HEART: 3

1.8K 125 2
                                    

Azikel Mayn's POV

Nagkak-klase ngayon pero ang utak ko hindi nakikisama dahil sa over thinking na ilang araw ko na ginagawa. Gusto kong makinig pero pinipigilan naman ito ng utak ko.

"Okay Class. I think pagod pa ang mga brain niyo, dahil feeling ko walang nakikinig sakin. So? Hindi muna ako magkaklase, pero wag kayo masyadong maingay," sabi ni Ma'am Puso na kinatuwa ng buong klase pero pakiramdam ko ay may gusto ko pang nagkak-klase para naman kahit papaano ay maligaw ang isip ko.

Heartilia Puso ang full name ni Ma'am and 23 years old fresh graduate. Favorite Professor namin iyan si Ma'am Puso kasi sa kanya lang kami nakakapaglabas ng mga problema namin tapos bibigyan niya kami ng advice.

Kapag nahalata niyang may problema ka at ayun ang dahilan kaya ka hindi nakikinig sa klase niya ay kakausapin kana niyan sa office niya tapos ang maganda roon ay naiintindihan niya ang  sitwasyon namin sa buhay kaya nasunod talaga kami sa mga sinasabi ni Ma'am Puso.

Habang nakaupo at iniisip kung paano sasayangin ang oras dahil 2 hours pa naman ang klase kay Ma'am napagdesisyunan kong ilabas nalang ang cellphone ko.

Ngunit sa pagbukas ko nito ay bumungad sa akin ang picture naming dalawa ni Matthew noong mga bata pa kami na naging dahilan upang maalala ko ang nangyari kagabi.

Tumulo na naman ang mga luha ko at agad ko itong pinahid uoang hindi makita ni Ma'am Puso. Mabuti nalang nakayuko ako tapos yung bag ko nakapatong sa desk ko kaya hindi makikita yung muka ko.

But that was I thought sapagkat nahalata parin ito ni Ma'am Puso.

"Azikel? Can we talk in my office. After your class?" Tanong ni Ma'am Puso na naging dahilan upang iangat ko ang aking ulo at mapatingin sa kanya.

"Sure po" -Sagot ko sakanya tsaka kunwaring ngumiti.

Sa totoo lang I want to hide my feelings to everyone dahil pakiramdam ko ay pabigat lang ako kaya lang alam na ni Ma'am na may problema ako kaya hindi ko na matatago ang nararamdaman ko.

Natapos na ang klase at agad akong dumeretso sa office ni Ma'am Puso. Kumatok muna ako bago pumasok. Pagkapasok ko ay agad akong tinignan ni Ma'am at binalik ang mata sa kanyang computer.

"Kamusta ang klase Azikel?" Tanong ni Ma'am.

"Ayos naman po medyo lutang lang po ako" sagot ko.

"Take a sit" sambit ni Ma'am Puso. Sumunod naman ako at umupo sa upuan sa tabi niya tsaka ako binigyan ng chocolate cupcake with a lots of marsmallows.

"What is the problem? About your fiancé again?" Tanong ni Ma'am Puso at naramdaman ko na tutulo na ang mga luha ko ngunit pilit ko itong pinipigilan. Pakiramdam ko rin na may nakabara sa lalamunan ko at kapag nagsalita ako ay mababasag ang boses ko tsaka tuluyan nang tutulo ang aking mga luha.

3RD PERSON'S POV

"H-he told me to stay away from him.. sobrang laki po ng galit niya sakin kahit hindi niya sabihin iyon ay ramdam ko po. Kasalanan ko naman po talaga eh! Hindi naman po kami maikakasal kung hindi ako pumayag! Ang tanga-tanga ko po dahil nagawa kong saktan yung taong mahal ko. Bakit kasi nabuhay pa ako, dapat namatay nalang ako" sabi ni Azikel at tuluyan na ngang tumulo ang kanyang mga luha na kanina niya na pinipigilan.

"Don't say that, nabuhay ka dahil may rason and it's not your fault na maikasal ka sa taong yan. Natakot ka lang sa iyong ama, diba sinabi mo sakin iyon nung nakaraan right? Na kukuhain sayo lahat pag hindi ka pumayag sa fix marriage na yan?" Saad ng professor ni Azikel na si Ma'am puso na lalong kinaiyak ni Azikel dahil naalala na naman niya ang yung mga araw na nag-away sila ng kanyang ama at muntik pa siyang mapalayas nito.

The End of the Slow-Witted HeartWhere stories live. Discover now