HEART: 8

1.7K 118 13
                                    

Azikel Mayn's POV

Pagtapos niya akong halikan sa noo, hinila niya ako palabas sa arcade island,

Pota!! Si Kerlyn!!!

"Saglit!"-Sigaw ko sa kanya

Tumingin naman siya sa akin na may halong pagtataka.

"Saglit lang Mr... Kung sino ka man!! Yung bestfriend ko naiwan sa loob! Okay!? Babalikan ko muna!"-sabi ko

Lalakad na sana ako pabalik sa loob kaya lang nahawakan niya yung braso ko!

At hinila na ako papunta sa kotse niya, Tatawagan ko na nga lang si Kerlyn!

Ng nasa tapat na kami ng kotse niya binuksan niya ang pinto sa passenger seat.

"Pasok"-Sabi niya

"Ayoko nga!" -Pag angal ko

At may naramdaman akong hangin sa tenga ko, na naging dahilan ng pagtaas ng mga balahibo ko sa katawan.

"Papasok ka o hahalikan kita?"-Sabi niya

"PAPASOK NA NGA OH!!!" -Sigaw ko

Pumasok na ako at sinarado niya ang pinto, sumakay naman siya sa driver's seat.

"Wait lang Mister ano nga ulit pangalan mo?"-Tanong ko

"Ken Leclair"-Sagot ni Ken sa tanong ko at pinaandar ang kotse ng mabilis

"I'm Azikel Mayn,"-Pagpapakilala ko

"I know"-Ken

"Paano? Ganun na ba ako kasikat para makilala?"-Natatawa kong sabi

"*chuckle* Crazy, I know you because of your brother, I'm his friend from Feather Mertual Academy"-Sabi niya

"Ah, akala ko silang dalawa lang ni Matthew ang magkaibigan. Meron pa pala" -Masaya na may halong lungkot kong sabi.

Di na siya ulit nagsalita at nagdrive nalang, tumingin nalang ako sa bintana.

Binalot ng katahimikan sa loob ng kotse niya,

Ay oo nga pala! Tatawagan ko si Kerlyn.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag, at tinawagan ko

*kring-kring*

Kerlyn: [Ayon!! Nasaan kana!?]

"Nauna na akong umuwi may emergency lang"- Sabi ko

Kerlyn: [Papatayin ko talaga itong kuya mo!! Kanina pa ako iniinis!!]

"Wahaha, Okay lang yan, Patayin mo na kung gusto mong patayin."-Ako

Kerlyn: [Palinga-linga si Matthew kanina, may hinahanap yata kasama ko kasi sila, Pati yung isang tropa nila, akala ko ba dalawa lang sila? Eh tatlo sila dito]

"Ewan ko, Baka hinahanap yung isa pa nilang tropa" -Ako

Kerlyn: [don't know, ge bye naaa, nag text na sa akin si Mom pinapauwi na ako mwaa ingat ka]

*toot-toot*

"Who's that?"-Tanong niya

The End of the Slow-Witted HeartWhere stories live. Discover now