HEART: 27

351 29 4
                                    

Note: Hi! Gusto ko lang idedicate ito kay cassyxx0424  . Thank you at sa silent readers ko din. Thank you so much. ;* 
----------------------------------
Azikel Mayn's POV

"What the hell Azikel!? Alam mo bang alalang-alala kami sayo! Putakte naman! Halos mabaliw ako kakahanap sayo!" Saad ni Kuya sa akin at halatang nawala ang kaba niya.

Tinawagan ko na siya para ipaalam na nasa Italy ako at siya ang kauna-unahang nakaalam at tinawagan ko. Siguro bukas na sila dad, mom at Kerlyn. Nako! Siguradong magtatampo si beshy sakin!

"Sorry na po. Kapag kasi sinabi ko sayo ay siguradong pipigilan mo ko" sabi ko sa kanya at halata ang frustration sa muka niya. Nakikita ko kasi naka video call kami.

"Adrian, lalabas lang ako at kakausapin ko muna ito and don't tell anyone na alam na natin kung nasaan si Azikel. Wag na wag ka magsasabi Adrian" sabi ni kuya.

Mukang nasa hideout nila kuno si kuya.

"Yes Sir. You can trust me!" Pabalik na sambit ni Adrian na kinatango lang ni kuya.

Nakita ko ang paglabas ni kuya papunta sa garden at naupo siya sa bench na nandoon.

"So? Alam ko kung bakit ka umalis and don't worry sinapak ko na siya" sabi ni kuya kasabay ang pagkagat ko sa aking lower lip upang pigilan ang pag iyak. Mukang nahalata niya kaya iniba niya ang usapan.

"Haist! Nakakahiya kay Tita Lhia at sa kanya mo pa talaga naisipang magpasama papunta dyan sa Italy!" Pakli ni Kuya habang napapakamot sa kanyang ulo dahil sa inis.

"Nakita ko kasi post niya sa isa sa social media account niya na tapos na trabaho niya sa Pilipinas kaya naisipan ko na baka uuwi na siya kasi lagi naman ganun si Ninang. Pagtapos na trabaho niya ay uuwi na agad siya sa Italy as soon as possible" Paliwanag ko kay kuya kung bakit si Ninang Lhia ang naisipan kong hingan ng pabor.

"So, kailan mo balak sabihin kay mom at dad huh?" Tanong ni kuya sa akin.

"Siguro mamaya, or pagtapos nitong video call natin. Natatakot ako kuya, baka pauwiin ako ni dad" sabi ko kay kuya.

"Kung pauwiin ka man, wag ka umuwi. Yun lang yon" Suggest ni kuya

"It's easy to say pero mahirap gawin duh!" Sabi ko sa kanya.

"Sadyang mahina ka lang talaga at hindi ka makapalag kay dad. Oh! Since nasa italy ka at iniwan mo ang mga cards na binigay sayo ni dad means he doesn't have a control over your life there in italy. You just need to tell him that, but remember to lower your tone okay? He is still our father" paliwanag sa akin ni kuya.

"I will" saad ko sa kanya.

What will happen to me if I don't have this kind of brother? Urgh!

"Kamusta si Leir at yung kapatid niyang makulit?" Tanong ni kuya sa akin.

"Ayos lang sila. Mas matangkad nga lang sayo si Leir kuya" Pang-aasar ko sa kanya at tinarayan lang ako.

Nagkwentuhan pa kami saglit tungkol sa plano ko dito sa Italy bago matapos ang usapan namin ay may sinabi siya.

"Forget him, you don't have a choice and besides Azi, hindi lang siya ang lalaki sa mundo." Sabi niya sakin.

"I will" Sagot ko sa kanya at pinatay na ang tawag. Can I really forget him? Tae naman kasi!! Simula pagkabata ko siya na yung minahal ng puso ko!!! Bakit kasi siya pa!?

Pumunta ako sa kusina upang kumuha ng malamig na tubig dahil pakiramdam ko maiiyak na naman ako. Pagpasok ko ng kusina ay sakto naman na paglabas ni Leir na may dalang baso ng gatas.

