Heart: 34

109 13 0
                                    

3rd Person POV

Azikel is currently in her part time job at patapos na rin ito dahil naglilinis nalang siya nang biglang dumating si Ken na may dalang paper bag na galing sa back door ng shop na pinagta-trabahunan niya na kanyang kinagulat.

"What are you doing here? Susunduin mo ko?" Tanong ni Azikel but Ken is just looking at her with that sad eyes and fake smile na kinanuot ng noo ni Azikel.

"Bakit? May problema ba?" Tanong ulit ni Azikel at lumapit nalang si Ken sa kanya at niyakap siya na mas lalo niyang kinagulat. Bumitaw ito sa yakap at tinignan siya. She can see the pain and sadness in his eyes.

"It's nothing, I hope for your happiness my baby Azikel, this is the last time I can call you that. Thank you for everything, akala ko talaga sakin ang bagsak mo yun pala ay naka harness ka sa kanya kaya di ka mahulog-hulog sakin. It's funny right? I was hoping that someday you'll fall for me, pilit kong binubulag ang sarili ko na balang araw magiging akin ka kahit pinapamuka na sakin ni tadhana kung paano ka niya itali sa kanya. I love you Azi, matagal na pero mas nauna ka parin pala niyang mahalin" Sambit nito at halatang pinipigilan ang mga luhang gustong pumatak.

"What do you mean Ken? Hindi ko maintindihan" Sabi ni Azikel ngunit hindi ito pinansin ni Ken.

"Tara na nga hatid na kita pero magpalit ka muna nito kasi pinapapunta ka ng mama ni Leir sa isang event at ihahatid kita roon" Pakli ni Ken at binigay ang dalang malaking paper bag tsaka lumabas si Ken pero bago iyon ay sumenyas ito na hihintayin siya sa parking lot.

Kahit nagtataka ay sinunod nalang ni Azikel ang sinabi ni Ken. Binuksan niya ang paper bag at may laman itong gray off shoulder high long gown and shiny gray pumps heels.

Nagsimula na siya magbihis at nagawa naman niyang i-zipper ang likod nito. Napagdesisyunan nalang niyang i-bun ang buhok at mag iwan ng iilang hibla sa magkabilang gilid sa may patilya.

Kinuha niya ang lip balm at lip tint niya tsaka naglagay sa labi at sa cheeks ng kaunti para mabuhayan naman ang kanyang muka kahit papano.

Nag-paalam na siya sa manager nila tsaka sumunod kay Ken sa parking lot. Pagkarating niya roon ay nakaupo sa hood ng kotse si Ken habang may ka-text at naka suit and tie na ito.

Lumapit na siya rito na kinatingala nito at sinalubong siya nang malungkot na ngiti.

"You look prettier tonight" Puri sa kanya ni Ken.

"Nambobola ka na naman!" Natatawang saad ni Azikel. Pinagbuksan siya nito ng pinto sa passenger seat at agad naman siyang sumakay tsaka nilagay ang back pack niya sa back seat. Umikot naman si Ken para sumakay sa driver's seat. Sinimulan na ito paandarin ni Ken.

"Ano bang event iyon?" Tanong ni Azikel habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Hindi ko rin alam, basta pinapapunta lang tayo. Nandoon na sila Axis at sinabi kong ako nalang susundo sayo dahil may dinaanan ako malapit sa shop niyo." Sagot ni Ken sa kanya na kinatango nalang niya.

Gusto niya talagang malaman kung anong event iyon dahil baka kagagawan na naman ito ng kanyang ama na balak na naman siyang pahiyain sa buong angkan nila na kinakatakot niya ng sobra.

She was into deep thinking ng sirain ito ni Ken.

"Wear this, yan lang ang binigay sa akin ni Axis para naman daw may accessories ka sa katawan" Sambit nito at binigay ang isang box na maliit.

Azikel opened it at bumungad sa kanya ang singsing niya na binigay sa kanya ni Matthew noon.

"But this is--" hindi na natapos ang sasabihin ni Azikel dahil sumabat agad si Ken.

"Just wear it sabi ng kuya mo" sabat ni Ken kaya wala ng nagawa si Azikel kung hindi isuot ito.

Maya-maya pa ay nakarating sila sa isang malaking event mansion at mukang nagkakasayahan sa loob.

Pumarada si Ken sa tapat mismo ng entrance at nakasara ang malaking doubled doors. Pinagbuksan siya nito at inalalayan papunta sa tapat mismo ng doubled doors.

