49th Chapter

1K 14 0
                                        

Dricia Foli Palanque

"Congratulations Mrs. Palanque. Your five weeks pregnant."

Imbes na maging masaya ay namutla ako.

"You can bear one child but it will cost your life. It will be you or your child to be alive "

Naalala ko ang sinabi ng doctor sa akin noon.

"Can I talk to you for a minute?" I ask.

"Baby ask him now."

Pero ayoko. Naintindihan naman ni Fourth iyon kaya lumabas muna siya saglit.

"He doesnt know about it, right?"

I nod.

"I suggest you tell him this right now. Doc Hynes said something about your pregnancy right?"

Sadly I nod.

"Talk to your husband about this. The decision should be final before the baby is going to come."

Dumating na ang araw na kinakatakutan ko. Ano ang pipiliin ko? I was trapped. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Walang nakaka alam dito kaya wala akong mapagtanungan.

Should I tell him?

Pero paglabas ko ay nawalan ako ng lakas.

"God! I cant believe it. Im going to be a father! Were having a baby!"

He cheered happily. At dahil doon hindi ko na masabi sa kanya.

"Masaya rin ako Fourth!" Niyakap ko siya.

But deep inside unti unti akong nawawasak at pinanghihinaan ng loob. Anong gagawin ko?

Pagdating sa bahay ay halos wala akong magawa sa bahay dahil siya na halos lahat ang gumagawa.

"Baby, buntis ka! I dont want to risk anything!"

I rolled my eyes.

"Buntis lang ako pero hindi ako disabled! Fourth, akin yan. Hindi ka naman marunong magluto eh!"

Napakamot siya sa kanyang batok. Gosh! His so cute. Pinisil ko ang pisngi niya saka hinalikan sa labi bago inagaw sa kanya ang sandok.

Pinagpatuloy ko ang pagluluto habang siya ay binabantayan akong maiigi. Nalintikan na!

"Hindi pa naman malaki ang tiyan ko Fourth! Kaya ko pang gumalaw kaya no need to worry, okay?"

He sighed.

"Ayoko lang na may mangyaring masama sayo!" He pouted.

I pinched his cheeks again.

"Ouch!"

Ayy, pinang gigilan ko kasi kaya ayun nakurot ko ng mas malakas. Ang cute cute kasi niya!

"Im sorry!" Umiyak ako. Gosh! Nagigjng emotional na ako. Lumayo ako sa kanya habang patuloy ang pag agos ng luha ko.

"I-Im sorry! H-Hindi ko naman sinasadya eh!" Hikbi ko.

Agad niya akong niyakap.

"Hindi! Kurutin mo lang. Hindi naman masakit eh? Ssh, baby please dont cry!"

Dahan dahan akong tumahan.

"Hindi ka galit?" I ask softly.

He nodded.

"I can never be angry to you." He kissed my lips.

Sa magtatlong buwan ko ay mas lalo akong nakakaramdam ng panghihina ng katawan. Lumalaki na rin ang tiyan ko. Mas madali na rin akong mapagod ngayon.

War Between Us ✔ (Completed)Where stories live. Discover now