Palanque
"Nay, ano po yung nasa kabilang isla?" tanong ko.
Pag kasi pumapalaot si Tatay ay bawal daw kaming lumagpas sa kabilang dako na yun. Tuwing tinatanong ko naman siya ay wala naman siyang sinasagot kundi ang sabihan ako na, "Kalaban ang nasa kabilang isla na yan,nak."
Habang inaalala ko yun ay nagtataka ako, may kalaban doon? Sino?
"Anak, sundin mo na lang ang sinabi ng tatay mo." napakunot ang noo ko sa sinabi ni Nanay. "ang sabi ni tatay, kalaban daw ang nandoon. Sino po?"
"Ang tatay mo talaga!" sabay tawa niya.
"Sila po ba ang may gawa niyan sa mukha niyo?"
Doon natahimik si Nanay. Nung kaarawan ko ay wala silang nabanggit sa akin na tungkol sa mukha niya kung bakit naging ganoon yun.
"Oo anak. Pero hindi sila kalaban." "Bakit po nila kayo sinaktan?" tanong ko. Ngumiti siya at kinarga ako sa kanyang hita.
"Ang mga taong iyon ay dati kong amo, nung araw na bumisita sa kanila ang magpipinsan ay nagkatuwaan sila. Tinulak ni Sir Carlos si Maam Janice at bigla na lamang tumakbo ang batang iyon. Tinulungan ko si Maam Janice at doon ay nakita ako ng nanay niya. At ako ang sinisi." paliwanag niya.
nag init ang ulo ko sa narinig. "Hindi naman ho kayo ang may sala ah?" malakas na sabi ko.
"May kasalan din naman ako. Dapat ay binantayan ko silang mabuti-" Tumayo ako sa galit.
"Hindi! Nay, kasalanan ng batang yun at dapat siya ang may sira ang mukha at hindi kayo!"
Galit ako. "Kaya ba nay, na sinabuyan kayo ng Acido sa mukha? NAY NAMAN!" I whined.
Ngumiti si Nanay at hinilang muli ako. "Tapos na iyon anak-"
"Hindi nay. Dapat silang magbayad. Siguro sa galit din nila ay sila ang rason kung bakit kayo wala doon at dito kayo napadpad?!"
Ngayon ko lang naintindihan ang lahat. Sa edad na nuwebe ay hindi ko sila tinanong kung anong nangyari kay Nanay pero ngayon na sampung taong gulang na ako ay dapat malaman ko na ang buong kwento ng pamilya ko.
"oh? narinig kong sumigaw si Alicia ah? Anong nangyayari?" tanong ni Tatay galing sa pangingisda.
"Tay, ipaghihiganti ko si nanay!" sabi ko. Napatingin sa akin si Nanay at pati na din si Tatay.
"huminahon ka muna anak-" ani ni tatay. "Hindi, Tay, sila ang may kasalanan ng mga ito, at hindi kayo pero bakit kayo ang naghirap noon at hindi sila-" niyakap ako ni tatay.
"anak, away namin iyon at labas ka na doon. masama ang paghihigante. Oo at iyon din ang naisip ko noon pero immoral lamang iyon at hindi makatarungan. Ang magandang gawin na lamang natin ay hayaan ang Panginoon ang siyang magparusa sa may sala."
Makadiyos si Nanay kaya narinig ko rin itong sinabi niya kay Tatay. Napabuntong hininga ako at dahan dahang tumango.
"Kain na tayo, gutom na ang mga kapatid mo." ngumiti ako at kinarga si Thimey papuntang kusina.
Ako ang panganay sa amin,sunod si Kleo, at bunso naman si Thimey. Now, I wonder why our names dont match with Nanay and Tatay.
"Nasali po ako bilang pambato ng math quiz bee!" sabi ng kapatid ko. Ngumiti kaming lahat.
"ang talino naman ng anak namin! Kailan daw ba?" proud na tanong ni Tatay. Si nanay naman ay pinapadede si Thimey.
