Special Update #6

212K 3.5K 304
                                    

Special Update Chapter 6

Napakunot ang noo ko nang marinig ko ang bangayan ng dalawang panganay ko. Ipinasundo ko sila kela Agnes dahil masama ang pakiramdam ko ngayon, mukhang lalagnatin ako. Hindi naman sila masundo ni Kyle dahil busy na rinsiya sa company nila ng Daddy nila, sakanya na rin kasi ipapamana yung mga bar nila dito sa Pinas pati yung company nila ng mga damit na ineexport nila sa ibang bansa. Ang kwento niya sa akin yung G69 na bar ay sa Lolo pa niya na pinalago noon pa na pinamana kay Tito Michael, naloka nga ako dahil ngayon ko lang nalaman na sakanila yung bar na pinakasikat dito sa Pinas, ang tagal na kasi non at talagang hindi bumabagsak, mukhang magaling humawak ng negosyo ang Daddy niya. Yung M Clothe's Company naman sa Lola niya din yon na ang 50% ay pinaghatian ni Tito Michael at ng kapatid niyang si Tita Michelle, ayaw na kasing magtrabaho ni Tito Michael after 4 years gusto na lang niyang makasama ang asawa dahil tumatanda na rin daw naman sila kaya tinuturuan na niya si Kyle na maghandle nito lalo na at solong lalaki pa siya sa pamilya niya. Yung studio naman tinutulungan siya ni Felix para hindi bumagsak iyon, name-maintain pa rin nila yung magandang pagpapatakbo ng photography nila.

Tumayo ako sa higaan at lumabas ako ng kwarto dahil dinig na dinig ng dalawang tainga ko ang bangayan ni Marcus at Ethan.

"Eh ano ngang magagawa mo ako ang gusto niya." Mapang-asar ang boses ni Ethan sa kapatid.

"Ako ang nauna sakanya dude, grade 1 palang tayo alam mo na yan." Tama ba ang naririnig ko? Parang mga binata kung mag usap ang dalawang anak ko? For pete's sake First year high school palang silang dalawa.

"Mom! Kanina pa nag aaway sa sasakyan sila Kuya." Pagsusumbong ni Monique na ngayon ay nagmamadaling umakyat ng hagdan.

"Bakit? Anong pinag aawayan nila?" Pagtataka ko, never ko pang narinig nag away ang dalawang yan. Ngayon lang.

"It's because of Ate Bianca, binigyan kasi siya ni Kuya Marcus ng chocolates pero ayaw niya tanggapin. Tapos si Ate Bianca binigyan niya ng letter si Kuya Ethan, I hate her. Ang arte arte kaya niya sa school namin." Grade 5 naman ngayon si Monique at Troy, sa isang University lang namin sila ipinasok para kapag susunduin ng driver hindi na mahirapan pa. Sumasakit ang ulo ko. Tama sila Mama iba na ang takbo ng isip ng mga bata ngayon, nung ganyang edad ako wala akong ibang iniisip kundi kung paano ako magkakaroon ng bagong libro na kinaadikan ko noon, pero ang dalawang anak ko nag aaway dahil sa babae.

February 14 ngayon kaya siguro naisipan ni Marcus na regaluhan si Bianca, grade 1 palang siya nung magkacrush siya dun sa batang yon at hanggang ngayon gusto niya pa rin yon. Madalas siyang magpahatid sa bahay nila Bianca dahil nagpapaturo siyang mag saxophone sa Mama nito.

Lumapit ako sa kwarto ni Marcus at Ethan,at laking gulat ko nang makita kong nakadapa sa sahig si Ethan habang dumudugo ang bibig.

"What's happening here?!!" Galit na sigaw ko sakanilang dalawa! Napaharap sa akin si Marcus at napansin kong may dugo din sa gilid ng labi niya.

"Marcus hit me Mom!" Pagsusumbong ni Ethan sa akin at umupo sa kama niya.

"Nauna ka! Gumanti lang ako!" Galit na sigaw ni Marcus sakanya.

"Kailan pa kayo natutong magsakitan na dalawa ha?!Magkapatid kayo! Hindi ba laging sinasabi ng Daddy niyo na kayong dalawa palagi ang dapat magkakampi sa lahat ng bagay?!!" Galit na sigaw ko sakanila, nakakaramdam ako ng pagkahilo dahil siguro sa sama ng pakiramdam ko pero hindi ko na lang pinansin iyon dahil nasa gitna ng away ang dalawang anak ko.

"Mang aagaw kasi siya Mom! Bianca is mine! Bata palang kami siya na ang gusto ko!" Sigaw ni Marcus.

"My god Marcus! Bata ka pa rin! Ano bang tumatakbo diyan sa isip mo?!Fourteen years old ka palang anak!" Suway ko sakanya, tumahimik lang siya. Yan ang isang nagugustuhan ko sa mga anak ko, kahit kailan hindi nila ako sinasagot.

Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon