EPILOGUE

103 14 0
                                    

Note: Unfortunately this is the last chapter and I hope na nagustuhan niyo ang kwento ni Matthew at Azikel. This is it pancit!

PLEASE PLAY THE SONG.

3rd Person POV

"Baby!!! I love youuuu!" Sigaw ni Azikel mula sa malayo. Kinangiti ito ni Matthew at nakita niyang tumakbo si Azikel papunta sa kanya.

Napagdesisyunan pala nilang mag-picnic sa flower garden ng lola niya upang makapag relax sila parehas.

Paglapit sa kanya ni Azikel ay agad niya itong hinalikan.

"I love you too. Let's eat" sambit ni Matthew na kinatango ni Azikel.

Kumain sila habang tinitignan ang magandang paligid.

"Ang sariwa talaga ng hangin dito, sarap mamuhay sa probinsya" sambit ni Azikel na kinatingin ni Matthew.

"Do you want to live here? We can do that," tanong ni Matthew.

"Sana nga baby, but anyways pagkatapos nito magtampisaw naman tayo sa lagoon." Azikel request to Matthew na kinangiti ng binata.

"Of course we'll do that, anything you want," sambit ni Matthew sabay halik sa noo ni Azikel.

They swam in the lagoon and after that they decided to view the sunset.

Umupo sila sa isang malaking bato at sumandal si Azikel sa dibdib ni Matthew habang yakap ng binata mula sa likod.

"By the way baby, we're going home tonight because I will join dad in a meeting in the company tomorrow." Sambit ni Matthew ngunit hindi sumagot si Azikel at patuloy lamang ang tingin sa araw na papalubog.

Hinalikan ni Matthew ang buhok ng dalaga. Natapos ang paglubog ng araw na hindi parin naimik si Azikel.

"Baby? Let's go we need to go home," pakli ni Matthew na kinatingin sa kanya ni Azikel.

Tumayo ang dalaga at humikab na kinangiti ni Matthew.

Bumalik na sila sa kubo at nagpalit ng damit tsaka kinuha ni Matthew ang mga damit na nandoon. Habang si Azikel naman ay nasa labas at nakaupo sa ilalim ng puno.

Nilagay na ni Matthew sa back seat ang gamit nila tsaka pumunta kay Azikel na nakita niyang nakaupo sa ilalim ng puno habang nakapikit.

Lumapit siya rito ng tahimik at hinalikan sa noo na kinadilat ng dalaga. Ngumiti ito sa kanya at nilahad naman ni Matthew ang kanyang kamay upang tulungan itayo si Azikel.

Humawak rito ang dalaga at tumayo tsaka pinagpagan ang kanyang pants.

Hinawakan ulit ni Matthew ang kamay nito at lalakad na sana siya papunta sa kotse ng maramdaman niyang di nagalaw mula sa kanyang pwesto si Azikel.

Pagkalingon niya rito ay nakatingin ito sa flower field ng kanyang lola.

"Matthew, ang ganda talaga ng flower field ni lola kahit pagabi na diba," sambit nito na pinagtaka ni Matthew ngunit umayon nalang din siya sa kanyang kasintahan.

"Yes baby, it's beautiful but we need to go home. Babalik naman tayo rito" pakli ni Matthew at hahakbang na sana si Matthew ngunit pinigilan siya ni Azikel.

"I can't go back. I can't go home," biglang sabi ni Azikel na kinakunot ni Matthew.

"Matthew, hindi na ako makakauwi. This is the last time na makakasama mo ako rito." Sambit ni Azikel.

"What are you talking about baby? Hindi ko maintindihan," naguguluhan na saad ni Matthew.

"I'm sorry Matthew. I'm really sorry" pag hingi ng tawad ni Azikel kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha.

The End of the Slow-Witted HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon