8th Chapter

1.3K 24 0
                                        

If only

Todo ang pawis ko ng ako na ang magsasalita sa harap. "and now may we call on our Valedictorian...Miss Alicia Hargunio." naglakad na ako papuntang harapan.

Nakita ko sina Nanay at Tatay kasama ang mga kapatid ko. Halos maluha na ako kahit na hindi pa ako nagsisimulang masalita.

"Good Morning to all of you..."

huminga muna ako ng malalim saka nagpatuloy sa pagsasalita. Hindi ko maiwasang maisip ang mga pinagdaanan naming magpamilya noong panahong nagsisimula pa lamang kami. Oo, mahirap dahil hindi namin alam kung saan maghahanap ng trabaho at mapagkakakitaan.

Yung mga panahon na nagkasakit si Kleo at kailangang maghanap ng trabaho ni Nanay at ako naman ang magbabantay sa nakakabata naming kapatid. Pinagsasabay ko ang mga gawaing bahay sa pag aaral kahit na ang hirap kung paano.

Lagi na lang kaming pinag iinitan ng pamilyang Palanque kung may mahanap na maayos na trabaho si Tatay. Kaya ipinapangako ko na bibigyan ko ng hustisya ang pagkawawa nila sa aming pamilya. Tinignan ko ang pamilya ko na malawak ang ngiti at malakas na pumapalakpak.

"...because if you dream, you can achieve it. Your dreams are your shoulders why you keep on walking, running, trying and hoping. Hoping that one day, you got to see why you go through all the sh*ts in life..."

halos magtawanan silang lahat sa pagmumura ko at pinandilatan naman ako ng mga guro at pamilya ko. "sorry for the term..." nagpatuloy ako sa pagsasalita at ng makitang maiiyak na silang lahat ay tumigil na ako. "I guess that's all. Keep on flying, Keep on Trying and Keep on dreaming because your dreams can't be kept away from you! Thank you..."

Nagpalakpakan silang lahat habang nakikipagkamayan ako sa mga guro ko. Sinalubong ko sina Nanay at Tatay pagkatapos ay niyakap ng napakahigpit.

"Nay, may lakad pala kami pagtapos nito. Uuwi din agad ako!"

Una ayaw nila akong pakawalan pero kalaunan ay pinayagan nila ako. Ngumiti ako at binigay sa kanila ang 22 kong medalya. Nagpunta na ako sa kung nasaan si Pamela.

Nung lumipat kami dito sa Manila, siya yung una kong nakilala dahil sa kadaldalan niya. Siya na rin ang pinakamalapit sa akin dito.

Namiss ko tuloy bigla si Hillary. Kamusta na kaya yung bruha na yun? Haay...

"tara na!" tili niya.

"ready ka na ba sa kakantahin mo?" Tumango ako pero kinakabahan ako ng makitang papasok na kami sa  bukana ng bar. LEMON ICE BAR

"T-teka kinakabahan ako Pam!" Tinapik niya ako sa pwetan na siyang nagpagulat sa akin. "PAM!" tumawa lamang siya.

"huwag kang kabahan.Lika na nga!" nagpakawala ako ng hininga at saka pumasok na kami.

"Tita!" napatingin sa amin ang isang babae. "Pam! aga mo ngayon ah? Anong meron?" Tinuro ako ni Pam kaya siya napatingin sa akin. "and..?" Ngumiti si Pam.

"magaling po yan na kumanta." napalunok ako saka ngumiti. "h-hello po!" bati ko.

"hmm, let's see. Doon ka sa gitna. Marunong ka bang mag gitara?" Tumango ako.

"Good, iset up mo na lang ang kakailanganin mo at bahala na ang audience kung gusto ka nila o hindi. chop chop!"

pumalakpak siya at saka naglakad na. "kailangan ko ng disguise!" tugon ko.
"bakit naman?"

"basta, meron ka ba? kahit sa pang buhok lang." kailangan ko ito at baka ay malaman nina Nanay ito. Itatago ko na muna ito, pansamantala lang naman eh. Its not going to ruin something, right?

