PART 2

41.9K 626 13
                                    

JHOANA POV

Nagising ako sa tunog ng alarm ko, 6:30 am at Sunday ngayon magsisimba kami ni Maki.

Lagi namin ginagawa ito simula noong highschool palang kami, hanggang mag college magkikita nalang kami sa labas ng simbahan para sabay na pumasok.

Matapos kung mag unat, tumayo na ako at pumasok sa banyo, naligo nalang ako para pagkatapos kumain diretso na, after kung maligo, nagbihis na ako ng simple dress na may design na flowers plus peach colored doll shoes, konting pressed powder at lip gloss lang okay na, baka masobrahan ako sa powder mag mukha akong chocolate crinckles. Hahaha.

Matapos ang lahat bumaba na ako at nakita ko si Maki na naghahanda ng breakfast namin.

"Good Morning Bes!" masigla nyang bati

"Good Morning din Bes, parang masarap breakfast natin today." sabi ko

"maaga kasi ako nagising eh kaya sinipag ako mag luto ng breakfast natin, and tadaaaaaa nag luto ako ng favorite natin. . scrambled egg na may Onions." siglang sigla nyang pakita sa akin ng scrambled egg

"Wooooow, sabi ko na eh hindi talaga mali desisyon ko na iisa lang tayo ng bahay para may taga luto ako." sabi ko sa kanya binatukan naman nya ako sabay pamewang.

"ginawa mo pa akong yaya, magtimpla ka ng kape bes gusto ko yung lasa ng kape mo eh. Sigeeeeee naaaaa pleaaaasee." paawa effect nya, kaya natawa nalang ako habang na iling, pumunta ako sa kitchen at nag timpla.

"oh eto na kape mo kamahalan."

"salamat besss, ahhhhh sarap amoy palang." kaya napangiti ako kasi kahit simpleng kape ko mapapakalma ako.

"Mag grocery pala tayo after natin mag attend ng mass." paalala ko sa kanya.

"Okay, No problem Master!" sabay salute pa nya sa akin. Baliw talaga.

Matapos namin kumain ay umalis na kami at mag tungo na sa simbahan. .

FF. . .

Tapos na ang mass

"bes diretso naba tayo sa grocery?." tanong ni maki sakin

"pwedi rin para maka pag rest din tayo after natin mamili, para blooming tayo humarap sa interviewer bukas." sagot ko sakanya at tumango nalang sya .

Pumara kami ng taxi at nagpahatid sa isang kilalang supermarket. Pumasok na kami sa loob. Tapos pili pili pili . .

"Bes hanap lang ako ng coffee natin." paalam ko sa kanya at tinangoan lang nya ako na hindi hiniwalay ang mata sa tinitignan nyang frozen meat at processed foods.

Habang papunta sa section ng mga coffee at milk may narinig akong pamilyar na boses na parang kailan ko lang narinig, lumingon lingon ako para hanapin yon at hindi nga ako nagka mali, sya nga . .oo sya si Chinita Girl na mataray na naki inom sa kape ko.

Hindi naman sa big deal sa akin yun, pero kasi nung time na sinabihan ko sya... sya pa yung mataray. Thats bad bes, thats bad you know.

Naka suot lang sya ng Maroon Lacoste Ladies Polo shirt, Black skinny pants, at white Keds shoes, and. . .

Bakit naka sunod sa kanya ang mga head at ibang staff dito sa kilalang supermarket?. Tsk. At may dalawang malaking kuyang guard pa. Taray ni ate..

"So Marge? Kumusta naman dito, may mga problema ba?." rinig kong tanong nya.

"Wala naman pong problema Ms. Bea" sagot naman nung Marge, sinusundan lang sya ng mga guard at ng ibang staff.

Ngayon ko lang napag tanto na Boss nga pala talaga sya at nagsasabi nga sya ng totoo kahapon, pero sa nakikita ko ngayon parang hindi eh kasi sa simpleng pormahan pero ang lakas ng dating. Kaya hindi ko na sila sinundan ng tingin at pumunta na sa kailangan ko.

 Indirect Kissed - JhoBea (Completed) Where stories live. Discover now