3rd Chapter

1.8K 28 0
                                        


Amoy isda

Saglit na tahimik sina Nanay pagkatapos masabi iyon ni tatay. "uhm..." Ano ngayon kung nandito ang mga iyon?

"Anak, sila ang may gawa nito sa Nanay mo!" tugon ni Tatay. Napanganga ako sa sinabi ni tatay. what the-?

"bakit sila narito?" tanong ko.

Diba ay nandoon sila sa kabilang isla at wala dito? ano pa ba ang kailangan nila sa amin?

"Hindi rin namin alam." Bumuntong hininga si Nanay. Gabi na ng sunduin ni tatay si Kleo.

"bakit sila tahimik?" bulong ni Kleo sa akin habang nagbabasa ako sa kwarto ko, kakatapos lang naming maghapunan.

"Ang umaway kay Nanay, nandito sa isla." ismid ko. Hindi rin naman maiintindihan iyon ng kapatid ko kaya naman ay kumunot lamang ang noo niya.

"Basta huwag kang lalapit sa pamilyang Palanque..." sa gabing yun, pinagsabihan ko si Kleo. Sinabihan ko siyang masama ang pamilyang iyon at dapat ay lumayo siya sa mga iyon. Kaya ang gabing yun ay sinira ko sila sa kapatid ko.

"Tay, bakit hindi man lang kayo lumaban noon?" tanong ko habang binabagsak namin ang lambat. Pinasadahan niya ako ng tingin.

"Gustuhin ko man ay kailangan kong maisugod agad ang Nanay mo noon dahil pinagbubuntis ka niya noon." ani niya.

So, muntik na akong malaglag noon dahil sa kagagawan ng pamilyang Palanque? Salbahe silang pamilya. Tumahimik na lamang ako.

Sa buong maghapon na iyon ay inisip ko ang pwede kong magawa para maipaghiganti ko ang pamilya ko. Ano nga bang magagawa ng sampung taong gulang na batang tulad ko?

Napailing ako. "Cia,tara na!" tawag ni Hillary sa akin. Siya ang naging matalik kong kaibigan dito simula ng pumasok ako dito sa eskwelahan na ito. Tumango ako at nilapitan siya. "May problema ka ba?" tanong niya.

Umiling ako at ngumiti."malapit na kasi ang graduation natin kaya kailangan ko pang maiangat ang grades ko!" Umiling naman siya ngayon at humalakhak. "Halos perfect mo na nga lahat ng exams natin eh, mag iisip ka pa?" mas lalo siyang humalkhak.

Sinimangutan ko siya at binatukan.

"aray naman! eh sa totoo naman eh!" Nagtawanan na lamang kami. Napahinto ako ng makitang nagtitinda ng fishball sa tabi.

"Hillary, bili tayo doon!" hinila ko na siya. "sa inyo mga ineng?" Ngumiti kaming pareho sa nagtitinda at bumili na. Kailangan kong makapag ipon kaya naman ay sampung piso lamang ang ibinili ko.

"nga pala, sa Lunes may contest. Sasali ka ba?" tanong niya. "hmm, siguro? ikaw ba?"

"siguro sa pool contest na lang. Pangarap ko kasing maging swimmer eh." nagkibit balikat siya. Bata pa lang kami ay nahiligan na talaga niya ang paglalangoy at mula doon ay lagi niya lang itong sinasalihan pag may pagkakataon.

Napangiti ako sa sinabi niya. "Naku, kawawa na naman ang makakalaban mo niyan!" tugon ko. "ha! talaga lang." at saka kami tumawa. Nagpaalam na siya ng makita ang bahay nila. "ingat ka ah?" sabi niya. Tumango ako at kumaway.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at nadatnan ko na naman ang sasakyang iyon pero ngayon may bata doon. siguro kasing edad ko lang pero mukhang mas matanda ito sa akin. Say 12 years old? makinis siya at maputi. Napailing ako. Mayaman.

Nilagpasan ko ito at nakita si Kleo na papasok pa lang sa bahay. Sabi nila sa akin kanina ay maaga silang lumabas kaya naman ay si Hillary ang kasabay ko kanina. Nagmano na ako kay Nanay. Nagbihis na ako at lumabas.

"si tatay ho?" tanong ko kay Nanay. "nasa palengke pa. marami silang nahuli kaya naman ay pinapaubos pa nila iyon. Bakit?"

Nagliwanag ang mukha ko. "Tutulungan ko na po siya. Babay po!" tumakbo na ako bago pa maka apela si nanay.

Naglakad na ako pataungong palengke, pinagmasdan ko ang paligid. Bakit parang ang tahimik ata ngayon ah? Guni guni lang siguro iyon kaya naman ay nagpatuloy ako sa paglalakad.

"Cia? Naku, bakit ka andito?" tanong ni tatay habang hinuhugasan ang mga isda. "tutulong ho ako," at saka nagsisigaw na ako doon na dito bumili ng isda.

Hindi maiiwasan na mabasa ka sa pagtatapon ng isda at hindi rin maiiwasan na mangamoy isda ka. Siguro nakasanayan ko na rin kaya naman ay wala lang ito sa akin.

"Tay, dalawang kilo na lang ho ito oh!" mag aalas sais na kasi at baka pagod na siya. Tumango siya at nagsimula ng magligpit ng gamit namin para makauwi na din.

"ISDA! ISDA! BILI NA HO KAYO!" Sigaw ko.

Nahagip ko ang isang tingin yung bata kahapon!Nandito siya? Palinga linga siya na parang nandidiri sa nakikita. Kasambahay nila yata ang kasama niya. Tumigil sila sa pwesto namin.

"Magkano isda niyo?" tanong ng matanda sa akin. Bumaling ako sa kanya. "130 po isang kilo," ngiti ko.

"dalawa ineng." Tumango ako at nilagay na lahat sa plastic ang natitirang isda.

"can you hurry up?" napatingin ako sa kanya. Amerikano ba to? Unang tingin mo sa kanya mapapaisip ka na lang talaga kung taga rito ba talaga ito o hindi? Pagkatapos kong maibalot iyon ay inabot ko sa matanda. Inabutan niya ako ng 300 at agad ko itong sinuklian.

"salamat ho!" Tugon ko. Rinig ko pa ang sinabi nung batang yun. "Ang baho naman, amoy isda!" Napakunot ako ng noo.

Marunong naman pala siyang magtagalog.hmmm, Alam naman niyang palengke ito, malamang mabaho at amoy isda. Anong problema doon?

Umirap ako at nagligpit na. "siya ang pangalawang anak ng Palanque." napatingin ako kay Tatay. ah, kaya pala. Kaya pala ayaw ko sa batang yun, dahil isa siya sa mga taong pagbabayarin ko.

Amoy isda pala huh?



Vote. Comment.

War Between Us ✔ (Completed)Where stories live. Discover now