Binigay niya ang isang wig sa akin na kulay blond at tinapik na. Huminga ako ng malalim.
"kaya mo yan! Doon lang ako sa Bar counter.Good luck!" at umalis na siya. hoo, kaya mo yan Cia.

Kinabit ko na ang wire sa speaker at inayos ang mic. Pagkatapos ng lahat ay nakita ko ang tita ni Pam na naka upo sa isang upuan ng bar counter habang nasa isang kamay ang kopita ng wine.

Nang makita niya ako ay ngumiti siya at tinaas ang kopita niya. Napalunok ako. "h-hello po!" may mga tumingin pero konti lang. Kapalan na ng mukha Cia.

"Good evening po. Sana po ay magustuhan niyo ang kakantahin ko ngayon." Nagplaking na ako ng una at saka tumingin ulit sa harapan.

Walang makakilala sa akin dito dahil ibang iba ang aking hitsura. Lubos lubusin ko na since wala namang makakapansin sa akin kung magkamali man ako ngayon. No one knows me and Im here because of money. Cia, go.

"A million thoughts in my head
should I let my heart keep listening
'cause up 'til now I've walked the line
Nothing lost but something missing.."

Tumingin ako sa paligid. Nakatingin na sila sa akin, doon ako mas lalong pinanghinaan pero pumikit ulit ako at inisip na wala silang lahat.

"I can't decide
what's wrong, what's right
which way should I go?..."

Iniwan ko ang guitara ko and I let the soundtrack be played. Kinuha ko yung mic at tumayo.

"If only I knew what my heart is telling me
don't know what I'm feeling
Is this just a dream?
ah, oh, yeah
If only I could read the signs in front of me
I could find the way to who I'm meant to be
ah, oh, if only
if only 2x"

Nagpaikot ikot ako at tumalon talon na parang concert ito. Nagmulat ako ng tingin at halos lahat sila ay magsigawan, malakas na palakpakan ang bumuo sa bar. Napangiti ako. Pero may nakahuli ng atensyon ko, isang lalaking may kasamang dalawang babae sa tabi nito at nakatingin sa akin habang sumisimsim ito ng alak niya.

Ang dalawa naman sa tabi niya ay haplos ng haplos sa kanyang katawan.Your my target. Palanque. Someday ikaw ang mahihirapan at ako naman ay magsasaya. Kumindat ako sa kanya at naghiyawan ulit ang mga tao. Tumalikod ako at Nag head bang.

"Every step, every word,
with every hour I am falling in
To something I,I have never been

I can't decide
what's wrong, what's right
which way should I go?"

Sumayaw na ako sa harap pero nanatiling nakatitig sa akin ang target ko. Tignan natin, parepareho lang ang mga lalaki. Madaling matukso.

"Am I crazy? Maybe we could happen yeah
will you still be with me when the magic's all run out?"

Nang panghuli ay nag guitara na ako. Malamig na tumititig sa kanya, nagulat lang ako ng ganoon din siya kung makatingin sa akin.

"If only.." Huli kong kanta bago tumayo at yumuko. "salamat po."

"wohoooo"

Lumapit sa akin si Pam at niyakap. "ang galing mong kumanta!" ngumiti rin ako pabalik. "salamat!" Lumapit din iyong tita niya.

"well, looks like somebody has a fans huh? start working tomorrow okay?" Halos mapunit ang labi ko sa kakangiti, napayakap ng ako sa kanya eh.

Sa gabing iyon ay nag usap kami sa magiging set up ko sa pagkanta. Bandang 6:30 ay umuwi na ako. "oh? saan ka galing?" nagmano ako sa kanila. "napatagal po kasi iyong ginawa namin ni Pam. baka matatagalan pa po kaming ganito eh."

"at bakit? ano ba yang ginagawa niyo?" Napalunok ako. "basta po. Huwag po kayong mag alala. training po para sa Harvard." oh God! nagsinungaling ako. pero kailangan ko ang perang ito. minsan lang, please.! sorry po.


Vote. Comment.

War Between Us ✔ (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