41th Chapter

1.1K 23 0
                                        

👀 🙈🙈

Marrying

Nasa gilid niya ang mustang niya at nakatingala sa bahay namin. Hindi pa niya ako nakikita. Anong ginagawa niya dito?

Napatalon ako ng lumingon siya sa banda ko, ni hindi man siya nagulat na nakita ako. His eyes are full of sorrow, longing and hurt. I told myself that if I love again this man, Im creating again war in my life...against myself.

"W-what are you doing here?"

Napabuntong hininga muna siya bago ako sinagot.

"It's been five days Ali, do you need more time? I... missed you!"

Nag iwas agad ako ng tingin. Umigting ang panga ko at nanghina. Ganito na ba ang parusa na ibibigay sa akin? Hanggang kailan ako iiwas? At hanggang kailan din siya sa paghahanap sa akin.

"Your family and my family is never on the same side. Can't you see that? Fourth, just stop!"

Nagtitimpi ako ngayon na huwag siyang balibagin at huwag sigawan. Dahil pagod na ako, maayos na ang buhay ko eh. Dumating pa itong lintek na ito. Bakit ganito?

"I can't!" Sigaw niya saka ginulo ang buhok niya saka umigting ang mga panga niya. Mamula mula na ang kanyang mata at ng lumapit siya ay naamoy ko ang alak at sigarilyo sa kanya.

"Your drunk!" Asik ko.

Humalakhak siya ngunit hindi ito dahil sa natutuwa siya kundi dahil galit siya.

"So what? Right! I've been drunk since you left me. And you resign? Wow! Ang dali naman para sayo! Kaya mo? Bakit ang dali para sayo ang iwan ako gayong ramdam ko na mahal mo ako!"

Umatras ako.

"Umuwi ka na! Lasing ka kaya pwede ba! Kung makikipag usap ka sa akin ay dapat maayos ka na!"  Sigaw ko pabalik.

"Even if Im not, your going to push me away still. Right? So what should I? Ive been wasted for those five day's you left me. And you look good while me?"

Nag iwas siya ng tingin. Muntik na siyang matumba kaya agap ko siyang hinawakan sa siko. Kumunot ang noo ko ng makita na may tumigas na dugo sa kanyang dalawang palad. Mukhang matagal na ito ah? Anong nangyari.

Nang makita niyang tinitignan ko ang kamay niya ay tinago niya ito.

"Anong nangyari sa kamay mo?"

"Why? Do you even care?"

"Bullshit!" Mura ko. Hinatak ko ulit ang palad niya saka pinagmasdan ito.

"Akin na kasi." Hila ko ulit ng hinila niya ulit ito palayo.

"Stay here, kukunin ko lang ang first aid kit namin."

Sa awa ng Diyos ay hindi naman niya ako sinuway. Pagkabalik ko ay nakaupo na siya sa hood ng sasakyan niya naninigarilyo.

"Ayoko sa taong naninigarilyo." Sabi ko.

"I smoke or not you still dont like me." Asik niya pabalik. Pero maya maya ay tinapon niya ito.

"Im just calming myself down. Im sorry."

Napailing na lamang ako. Lumapit ako sa kanya at tinignan ang kamay niya.

"Bakit ka may sugat?"

Dinampi ko ang alcohol doon para malinisan. Mukhang may binugbog siya kaya masyadong nagalusan ang knuckles niya.

Nilagyan ko ito ng benda. Hindi pa rin niya ako sinasagot. Nagsimula naman ako sa kabilang palad.

"Got involved in some street fight thats all."

War Between Us ✔ (Completed)Where stories live. Discover now