HEART: 23

1.2K 54 28
                                    

Azikel Mayn's POV

Nilayo ko ang muka niya sa leeg ko, ano ba pinagsasasabi nito?

"Anong amoy baby? Nagshashabu kaba o sadyang may saltik ka na naman? " -Ako

Tinanggal niya ang kamay ko sa muka niya at tinignan ako ng mata sa mata. Those dark brown eyes is so deep and pretty na para bang nilalamon ka ng kanyang mundo.

*dug-dug-dug*

Napaiwas ako ng tingin dahil sa pagbilis ng tibok ng puso ko at dahil na din sa nag-iinit kong mga pisngi. Putakte naman oh!

Napabalik lang ang tingin ko ng bigla siyang tumawa. Imbis na mainis ay lalong tumibok ng mabilis ang puso ko at bigla nalang nagluha ang mata ko. Ang mga tawa na iyon.. totoo.. totoong totoo..

Napatigil lang siya sa pagtawa ng makita niya akong naluha ngunit nginitian ko nalang siya ng malaki at nauna ng lumabas habang pinupunasan ang mga luha ko.

Napatigil naman ako sa paglalakad ng bigla nalang may humila sakin at hinarap ako sa kanya.

"Hey, what's wrong? D-did I do something w-wrong? P-please... tell me" - Nauutal at may halong kaba niyang tanong.

"Wala, that's what they called Tears of Joy. Tara na nga" Sabi ko at nginitian siya upang masigurado na wala siyang ginawang mali.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa Photo Booth. Pumasok kami sa tent at umupo doon sa may upuan kung saan nakatapat ang camera.

"Seryoso ka ba dito? Eh kahit kailan hindi kita nakita ngumiti sa camera." - Ako

"Stop commenting about things." -Siya

May lumabas ng count down sa may screen kung saan makikita mo ang sarili mo.

Ngumiti ako at nag peace sign na nakadikit sa muka ko.

*captured*

Tinignan ko siya at nakatingin lang siya sa akin.

"Hoy! Ba't nakatingin ka sa akin?" -Tanong ko.

"Nothing." -Sabi niya.

Nagsimula na ang count down ka naman ang naisip ko ay mag whacky.

Nagduling-dulingan ako, inipit yung ulong ko sa pagitan ng middle and pointing finger ko.

*captured*

Nakarinig ako ng tumatawa kaya napalingon ako sa katabi ko na alam kong kanina pa nakatingin sa akin.

"You're so cute" -sabi niya.

Hinawakan ng malaki niyang kamay ang magkabilang pisngi ko at tinititigan na naman ako.

"Baka matunaw naman ako" -Sabi ko na kunwari'y nagtatampo.

"I won't let it happen. Papakasalan pa kita" -Saad niya at yung pagkatagalog niya ay may accent pa.

"Araw-araw ka nalang magsalita ng tagalog. Nasa Pilipinas ka naman eh" -Ako

Nagsimula na ang count down.

"3"

"Uy, bitaw na paano ako ngingiti sa camera niyan"

"2"

"No. I don't want you to smile infront of other people" -Siya

"1"

Pagsasalita pa sana ako ng halikan niya ang noo ko at ayun ang nakuhanan.

The End of the Slow-Witted HeartWhere stories live. Discover now