"Sakto! Ibibigay ko sana sayo ito" Sabi niya sakin at inabot sa akin ang baso na may lamang gatas.

"Maraming salamat" pagpapasalamat ko sa kanya at lumagok agad ng gatas.

"Are you okay? Muka kang iiyak" Tanong niya sa akin. Ang galing naman ng lalaking ito, napansin niya agad na naiiyak ako. 

"Nakausap ko na si kuya at ayun pinagalitan ako pero ayos lang naman daw." panimulang kwento ko sa kanya.

"Then, ano yung nakakaiyak na part?" tanong niya sa akin. 

"Sinabi niyang kalimutan ko na daw siya dahil wala na daw akong choice, sabi ko I will but I don't know if I can" sabi ko sa kanya at nagsimula ng magsituluan ang aking mga luha.

3rd Person POV

Nang mapansin ni Leir na nagsituluan na ang mga luha ni Azikel ay naisip niya agad na patahanin niya ito. 

Kinuha ni Leir ang baso na hawak ni Azikel at nilapag ito sa mesa pagkatapos ay hinila niya ito upang mayakap. Ayaw na ayaw niyang makita si Azikel na naiyak dahil simula pagkabata ay nakikita niya kung paano ito umiyak at mapapaiyak ka din dahil mararamdaman mo talagang kahit kailan ay hindi na ito nakaramdam ng totoong saya. 

"H-hindi ko yata kayang kalimutan y-yung taong minahal ko s-simula pagkabata. Ang h-hirap! Ang sakit-sakit!! Bakit!? Bakit kasi siya pa!? Pleasee, sabihin mo sakin bakit siya pa!? Bakit hindi ako yung pinili niya?! K-kulang pa ba yung pagmamahal na binigay ko? Hindi pa ba sapat?" Saad ni Azikel habang mahigpit na nakahawak sa damit ni Leir.

Hindi alam ni Leir ang gagawin kaya mas niyakap niya pa ang dalaga upang maramdaman nito na hindi siya nag-iisa. Ganun lang ang posisyon nila hanggang sa tumigil si Azikel sa pag-iyak, ngunit biglang naramdaman ni Leir ang pagbigat ng dalaga na para bang sumosuporta nalang ito sa yakap niya.

"Azikel? Hey?" tanong ni Leir ngunit hindi sumagot ang dalaga kaya naman tinignan niya ito at nakita na niya itong nakapikit at naririnig niya ang hilik nito.

"You are so cute Azi. Time for you to get to your bed" Saad ni Leir sa babaeng tulog at binuhat ito using the bridal style tsaka dinala sa kwarto nito.

Dahan-dahan niyang nilapag ang dalaga sa kama nito tsaka kinumutan at umupo siya sa tabi nito tsaka hinawi ang buhok na tumakip sa muka ni Azikel. 

"You are still pretty at lalong gumaganda habang nagdadalaga. Sana kasi ako nalang, minahal din naman kita simula pagkabata. Bakit nga siya pa? Nandito namana ako oh. Azi.." Wala sa sariling sabi ni Leir habang nakatitig kay Azikel na mahimbing na natutulog at napatitig siya sa labi nito ngunit agad ding iniwas ngunit sadyang nabalik ang tingin niya rito. 

"Ano bang meron sa babaeng ito at hindi ko makali-kalimutan? " Na isip-isip ni Leir at napakamot sa kanyang ulo dahil sa frustration na nararamdaman.

"Isa lang pwede ba?" tanong ni Leir kahit wala namang sasagot sa kanya.

Mabagal na nilapit ni Leir ang labi niya sa labi ng dalaga at ipinikit ang kanyang mga mata.

To be continued...

------------------------------------------

Note: MATUTULOY KAYA ANG KISS NI LEIR KAY AZIKEL? WHAT YA THINK? GUSTO NIYO BANG MATULOY? HIHIHI

Thank you for the wait! Hintay ulit sa next update guysueee. mwuah! Sayo ko idedicate yung next chapter  JulianaEstares

The End of the Slow-Witted HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon