I can't
Sa totoo ay hindi ako makatulog. Ala una na ng madaling araw ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Its been years na ganito ako. May iniinom ako na gamot pero wala naman itong naitulong sa akin kaya kailangan kong pagurin ang sarili ko bago makatulog agad.
"What is wrong with me?"
Pumikit ako saka binalot ng kumot ang katawan. Ayaw kong magpatingin at baka insomia lang ito. Nothing serious about it. At... ayaw ko ring pag alalahanin sina nanay.
"Good morning boss." Si Lopi.
"Hi!" I waved at her. Naupo muna ako saglit sa isang upuan para makapagkape.
"You look lack of sleep. Insomia?"
Nagkibit balikat ako saka uminom sa kape ko. She knows about it also. Hindi naman sadya na nalaman niya. Napansin siguro niya sa tuwing pumapasok akong puyat.
"By the way, someone drop this early for you."
Red card.
Kanino naman galing to?
"From whom?"
"I dunno! He just said its for you. I think his some kind of bodyguard or something."
Naglakad na siya paalis dahil may pumasok na iilang customer. Ngumuso ako saka dahang dahan na binuksan ito.
Alicia,
I want to talk to you tonight. Falcon Hotel, 7pm. Do come.
Mrs. Palanque
What the-? Nanlaki ang mata ko saka pabalik balik na lumunok. Ang nanay ni Fourth ay sinulatan ako para lang maka usap mamaya? Shit, ayoko na nga eh. Ano pa ba ang gusto niyang mangyari?
Sa buong maghapon ay balisa ako at hindi alam kung pupunta ba ako o hindi. Pero gusto ko sanang maka usap siya babae sa babae. Gusto ko ng tapusin ang lahat na namamagitan sa amin.
Lalayo na ako.
Nakarating ako doon bandang alas syete y singko. Nakita ko siyang naka upo at may wine na iniinom. Ngayong nandito ako ay parang nawawala lahat ng gusto kong sabihin at linawin. Alicia, kaya mo yan!
"Have a sit Ms. Hargunio."
Naupo ako kaharap niya. Damn, this should go well. Iisipin ko na lang na may sakit ang kaharap ko ngayon kaya pagtitiisan ko na lang ang pakikipag usap sa kanya ng malumanay.
"May I know maam, what do you want to tell me?"
Tinitigan niya ako saglit saka pinagsiklop ang mga daliri at tinitigan akong mariin.
"Do you love my son?"
My breathe hitched as she ask this coldly. Ano ang isasagot ko? Magsasabi ng totoo o pigilan na lamang?
"Hindi."
Bago ko pa maisip kong anong sinabi ko ay napakunot ang noo niya sa sagot ko. Mukhang hindi ito ang sagot na inaasahan niya.
"Interesting! Do you want to live with my son?"
"No."
Mas lalong kumunot ang noo niya. Ano bang gusto niyang sabihin ko?
"Alam mo na ayaw ko sa pamilya niyo hindi ba?"
Tumango ako ng mariin.
"Dahil ang asawa mo ay inibig niya ang nanay ko bago sayo."
Humalakhak siya na puno ng galit.
"Sa lahat ng babaeng minahal niya ikaw lang ang may ganang bastusin ako ng harap harapan."

YOU ARE READING
War Between Us ✔ (Completed)
RomanceYou can't stop me from making you mine. *** Paano mo makukuha ang loob niya kung pamilya mo mismo ang dahilan ng lahat ng pagdudusa nila noon? Puno ng muhi ang nararamdam niya para sayo. Paano kung mahulog ka sa isang taong hindi mo inaasahan? Can...