37th Chapter

1K 19 0
                                        

Bedded

"Ready ka na ba anak?" Si Nanay. Maaga pa lang ay  sila na ang naghihintay sa akin na maka alis. Noong sinabi ko sa kanila ang pag alis ay laking tuwa nila dahil makakakuha na naman ako ng bagong opportunidad sa buhay.

Oo, nakakalungkot kasi mawawalay na naman ako sa kanila  pero tatlong araw lang naman at kung sakali ay makakuha din daw ako doon ng mga bagay na kailangan para sa ikakaangat ko.

But there is no success if it weren't for them. Succes is nothing if in return you'll hurt the one's whom you love. My family is my everything, kaya kong iwan ang lahat huwag lang sila. Dahil sila wala ng makakapalit pa.

"Opo nay, tay! Dito na po ako maghihintay! Kleo, ikaw na bahala sa kanila ah?"

Tumango tango naman sila ng may malulungkot na mata.

"Sige na Alicia, babalik ka din naman agad eh!" Natawa ako sa sinabi ni tatay. Niyakap ko sila isa isa bago pumanhik na sa ibaba kung nasan si... Fourth.

"Sino ba talaga ang susundo sayo?" Yan agad ang tanong nila ng sabihan ko sila tungkol dito. Napalunok ako bago sinabing, "kaibigan lang ho. At saka invited din po siya sa event na to."

Pagkatapos ng mahaba habang interrogation with my family, they finally let me go. Parang tatlong araw lang eh. Napapailing na lamang ako bago hinila ang isang maleta ko at sa balikat ko naman ay shoulder bag.

Nang nasulayapan ako ni Fourth ay dali dali siyang lumapit sa akin saka kinuha ang mga gamit ko.

"Good morning." Bati niya ng nakangiti. I smiled back.

"Morning." Sumakay na kami pareho sa kotse niya.

"Have you eaten your breakfast?" Sabay liko niya ng kotse palabas ng village namin.

"Yep, my mom cook and my dad insist. Ayaw kasi talaga nila na umaalis ako ng bahay na hindi kumakain."

"Your family is nice. I like... it."

Natigilan ako. "Do... you remember me years ago?"

Napamura ako ng mahina dahil hindi ko na napigilan ang bunganga ko. Tumikhim siya, akal ko hindi siya magsasalita pero nagkwento siya sa akin.

"We met when I was 12. Your selling fish or something." He confessed.

Yun ang unang pagkakataon na narinig ko siyang magtagalog. Huminga siya ng malalim saka hinigpitan ang hawak sa manibela.

"Your father is a fishermen and your mom... used to work for us. I was there when my mom... hurt your mom. I was there when I saw how broken you are. I saw how my mom... destroy your life."

Alam niya.

"I pretended. I pretended I wasn't there, I pretended I don't know you. I pretended I didn't care. I pretended... Im not falling."

Why?

Pero walang boses na kumawala sa bibig ko. Ang dahon sa labas ay malayang lumilipad dahil Autumn na. May kalayuan din ang airport kaya nagawa pa niyang magkwento ng iba.

Nanikip ang dibdib ko at hindi makahinga. Alam niya! Pero nagkunwari siya na wala lang ito sa kanya. Nagkunwari siya! Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang luha na kumawala.

"I wanted to help but my mom forbid me to. Im sorry."

Pero bakit ngayon niya lang ito sinabi sa akin. "Bakit galit ang pamilya mo sa amin?" Napasinghap siya saka umiling na parang ayaw magsalita.

"Your mom was loved by my dad. My dad didn't love my mom, your mom was his first love and it hurt to see everyday they are fighting because of a loveless marriage."

Napasinghap naman ako. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa airpot. Walang nagsalita hanggang sa naka check in na kami. Nasa tabi ako ng bintana at siya naman ay busy sa pakikipag usap sa cellphone bago pa man kami lumipad.

Bakit parang kulang ang paliwanag niya sa akin. Parang may butas eh, parang may tinatago siya. Paano kung malaman ito ng pamilya niya?

Paano kung ito ang maging dahilan kung bakit magkakalayo kami? Sinong pipiliin ko ngayon? Pero in the first place tunay nga ba ang lahat ng motibo niya sa buhay?

Nakatulog ako. Nagising na lamang ako ng haplusin ni Fourth ang pisngi ko. Ngumiti siya sa akin kahit na may lungkot sa mga mata niya.

"Let's go, continue to sleep at your room, 'kay?"

Tumango ako at nagkusot ng mata bago kami bumaba at nag check sa isang pinakamahal na hotel dito. Damn.

"Fourth this place is expensive." I whisper. He just nodded like it was just okay. Damn dont tell me siya lahat ang gagastos dito? Na-uh!

"Fourth I can pay for mine-"

"No, whatever's mine is yours now."

Walang ngiting salita niya. Nawala ang confidence ko sa pagsagot at tinikom ko na lamang ang bibig ko. Sa bandang 23rd floor kami, magkatabi lang.

Pagkabukas ko ng pintuan ay bumungad ang napakagandang design nito. Nilagay ko ang card sa gilid at automatic na nag open ang ilaw at aircon.

Ang 3D na design ng sahig ay napakaganda at nakakapang akit. Brown and white motif, sala set, kitchen set and a king size bed. Oh God!

This is too much.

Nilapag ko ang gamit ko saka nagdecide na magpahinga saglit. Bandang alas sais ng gabi na ako nagising. Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang katok mula sa labas.

Dali dali ko itong binuksan at bumungad sa akin ang mukha ng isang babae na ngayon ko lang nakita.

Teka sino to?

"Uhm?" Tanong ko at tinitigan siya. Baka naliligaw siya? Kulay ash brown ang buhok niya, mukha naman siyang pinay. Maputi siya at may katangkaran din.

Siguro ay nasa edad 25 na siya o higit. Ngumiti ako sa kanya bago ulit nagtanong .

"Are you lost? I can help you."

Pero nakatitig lamang siya na para bang wala siyang paki alam sa mga sinasabi ko. "So its true." Aniya.

Napatingin ako sa kanya na nalilito ang mukha. Teka sino ba to?

"Are you pregnant?"

Halos mabilaukan ako sa tanong niya.
"N-no!" Sagot ko ng nanginginig. Sino ba to at bakit niya ako tinatanong ng ganitong mga tanong.

"Then why is he letting you stay here where he first bedded his long time dead girlfriend?"

Mas lalo akong namutla pero mas lalo lang nadagdagan ang sakit na nararamdaman ko ng may nagsalita.

"Janice."



Vote. Comment.

War Between Us ✔ (Completed)Where stories live. Discover now