino ang kalaro nito?"
"Ang pinsan niya po, si Sir Carlos" hindi pamilyar ang pangalan kaya binalewala na lamang niya ito.
"bakit niya ginawa yun?" Ani niya. "Hindi ko po alam, nandoon po ako sa tabi ng kapatid ni Maam Janice." Tumango na lamang ang lalaki at hinintay ang Doctor.
"Ano pong lagay ng asawa ko?" Tanong agad ng lalaki ng makalabas ang Doctor.
"She's stable now, also your baby. However half of her face is stremely damage. What do you want me to do?"
"Magkano po ba ang pagpapagamot ng ganoon?" napapalunok na tanong nito.
"It can cost 90 to 100k, but it depends. I recommend you go to States for better solution" ani Doctor.
Tumango na lamang ang lalaki at hinayaang umalis ang doktor. Halos malaglag ang panga niya sa narinig na presyo. Sa tanang buhay niya ngayon lang siya nakarinig ng ganong kalaking halagang pera. Anong gagawin niya?
Pangingisda lamang ang pangunahing hanap buhay sa lugar nila at kung pinapalad ay 3k lang ang pinakamataas na sahod na nakukuha nila sa paghuhuli ng isda. Napaupo siya saglit at saka pumasok na sa loob.
Nadatnan niya ang kanyang Asawa na naka upo at tahimik na umiiyak habang hinihimas ang mukha nito. "Klara!" mahinang tugon nito sabay haplos ng kamay nito.
"Diego!" iyak nito at yakap sa asawa nito. "sshh! tahan na! makakasama yan sa anak natin!" pero umiyak pa rin ito. Anim na buwan na ang tiyan nito kaya may kalakihan na din. Makalipas ang ilang saglit at huminahon na din sa pag iyak si Klara.
"Ipaghihigante kita sa kanya!" madilim ang mukha ni Diego habang sinasabi ito. "Diego, wala akong kasalanan doon! sabihin natin, mawawalan ako ng trabaho." malungkot na tugon nito.
"oo, alam ko. Kaya ipaghihigante kita." Ang huling salita na narinig ni Klara bago makatulog.
Dalawang araw simula noong aksidente na yun ay nagpapahinga na ng maayos si Klara. Nabalitaan din nila na umalis ang mga ito at nagpuntang ibang bansa.
Akala nila na pagkatapos ng pangyayaring iyon ay maayos na, kaso tinanggalan ng karapatan ang mag asawang manatili doon sa lugar na yun at pinagbawalan na rin sila na pumalaot.
"Ano ng gagawin natin?" tanong ni Klara habang nagsisimulang mag impake.
Napatingin naman si Diego dito. "Doon muna tayo sa kabilang isla. May kakilala ako doon." Napabuntong hininga si Klara. "kasalanan ko ito!" sabay iyak nito.
"Klara! Hindi, hindi ikaw ang may kasalanan nito! tahan na." niyakap nito ang asawa. Sa hapon na iyon ay nakasakay na sila sa isang bangka.
"Pare, pasensya na at wala kaming maitutulong sa inyo!" ani ng isang mangingisda na kasamahan ni Diego sa pagpapalaot.
"Ang paghahatid sa amin doon ay malaking tulong na sa amin Erwin." ngiti nito sa kasamahan. Nagpaalam na sila sa lahat na kakilala at doon ay umalis na sila.
Napatingin naman ang mag asawa sa baryo na yun. Isang araw ay babalik sila doon at makakapaghigante sa taong sumira sa pangalan nila at kabuhayan nila. Balang araw ay magiging patas din sila ng pamilyang sumira sa napakagandang mukha ng kanyang asawa.
Niyakap nito ang asawa. At balang araw ay mabigyan ng hustisya ang pagkakasira ng masayang buhay nila.
Ang pamilyang Palanque ang siyang may ari ng isla na yun pero ang hati nito ay hindi pa nila pagmamay ari. Kaya pwede dito ang Pamilyang Hargunio.
Makalipas ang biyahe ay natanaw na nila ang isang gaya ng baryo din nila...dati.
Inalalayan ni Diego ang asawa habang pababa ito. Nilapitan naman sila ng isang lalaki na may kapayatan. "Diego! kamusta na!" maligaya nitong bati sabay akap sa lalaki.
Ngumiti din si Diego at niyakap pabalik ito. "Mang Berting! maayos naman po. kayo po?" Ngumiti na lang din si Klara habang pinagmamasdan ang dalawa.
"Hali na kayo sa loob. Siya ba ang misis mo?" ani Berting habang pinagmamasdan niya si Klara. "opo, Klara si MANG Berting, yung sinasabi ko kanina."
Tumango at ngumiti si Klara. "Magandang gabi po." Iginaya na silang pareho sa loob. "Ito lang ang mapahihiram ko na bahay sa inyo. Pasensya na ah?"
Ngumiti na lang din si Diego. "Ayos na po ito. Maraming salamat po sa pagpapahiram. Magbabayad naman po kami pag nagkapera na rin po kami." Umiling ang Ginoo.
"Libre ko na ito sa inyo, wala naman talagang naninirahan sa bahay na ito eh." Nagpaalam na ang matanda at umalis na. "Pagod ka na ba?" tanong nito sa asawa. Umiling si Klara.
"Hindi, may tindahan ba dito? Bibili sana ako ng pwede nating makain." ngiti nito. "Dito ka na muna at magpahinga. Ako na ang bahala."
"pero-" pero pinutol na ito ng isang halik ng asawa niya sabay tayo. Umiling na lamang si Klara at pinanood ang asawang palabas ng bahay.
Nilinga niya ang kabuuan ng bahay. Simple lamang ito pero maayos tignan. May kusina sa kaliwa pagkapasok mo, sala naman ang bubungad sayo, may ikalawa itong palapag at mukhang doon ang mga kwarto. Inakyat niya ito at nakitang may tatlo itong pwedeng kwarto.
Naglinis siya ng konti at inayos na ang mga gamit nila. Pagkatapos niya ay siyang pagpasok naman ng asawa niya. "Bakit ka naglinis? Paano kung may nangyari sayo ha?" puno ng pag aalala ang boses nito sabay lapag ng pagkain nila sa hapag at nilapitan si Klara.
"ano ka ba! ayos lang ako. Kumain na nga lang tayo." Ngiti nito at nag ayos na ng makakain nila. May mga pwede ng magamit doon kaya naman ay iyon na lamang muna ang ginamit nila.
Sa pagpikit ng mata nila ng gabi na iyon ay nanalangin sila na magiging maayos na ang lahat. Bagong lugar at bagong mga tao na naman ang makakasalamuha nila.
Vote. Comment.
Follow me also.

YOU ARE READING
War Between Us ✔ (Completed)
RomanceYou can't stop me from making you mine. *** Paano mo makukuha ang loob niya kung pamilya mo mismo ang dahilan ng lahat ng pagdudusa nila noon? Puno ng muhi ang nararamdam niya para sayo. Paano kung mahulog ka sa isang taong hindi mo inaasahan? Can...