Heart: 30

234 17 3
                                    

Leir's POV

I was comfortably seating in our sofa while watching a movie when suddenly the doorbell rang. Kaya naman tumayo ako at napakamot sa ulo dahil nasa magandang part na ang pinapanood ko pagkatapos ay naistorbo pa.

Lumabas ako tsaka binuksan ang gate at nakita ko ang tropang aso sa kalye. Well, basically I don't like gangster fights kaya ayun ang tawag ko sa kanilang apat. "Mga aso sa kalye". After our talk of Axis, isang beses tumawag ulit si Axis at nakausap ko silang magto-tropa and to my surprise naging close naman kaming lahat.

"Nasaan kapatid ko?" Tanong agad sa akin ni Axis pagkabukas ko ng gate namin.

"She's out. May trabaho yon, mamaya ko pa susunduin. Pasok mga aso" Sabi ko at pinapasok sila sa loob ng bahay.

"Anong aso!?" Reklamo ni Adrian.

"Mag-stay kami rito for 1 week" Saad ni Axis.

"Huwag ka mag-alala naayos ko na yung mga kwartong tutuluyan niyo" Sabi ko at tinuro sa kanila ang mga guest rooms na tutuluyan nila.

"This white door here ay kwarto ni Azi kaya huwag niyong papasukin ito. Sad to say, I'm the only one who has a key for it" Sabi ko at inaasar si Axis ngunit parang may naasar ding iba.

"Baka naman pinapasok mo ang kwarto ng kapatid ko sa gabi Leir?" Nagbabanta na tanong ni Axis.

"Huh? Bakit mo alam?" Kunwari kong pagulat na tanong. Tignan natin kung anong itsura ang gagawin mo.

"So totoo?! Aba Leir! Walang hiya ka!" Saad ni Axis at tinawanan ko nalang siya ngunit natigil din bigla ang tawa ko ng makaramdam ako ng isang tingin na gusto na akong suntukin.

Pumunta kaming library at binigay ko ang red folder kay Axis.

"Syempre, alam ko na ang una mong tatanungin ay tungkol kay Thaniana. Kaya ayan ang wherebouts niya. Nandyaan din ang social medias, address here in Italy, job location, basta lahat ng information nandyaan pati na rin ang mga naging BOYFRIEND niya" sabi ko while emphasizing the word Boyfriend para mainis si Axis.

"Pero since ang pinunta niyo rito ay ang plano kong nabuo to solve the problem, magtigil muna kayo sa mga ginagawa niyo at ipapaliwanag ko ang plano mga aso" saad ko at inumpisahan na ang pagpapaliwanag.

Azikel Mayn's POV

Natapos na ang trabaho ko at hinintay si Leir sa isang cafe dahil susunduin niya ako. Pero bago iyon ay bumili muna ako ng cake pangpasakubong.

Pagdating ko sa cafe ay umorder ako ng kape at crepe habang naghihintay kay Leir. Habang nakain ako ay nag-text si Leir na ipapasundo niya raw ako dahil may ginagawa siya pero kotse niya parin ang gamit kaya hanapin ko nalang daw sa parking lot. Magpapadala daw siya ng text kapag nandito na ang sundo ko.

Sino kaya ang susundo sa akin? Baka isa sa mga kaibigan niya.

Tinapos ko na ang pagkain ko at sakto ring nag-text si Leir sa akin na nandyaan na raw ang sundo ko kaya pumunta na ako sa parking lot at hinanap ang kotse niya. Nang makita ko ito ay lumapit ako rito at biglang bumukas ang pinto sa driver seat at iniluwa nito si Kuya Axis na kinagulat ko kaya bigla akong napayakap sa kanya at naluha dahil sa tuwa.

"Kuya! I miss you!" Saad ko at niyakap pa siya ng mahigpit.

"Ikaw talagang bata ka." Sabi niya at kinutusan ako kaya naman napahiwalay ako sa yakap.

"Grabe ka naman kuya, ngayon mo na nga lang ako ulit nakita ganyan ka pa." Sambit ko na kunwari'y nagtatampo.

"Joke lang. Ito namang prinsesa ko ang bilis magtampo. Oh pasok na sa kotse at anong oras na" sabi ni Kuya Axis kaya naman sinunod ko ito.

The End of the Slow-Witted HeartWhere stories live. Discover now