PART 39

32.2K 466 72
                                    

BEA POV

"Im sorry again Baby Jhoana ko, I promise hahanapin natin ang lalaking yun, babawi ako sa dalawang buwan na wala ako. . I promise that." sabi ko sa kanya at niyakap ko sya. Niyakap nya din ako pabalik.

Dati may hinahanap hanap ako at ito pala yun, ngayon masasabi ko na kompleto na akong muli. Dumating din ang araw na babalik sa akin ang nakasanayan kong amoy,yakap, halik at mundo.

"Namiss kita ng sobra, akala ko hindi na ulit mangyayari to. . " sabi nya at narinig ko na umiiyak na naman.

Kung ganito nga sya na malapit sa akin na umiiyak, nasasaktan ako. Paano nalang noong mga panahon na pinagtataboyan ko sya at nahusgahan dahil sa maling akala ko. Ang gago ko . .

"hussh now, I missed you too. . . So much, I've been longing also for you. Now that your home to me, hindi na ako papayag na mawala ka pa." sabi ko at hinarap sya. Pinunasan ko ang mga luha na nasa pisnge nya. Kaya ngumiti sya sa akin at ganon din ako.

"Im hungry, I want scrambled egg and spam for breakfast" sabi nya at parang nagpuppy eyes pa kahit maga na ang mata.

"anything for my Baby." sabi ko at mabilis na hinalikan sya sa labi. Inalalayan ko na din sya patayo.

Naghilamos muna kami dahil pareho kaming maga ang mata.

Palabas na kami ng kwarto ng magsalita sya.

"Wheres is my phone?" tanong nya.

"Nasa sala, doon ko na kasi nilapag ang slingbag mo." sagot ko at nauna ng lumabas, nakasunod lang sya sa akin at tinuro ko ang slingbag nya kung saan ito nakalagay. 

Sakto naman na malapit na sya doon sa kinalalagyan ng bag nya ng biglang nag ring ang phone nya, kaya dali dali nya itong tiningnan. Nagtaka ako dahil hindi nya pa ito sinagot, pinepressed nya ang labi nya using her thumb, at alam kong kinakabahan na ito.

Kaya lumapit ako sa kanya at nag tanong.

"Sino ba ang tumatawag?" tanong ko at pinakita nya sa akin.

Kian Giraffe calling . . . 

Habang tinitingnan ko yun, biglang uminit ang ulo ko. Mayamaya pa namatay ang tawag  at pinakita nya sa akin ang phone.

Makizombie 17 missed calls
Kian Giraffe 25 missed calls
19 unread messages

Tumunog ulit ang phone nya at this time sinagot na nya at niloud speak para marinig ko.

OTP:

"Thanks God! Panda at sinagot mo na ang tawag, kanina kapa namin tinatawagan. Saan ka ba? Bat di ka umuwi? " sabi sa kabilang linya.

"Dont worry giraffe okay lang ako." sagot naman ni Jho.

"Alam mo bang hindi nakatulog si Maki dahil sa pag alala sayo? San kaba ngayon at susunduin kita."  sabi ulit dito.

"Sa bahay ng friend ko." sabi ni Jho at tumingin sa akin.

Bakit ganon? Bakit di nya sinabi na magkasama kami.

"saan ba yang address ng bahay ng friend mo para mapuntahan na kita at susunduin kita ngayon din, Jhoana naman. ."  at kumawala ng isang buntong hininga. Kita ko sa facial expression ni Jho ngayon ang pagka guilty nya dahil sa pagpunta sa Bar at sa hindi paguwi. Hindi ito nagsalita at naghihitay lang sasusunod na sasabihin

"Ayaw na naming mangyari ulit sayo yung nangyari sayo dati, hindi natin alam kung may mga taong magliligtas pa sayo sa mga taong kahayupan lang ang nasa isip, sana Panda naisip mo yan, hindi natin alam ang pwedeng mangyari sa susunod."  sabi ni Kian sa kabilang linya, So alam talaga nila ang totong nangyari sa Jhoana ko, pero ni isa sa kanila hindi sinabi sa akin. Bakit? At anong dahilan nila?

 Indirect Kissed - JhoBea (Completed) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant