39th Chapter

1K 19 0
                                        

Resign

"Patawarin niyo po ako!" Tumulo na naman ang luha ko at yumuko. Kakatapos ko lamang ibunyag ang lahat ng nangyari years ago sa harap ng tunay na nagmamahal sa akin at naiintindihan ako.

Niyakap ako ni tatay at inalo. Nasa sala kami ngayon at ang dalawa kong kapatid ay pumasok na sa eskwela. Si Nanay ay nasa tabi ko lang at tulala pa. Hindi pa niya siguro nakuha ang sinabi ko. Nakatakip ang kalahating mukha niya ng scarf.

Kaarawan niya na bukas kaya alam ko na ang pwede kong maibigay sa kanya. Nanatili akong nakayuko habang tahimik na lumuluha.

"Wala kang kasalanan anak, ang pagmamahal sa isang tao ay hindi pagkakamali. Siguro ay nasasaktan tayo dahil hindi naman talaga sila ang nakatadhana para sa atin."

Tumango ako kay tatay.

"Alicia, ngunit ang minahal mo ay isang tao na hindi nararapat sa buhay mo. Matindi ang galit ng pamilya niya sa atin. Wala kaming tutol kung sino ang mahalin mo, ang amin lamang ay hindi ka niya gagamitin. Ang pag ibig ay hindi bagay na pwedeng paglaruan at iiwan na lamang kapag ayaw na o sawa na. Binalaan na kita noon, pero hindi kita masisisi. Tanggap namin ano pa man ang desisyon mo, ang amin lang ay ayaw ka naming makitang nasasaktan."

Napahinga ako ng malalim saka tumango. Nagpapasalamat ako't may pamilya akong masasandigan tuwing may problema ako.

"Ali, anak. Ang pamilyang Palanque ay makapangyarihan. Sabihin man natin na minahal mo ang anak nila ay hindi ibig sabihin na maayos na ang problema sa pagitan namin."

Sabi ni Nanay. Sa buong araw ay nagkulong lamang ako habang nagpipinta. Part time job ko ito nang wala akong magawa. Marami akong naipon dahil marami rin ang bumibili sa mga nagawa ko na. Malaking tulong sa akin si Cha dito dahil siya ang nag aadvertise sa ibang client niya pati rin sina Soph at Ber.

I miss them. Big time.

Nagpatuloy ako sa pagpipinta, pang apat ko na itong pag pipinta. Ang una ay ang dagat ng San Harly. Gusto ko ng bumalik doon, kamusta na kaya silang lahat dun?

Iyong pangalawa ay rosas na nakapaloob dito ay ang langit. Nakakarelax ito at maganda sa paningin. Ang pangatlo ay ang paglubog ng araw sa gitna ng parke.

Tumigil ako sa pagpipinta ng mapagtantong ... siya ang pinipinta ko. Fourth, bakit ba ang hirap mong makalimutan? Di bale it takes time to forget someone in your life.

Imbes na burahin ay pinagpatuloy ko ang pagpipinta ng kanyang mukha. Ang kanyang matang seryoso, perpektong panga at mapupulang labi na nang aakit.

Bandang alas singko ay nakatapos ako ng lima na painting. Meron akong website kung saan nilalagay ko ang mga ito para makapag kakitaan na din. Gusto ko sana ang pagluluto din kaso ay wala na akong mapagsingitan sa sched ko. Lalo pa ngayon na mag iisang buwan na ako sa kanilang companya.

Agad na may bumili sa apat na painting na pinost ko. Nireplyan ko sila at nag set up ng appointment. Paano itong hitsura niya dito? Tinabi ko na lamang ito sa tapat ng malinis na mga painting stuff ko sa tabi at sinara ang pintuan.

Naligo na ako saka napagdesisyunan na i meet ngayon ang dalawang client ko na bumili since malapit lang sila sa akin. Nagbihis na ako at bumaba.

"Aalis ka?" Si Nanay.

"Opo nay, dala ko po itong paintings ko. May bumili po kasi, yung dalawa bukas na lang po."

"Mag iingat ka huh? Huwag mong kalimutang tumawag pag gagabihin ka."

Nagpaalam na ako saka bumaba. Bandang alas syete na dumating ang unang client ko. Half chinese siya at korean. May katandaan na rin siya,

"Hi are you miss Hargunio?" Ngumiti ako.

War Between Us ✔ (Completed)Where stories live. Discover now