"Bukas po. Sa kabilang school daw po kami." tinaas pa niya ang kamao niya at ngiti ngiti siya.
"Galingan mo ah? At mag iingat ka doon!" paalala ni Nanay.
"oo, at huwag kang lalayo sa mga kasama mo ah?" dugtong ko. Tumango siya. Nagkwentuhan pa kami at nagkulitan. Tinulungan ko na si tatay sa paghuhugas habang pinapatulog naman ni nanay si Thimey.
Kinabukasan, alas kwarto y medya gising na ako at nagsuot ng makapal na jacket at kinuha ang spotlight na gamit namin para makapag isda.
"Halika na anak!" Tumango ako kay tatay at lumabas na rin ng bahay.
Nakagawian ko na itong gawin. Bumangon ng maaga para makatulong kay papa at bandang alas sais ay pauwi na kami at naghahanda na ako papasok sa eskwela. Sabay ko si Kleo.
Maraming beses na rin akong nasabihan na huwag ng tumulong pero nagustuhan ko naman ang pangingisda kaya naman ay ayos na ito sa akin. Mas naeenganyo nga ako eh!
"pare! swerte tayo ngayon ah? daming huli!" si Mang Berting. Nagtawanan sila habang tinataas namin ang lambat na puno ng isda.
"Halika na Cia baka mahuli ka pa." ngumiti ako kay Tatay at nagtungo sa harap ng bahay. Pagpasok ko ay na andoon na si Nanay, nakapa meywang na naman. Nagmano ako at deritso agad sa loob. Rinig ko pa ang sinabi ni Nanay.
"Pagbawalan mo nga yang anak mo,Naku!" tumawa lamang si Tatay. Naligo na ako at nag ayos ng gamit. "lagot ka! Papagalitan ka na naman ni Nanay." sinimangutan ko si Kleo . "Halika na nga!" sabay tayo ko ng matapos kong maitali ang sentas ng sapatos ko.
Kumain na kami habang daming litensya ni Nanany sa akin. Araw araw na lang. "Nay, ayos lang ho ako. Malakas naman ho ako ah?" lambing ko pero pinandilatan niya lamang ako. Haay, naku po! Si tatay naman ngayon ang pinagsasabihan niya, napangiti na lamang ako.
Nagmano na kaming pareho ni Kleo at umalis na sa bahay. Malapit lang din naman ang eskwelahan namin kaya hindi ako mangangamba na mahuli sa klase.
Bandang pauwi na ako, ay may nakita akong kotse na bago at mukhang mayaman ang may ari. Kulay itim ito at may nakasulat na FORD sa may likod. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa nalagpasan na ako nito.
"sino kaya iyon?" bulong ko. Dapat ay sabay kami ni Kleo pero dahil sa may contest siyang sinalihan ay hindi kami nagkasabayan ngayon. Nilapag ko ang bag ko sa kwarto ko at nagbihis na.
"Nanay, may bagong lipat ho ba dito?"
napatingin si Nanay sa akin pagkatapos mailapag si Thimey sa crib. "wala naman akong matandaan, may nakita ka ba?" tumango ako.
"may nakita po kasi akong bagong kotse na parating kanina. Mukhang mayaman nga ho ang may ari eh." nagsalin ako ng tubig at ininom ito.
"Nay?" tanong ko ng mapansing natahimik siya. Nagulat naman ako sa biglang pagdating ni tatay na para bang takot na takot. Nang nakita niya kaming pareho ni Nanay ay parang nabunutan siya ng tinik.
"oh?" tanong ni Nanay. Naupo si Tatay sa tabi namin. "Palanque family is back."
Vote. Comment.

YOU ARE READING
War Between Us ✔ (Completed)
RomanceYou can't stop me from making you mine. *** Paano mo makukuha ang loob niya kung pamilya mo mismo ang dahilan ng lahat ng pagdudusa nila noon? Puno ng muhi ang nararamdam niya para sayo. Paano kung mahulog ka sa isang taong hindi mo inaasahan? Can...