47th Chapter

1K 17 0
                                        

I do

"Are you cold?" Nasa eroplano na kami at kasalukuyan na kakasakay pa lamang. Hindi naman sa malamig pero dahil nakatapat sa akin ang aircon ay nilalamig ako. Kahit na naka jacket na ako at scarf ay nilalamig pa rin ako.

"Here." Nilagay niya sa akin ang blanket saka hinawakan ang palad ko. Dahan dahan niya itong pinagsiklop habang hinahaplos niya ang singsing na nasa ring finger ko. Inangat niya ito saka hinalikan.

"Im going to marry you tomorrow. I cant wait." He smiled.

Imbes na maging masaya ako ay mas lalo akong nalungkot. Gustong gusto ko siyang layuan at sabihin ang kalagayan ko pero kahit ilang sandali I want to be selfish. Just this once, maranasan ko namang maging masaya.

"I can't wait also." I smiled.

Mas lumaki ang ngiti niya saka niya ako hinalikan sa labi. This guy, by my side is my everything. We didn't start great but I can see that were doing our best now.

Hindi man kami nagsimula sa pangkaraniwang paraan ng buhay hanggang sa makasal ay napakasaya ko. Nasa likod sina tatay at mga kapatid ko. Excited na rin na makauwi sa dati naming kinalakhan.

Maalala pa kaya ako ni Hillary? Si Pam kaya? Ang dami kong naiwan doon na gusto kong makita ngayon.

Nakatulog ako sa sobrang pag iisip. Pagdilat ko ay nakita kong tulog si Fourth at akbay ako. Napangiti ako saka hinaplos dahan dahan ang kanyang pisngi.

Bakit kaya ako minahal ng gaya nito? Gwapo siya, matalino, mayaman. Lahat na pero bakit parang sa akin yata siya may sabit? Kumirot ang puso ko sa napagtanto. Unti unti ay nagdidilim ang paningin ko. Bago pa man ito mangyari ay nainom ko na agad ang gamot na binigay sa akin ng doctor.

Namutla ako ng dahan dahan na pagmulat ni Fourth. Ngumiti na lamang ako saka hinagkan siya para hindi siya magtaka sa nangyayari sa akin.

"Your awake. Are you okay?" He asked.

"Yes Im fine."

Niyakap niya ako dahilan kug bakit ako napaluha. God I cant believe that Im going something horrible right now. What did I do to deserve this kind of pain and happiness at the same time?

"H-hey, a-are you okay? Are you hurt? Why are you crying?"

Umiling ako at  tinulungan siya sa pagpapalis ng luha ko. Nginitian ko siya.

"Ang saya ko lang dahil may nagmamahal sa akin ng ganito kasobra at excited na rin ako para sa kasal natin."

Nanginginig kong sagot.

"I hate seeing you cry. Im excited too but please dont cry. Baby please."

Kaya agad akong ngumiti at hindi na napaluha. Ayokong malaman niya na may iba pang dahilan ng pagkalungkot ko. Ang totoo ay takot ako sa pwedeng mangyari sa akin, sa amin.

Nang makarating kami ay naibsan ang kalungkutan ko ng matanaw ang dati naming bahay. Nakita ko doon si Mang Erwin na naglilinis ng kanyang lambat.

Ganoon pa din naman ang San Harly. Medyo nag upgrade lamang sa bahay at iba pang tindahan ang napatayuan.

Sinalubong sina nanay at tatay ng kilala namin dati. Sobrang nagulat sila dahil ilang taon na rin ang lumipas at ngayon lang kami nakabalik dito.

I miss this place.

Nagulat ako ng may biglang yumakap sa akin dahilan kung bakit pareho kaming natumba sa buhangin.

"Nakakainis ka!" Umiiyak na sambit ni Hillary. Humalakhak ako saka tinulungan kami ni Fourth na makatayo.

War Between Us ✔ (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora