HEART: 25

423 28 7
                                    

Azikel Mayn's POV

Maaga kaming gumising ni Matthew upang maaga din kaming makabalik sa Maynila. Ayaw pa nga kami paalisin ni Lola Veni at ayaw ko pa din pero kailangan talaga dahil may pasok pa kami.

Nasa loob kami ng sasakyan ni Matthew ngayon at hawak hawak niya ang isa kong kamay habang isa naman ay naka hawak sa manibela.

"Bakit ang clingy mo?" -tanong ko sa kanya.

"Dunno" -sagot niya sa akin sabay pisil sa kamay kong hawak niya.

"Eh? Siguro ganyan ka din kay... Kay ano.. kay Rose! Hmp!" -Saad ko at inalis ang pagkakahawak niya ngunit ayaw niya namang tanggalin.

"No baby, I don't know why but when it comes to you I just want to be with you all the time and besides I want others to know that you are mine because I don't want to share. Mine is mine." -Ani niya na naging dahilan upang ako'y mamula at mag-iwas ng tingin dahil naramdaman kong tumingin siya sa akin.

"You are blushing" -Saad niya na parang tuwang tuwa pa na namumula ako dahil sa pinagsasasabi niyang nakakakilig.

"I'm not!" -sabi ko sa kanya. Ngunit sa totoo lang ay tinatago ko ang kilig na aking nadarama.

Makalipas ang mahigit isang oras ay nakarating na kami at hinatid niya ako sa bahay namin ng pamilya ko. May pupuntahan daw siya kaya dito niya ako hinatid kasi wala ako kasama dun sa bahay namin.

"Kita nalang tayo sa school mamaya. Papasok ka ba?" -Tanong ko habang pinagmamasdan siyang nakasandal sa kotse niya at iniisip na isa siyang modelo.

"Nope. I have to go to dad's company." -Sagot niya.

"Ganun ba? Okay! Ingat ka. Pasok na ako sa loob ah?" -Sabi ko pero bago iyon ay hinalikan muna niya ako sa noo.

"Don't be late okay?" -Paalala niya sakin na tinanguan ko lang. Pumasok na ako sa loob at kinawayan muna siya bago pumasok sa loob mismo ng bahay.

Ngunit sa pagsarado ko ng pinto ay bigla akong kinabahan hindi ko alam kung kaba ba ito dahil sa kilig o kaba dahil alam kong may mangyayari.

Binaliwala ko na lamang ang naramdaman ko at tinuon ang sarili sa ibang bagay.

"So kamusta ang bakasyon with your future husband?" -Tanong ni beshy.

"Ayos lang. Masaya." Sambit ko na medyo napapangiti pa dahil sa kilig.

Tinignan ko ang phone ko kung may text siya ngunit wala. Nasaan kaya ito? I decided to send him a text para hindi siya maistorbo kung busy siya.

To: My Future Hubby

Busy ka? Ingat ka ah. Wag kalimutan kumain ng lunch. Reply agad pag nabasa ito. Iloveyouuu pooo

"Tara na male-late tayo sa next class natin" -Paalala ni Kerlyn kaya naman umalis na kami sa cafeteria at dumeretso na sa susunod na klase. 

Natapos ang buong araw at walang Matthew na nagparamdam. Ni-text o tawag ay walang dumating. Iniisip ko na baka busy lang pero ngayon napaparanoid na ako.

"Ano? Nakatanggap kana ba ng text sa kanya?" -Tanong ni Kerlyn 

"Hindi padin. Hindi ko na alam iisipin ko!" -Saad ko kay Kerlyn

"Huminahon ka. Baka sobrang busy lang talaga. Wag ka mag-isip ng kung ano-ano!" -Sabi niya sa akin sabay hawak sa magkabilaan kong pisnge.

Tumango nalang ako at pilit pinapasok sa utak ang mga sinabi ni Kerlyn sa akin.

The End of the Slow-Witted HeartWhere stories live. Discover now