Binitawan siya ni Ken na kinaharap niya sa kanya.

"Tayo ka lang dyan at kusang mag bubukas yung doubled doors" Sambit ni Ken na agad naman niyang ginawa. Tumayo siya ng maayos sa tapat nito at tumingin sa kanyang paanan upang hintayin ang pagbukas nito ngunit lumipas ang ilang segundo ay hindi parin nagbubukas ang pintuan kaya napatingin siya sa kanyang gilid kung nasaan si Ken ngunit sa kanyang paglingon ay wala na ang binata sa tabi niya na kinalingon niya sa kanyang paligid pero na istorbo ito ng biglang mawala ang masayang tugtugan at mukang wala ng ilaw sa loob.

Hindi siya nakarinig ng sigawan na kanyang pinagtaka. Bigla ring namatay ang ilaw sa buong paligid ng Mansion na ito na kinakaba niya.

"Ano bang nangyayari, nakakatakot naman ito. Pusanggalang Ken kasi yan eh iniwan ako!" Bulong niya sa sarili.

Biglang dahan-dahang nagbukas ang doubled doors na kinasinghap niya, she can't see anything dahil sa dilim. Tanging liwanag lang ng buwan ang nagiging gabay niya.

"Uhm.. Hello?" Sigaw niya sa kanyang pagpasok. Walang sumagot ngunit ramdam niya ang presensya ng maraming tao.

"May shooting yata ng horror movie. Extra ba ako?" Sigaw niya ulit ngunit wala na naman siyang narinig na sagot.

Aalis na sana niya ng bigla siyang may narinig na nagsalita and she felt her knees trembled with fear just hearing that voice.

She want to go home bago pa ito may masabing masama tungkol sa kanya ngunit hindi niya kaya, nanghihina siya.

"My daughter, kamusta ang pag-punta sa Italy? Masaya ba ang naging buhay mo rito? Akala mo siguro hindi ko malalaman anak." Sabi nito na lalo niyang kinatakot at gusto niya nalang gumapang paalis.

Pinili niyang ipikit nalang ang mga mata at iyuko ang ulo dahil wala na siyang magagawa pa kung hindi ang makinig sa sasabihin nito. Handa na siyang tanggapin ang masasakit na salita nito ngunit ang mga sumunod na kataga nito ang mas nagpahina ng tuhod niya.

Bumukas ang isang spot light at tinutok ito sa ama niyang nasa gitna ng stage habang may hawak na microphone na kinatingin niya.

"I'm sorry, patawad sa lahat ng nagawa ko. Wala akong kwentang ama, I was blinded by my work to achieve a better future for both of you and Axis. I let my fear eat me by cutting out some people in your lives, setting a strict rules and getting angry at small things but little did I know, I was destroying your heart little by little and that includes your mother. Akala ko kasi sa ganung paraan ay mapapalaki ko kayo ng maayos and to be honest, I don't know how to raise a child lalo na ako ay lumaki ng walang mga magulang na sumusuporta. I was adopted by the Chamber Clan at the age of 18 at binigay sa akin lahat ng gusto ko that's why I'm grateful to them pero iba parin ang pakiramdam because we live together in such a short time sapagkat kailangan nilang bumalik ng Italy at hindi nila ako maisasama for a specific reason. That's why I'm asking for your forgiveness my princess. I hope you can give me an another chance to prove to you that I can change everything. I'm sorry and I really do love you" Sabi nito na kinaiyak ni Azikel lalo na at naririnig din niya ang hikbi ng kanyang ama.

She can't believe everything na ang kanyang ama ay humihingi ng tawad sa kanya. She can't answer dahil hindi niya mapigilan ang mga luhang tumutulo. Gusto niya lang umiyak ng umiyak sapagkat ito ang araw na matagal na niyang hinihintay.

Then she heard another voice, yung boses na gustong-gusto niyang marinig, yung boses na nakakapagpabilis ng tibok ng puso niya at yung boses na nakakapag-pakalma sa kanya.

"Azikel, my baby, my sweet heart, my love, my babe and my everything. I'm sorry" Sambit nito na kinatingala niya pero madilim lang ang buong paligid.

She wants to hear more.

She wants to see him smiling and looking at her.

Where is he?

To be continued...

Yan another update! I hope you like it! Sad to say pero patapos na ito. After a long journey sa wakas, ang kwento ni Azikel at Matthew ay malapit ng matapos!

God Bless and Ingat lagi guys!!!

The End of the Slow-Witted HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon