HEART: 26

357 22 8
                                    

Azikel Mayn's POV

Sinalubong agad ako ng malamig na hangin pagbaba ko ng eroplano.

Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang kalangitan.

"Tara na iha" sabi sakin ni Ninang at tumango naman ako at ngumiti.

Paglabas namin ay pumunta kami sa waiting area para hintayin ang susundo sa amin na anak niyang lalaki na kinakapatid ko na kasing edad ni Kuya.

"Sakto ang tawag mo iha kasi balak ko din bumalik ng Italy pero kinabukasan pa nung time na tumawag ka" saad ni Ninang.

"Sorry po ninang kung biglaan" saad ko.

"Di mo na ba kinaya?" Tanong niya sa akin. Alam ni Ninang kung gaano kalupit si Dad kaya siguro ayun ang iniisip niya. Pero hahayaan ko muna na ayun ang isipin niya.

Tumingin nalang ako sa sahig at pinigilan ang mga luha dahil sa mga naalala kong mga nangyari.

Maya maya pa ay dumating na ang kinakapatid ko at mukang nagulat pa ng makita ako.

"Azikel? Is that you?" Tanong nito sa akin.

"Yes it's me Leir. Miss me?" Saad ko sa kanya. Niyakap naman niya agad ako ng mamukaan ako.

"Ang laki ng pinagbago mo pandak ka!" Saad nito at mss niyakap pa ako ng mahigpit.

Binitawan niya ako at humalik sa pisnge ng kanyang mama. Sabay senyas sa amin na pumunta na kaming parking lot.

"By the way Azi. Bakit ka nasa italy?" Tanong nito sa akin ni Leir habang nilalagay ang gamit namin sa compartment.

"Tumakas ako sa buhay ko sa Pilipinas"  Saad ko sa kanya at naintindihan niya agad.

"Oh, buti dito mo naisipan pumunta" sabi niya sa akin.

"Bawal kasi ako mag ibang bansa ng mag-isa dahil menor de edad pa ako kaya naisipan ko dito nalang at nagpasama kay Ninang" paliwanag ko sa kanya.

Pagtapos ilagay ng gamit ay pinagbugksan niya ako ng pinto sa back seat at sumakay naman ako.

"Ninang about po pala sa pagtuloy ko sa bahay niyo ay pansamantala lang po iyon. Hahanap nalang po ako ng matutuluyan, at trabaho para mapag-aral ang sarili ko. Dito ko na po sa Italy balak tapusin ang pag-aaral ko" Sabi ko sa kanya.

"Iha, alam kong nahihiya ka na makituloy sa amin pero I think mas mabuti kung sa bahay ka nalang tumira para hindi na dagdag sa gastos mo. I know kahit sabihin kong pag-aralin nalang kita ay hindi ka papayag, dahil gusto mo ikaw ang magpapakahirap para makuha ang mga bagay bagay. Kaya ang ma isa-suggest ko ay sa bahay ka nalang, mahirap mag bayad ng renta at sabayan ng pag-aaral lalo na't menor de edad ka palang. You don't need to think about it because I don't accept a No as an answer" sagot nito sa akin na kinatango ko nalang.

Sabagay mahihirapan nga ako magbayad ng renta at nakalimutan ko yatang menor de edad pa ako at part time lang ang pwede kong pasukan. Maliit lang ang kikitain ko doon.

Nakarating kami sa bahay nila at ang simple lang ang bahay nila, hindi halata na sobrang yaman nila. 2 storey house pero simple lang. Pati ang loob ay napaka simple with some touches of modern style.

"Leir, samahan mo si Azikel papunta sa magiging kwarto niya," sabi ni Ninang at dumeretso sa isang pinto katabi ng hagdan na sa tingin ko ay library nila.

"Tara Azi." Sabi niya sa akin at sinundan ko naman siya habang bitbit niya ang backpack ko.

Dinala niya ako sa isang pinto na brown at pinapasok doon.

The End of the Slow-Witted HeartWhere stories live. Discover now