38th Chapter

1K 17 0
                                        

Disgusting

"Janice." Si Fourth.

Tumigil ang pag ikot ng mundo ko. Nanikip ang dibdib ko at ito na ata ang pinag uusapan nina Clayton at Lioneer years ago. Para akong ginigiba at natulala na lamang ako sa naririnig habang tinitigan ako ni 'Janice'.

"Oh look, Drew your letting this girl in this room? Really?" Aniya.

Kita sa mata niya na nandidiri siya sa akin at  ayaw niya ako na narito. Bakit nga ba ako narito? Nagpadala ako sa aking emosyon at ngayon ito ang kabayaran na aking haharapin.

Suminghap si Fourth at lumambot ang tingin ng tinignan niya ako. Tinatansya kung ano ang papanigan ko. Nanatiling tikom ang bibig ko hanggang sa sinabi niya na ang matagal ko ng tanong.

"Drew, I told you to stop looking at this girl and making her your Flear. God! It's been years, just move on."

Doon na gumuho ang mundo ko.

"Leave Jan. Just fucking leave." Fourth

Namilog ang mata ng babae at sinipat ako ng tingin na puno ng galit at muhi.

"Your making me leave because you have your rebound here? Really Drew?"

"Stop it. Janice, your talking nonsense here. GET OUT!" Sigaw niya.

Napatalon ako sa gulat dahil sa tigas ng boses niya at ngayon ko lamang siya nakita na ganito nagalit. Namumula na ang mukha niya at nagtaas baba ang kanyang dibdib dahil sa galit.

Sinampal siya nung babae.

"How dare you say that. Have you forgotten that Im your sister here? Im your OLDER sister to be exact. And you!"

Dinuro niya ako.

"Your the one whose going to leave. In the first place you dont belong here. You dont fit to this world of ours. Just like years ago, you shouldn't be here where I can kill you in a blink of an eye."

Tumulo ang luha ko at napayuko. Oo, tama siya dahil dapat ay wala ako dito. Dapat ay kinakamuhian ko sila dahil sila ang may sala dito. Sila ang sumira sa buhay namin at sa mukha ng nanay ko. Mga wala silang puso!

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya. Siguro nga ay hindi dapat ako nandito. Mas maganda na kung lalayo ako sa taong to, dahil kahit anong gawin ko hindi kami pwede. The war between us seems so unbendable, like a wall made of magic. It can never be broken down or destroyed.

Pumasok na ulit ako sa unit ko saka mahinahong lumuluha. Sana hindi ako nagpadala sa emosyon ko. Nang dahil dito ay nasasaktan ako at nanliit sa sarili. Ni hindi ko man lang naipagtanggol ang sarili ko.

Umiyak ako  ng mapagtantong wala akong kakampi dito. Ngayon, tutuparin ko na ang pangako sa sarili.

Ang lumayo ng tuluyan sa kanya.

Pinunasan ko ang mga luha ko saka ko narinig ang pagsara ng pintuan na nagsasabing may pumasok at sinara ito. Natulala ako at nanlamig hindi dahil sa aircon kundi ang malaman na kahit kailan ay hindi magiging kami.

Nakaupo ako sa kama ko sa gilid at natanaw na nakaluhod si Fourth sa may paanan ko. Wala akong maramdaman, gusto kong magtanog kung sino si Flear, totoo ba na rebound niya ako. Marami akong gustong itanong pero walang boses ang kumawala sa aking bibig.

"Ali." Hawak niya ang palad ko pero tinampal ko ito kaya binitiwan niya ako. That's right, I don't want him to hold me, to be near me ever again.

"Ali please, Flear..." Pumikit siya ng mariin saka ako tiningala.

War Between Us ✔ (Completed)Where stories live. Discover now