HEART: 33

83 12 0
                                    

3rd Person's POV

Umuwi rin si Azikel ng gabing iyon at hinintay siya nila Axis ngunit hindi siya nito pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa kanyang kwarto.

Pagkaakyat ni Azikel ay tinawagan nila ang number ni Alex na nakuha ni Leir sa kung saan.

"This is Alex right? it's me, Azikel brother" sambit ni Axis

Kinabukasan ay maagang umalis si Azikel. Hindi na niya ginawa pang magpakita at sumabay pa sa kaniyang kuya tsaka sa iba pa niyang kasama sa bahay sa agahan at agad siyang dumeretso sa paaralan.

Nakarating din naman siya agad sa eskwelahan at dumeretso agad siya sa canteen para bumili ng makakakain. Tapos nasa siya ng high school sa Pilipinas ngayon pero dahil sa nangyari ay nandito siya ngayon sa Italy, nag-aaral para matapos ang high school dahil hindi pa tapos ang school year dito sa Italy.

Habang nakain sa canteen si Azikel ay biglang tumunog ang kanyang telepono at tumatawag ang kanyang ina na agad din naman niyang sinagot.

"Hello Mom? Napatawag ka po?" Tanong ni Azikel tsaka kumagat sa tuna sandwich na hawak niya.

"Dropout to your school, now" Bungad na sabi ng mama niya na kinagulat niya.

"Bakit po? Halos kakasimula ko palang po dito mommy" Saad niya sa kanyang nanay.

"Di ka pa naman nakakapagpasa talaga ng documents dyan diba? You are already graduate here. Nakuha ko na ang diploma at certificate mo. Gumawa nalang ako ng excuse na hindi ka makakapunta dahil may nangyari kaya out of the country ka. Don't forget to say sorry and thank you dahil tinanggap ka nila kahit wala ka pang documents maliban sa mga identification cards mo. 'Di ka ba nagtataka bakit ka nila tinanggap kahit wala kang documents?" Pakli ng nanay ni Azikel na kinakunot ng noo ng dalaga sapagkat ngayon niya lang napagtanto ang lahat kung bakit nga ba siya tinanggap kahit wala siyang mga dokumento.

"Bakit nga po?" tanong ni Azikel.

"That school is ours Azikel. Tayo ang may-ari ng paaralan na iyan kaya nga dyan ka pinapasok ng ninang mo dahil alam niya ang hirap kapag sa iba ka pumasok dahil hindi ka talaga makakpaag-aral" Sabi nito na kinagulat ni Azikel. 

It made her to drop her sandwich back to the plate for real. Naisip niya na kahit pala hindi niya ipaalam sa kanyang ama ay nalaman nadin dahil pumasok siya sa paaralan na sila ang may-ari. Siguradong alam na ng tatay niya na nandito siya sa Italy tumakbo.

"Alam na ba ni dad na nandito ako?" Tanong ng dalaga sa kanyang ina.

"Oo, paglapag palang ng eroplano na sinasakyan mo, nalaman na ng daddy mo and I don't know how." Saad ng mommy niya na kinahilamos niya ng muka.

"Sige po Mommy, thank you for telling me. Mag-drop out na po ako. Ingat ka po lagi dyan. I love you" Sambit ni Azikel.

"I love you too baby, ingat kayo nila Axis dyan. Bye na" paalam ng mommy niya at agad na binaba ang tawag.

Azikel bit her lower lip at pinipigilan ang inis na nararamdaman. She was so stupid at hindi niya napansin ang lahat. Gusto niyang umiyak dahil sa inis pero ayaw niyang gawin dahil pagod na siyang umiyak, pagod na pagod na.

Dumeretso agad siya sa Principal Office pagkatapos niyang itapon ang pinagkainan niya sa canteen. Kumatok muna siya bago buksan ang pinto. 

"Mi scusi" saad ni Azikel (Excuse Me)

" Hai bisogno di qualcosa?" Tanong ng Principal. Tuluyan ng pumasok si Azikel at sinenyasan siyang umupo nito. (Do you need anything?)

The End of the Slow-Witted HeartHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin