PART 32

25.9K 413 93
                                    

JHOANA POV

Im breaking up with you . . . .


Im breaking up with you.. . . .

Im breaking up with you. . . .

Yun ang paulit ulit na nag echo sa isip ko kaya inangat ko ang tingin ko sa kanya at seryoso lang ang mukha nya.

Umiling ako at niyakap sya ng mahipit siniksik ko ang mukha ko sa dibdib nya at doon ako umiyak, iyak na ayoko sa gusto nya.

"No baby No. . Ayoko . . Ayoko, di ako papayag sa gusto mo, pag usapan natin to." sabi ko at paindak indak habang umiiyak.

Di ko naman naramdaman na niyakap nya ako pabalik kaya mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya.

"Please Baby please wag. . .ayoko di ko kaya yun, di ko kaya na mawala ka sakin, ikaw na ang buhay ko, kung ganon lang din naman sana pinatay mo nalang ako." sabi ko habang nakayakap parin sa kanya.

Halos hindi na ako makahinga dahil sobra at kanina pa ako umiiyak, samantalang sya galit ang nakikita ko sa mga mata nya.

"Kagustohan mong ipagpalit ako diba? Kaya ibibigay ko lang din ang nararapat para sayo." malamig nyang sabi at hiniwalay ako sa yakap.

"Baby ko . . . " sabi ko sa kanya habang humihikbi, halos hindi ko na sya kita dahil tanging mga luha na ang nasa mata ko.

"please. . . Im begging you, bawiin mo yung sinabi mo. Di ko kaya, " sabi ko at unti unting lumuhod sa harap nya.

Ang sakit lang, sobrang sakit ng mga paratang nya sa akin ni hindi nya man lang nagawang pakinggan ang side ko.

"Hindi ko na babawiin yun, kaya malaya kanang makipaglandian kahit kanino mo gusto." malamig pa sa yelo na sabi nya.

Di ko pa nga naipaliwanag ang side ko, pero kung maka husga sa akin parang magagawa ko sa kanya yun.

Malaya kanang makipaglandian...

Malaya kanang makipaglandian....

Malaya kanang makipaglandian...

Ganon pala talaga kasakit ang mga salita na tumagos ng sapilitan sa kaluluwa mo pag mismong taong mahal mo ang nagsasabi sayo nito.

Tumayo ako at nagpunas ng luha ko, di ko na kinaya ang mga salita na binibigkas nya.

"nakikipaghiwalay ka sa akin, dahil mas pinili mong paniwalaan ang mga litrato na nakita mo kaysa kwento ko, mas nangingibabaw na sa akin ngayon na wala ka talagang tiwala sa akin." sabi ko sa kanya direkta sa mata nya, tumutulo pa ang luha ko pero pinunasan ko agad ang mga ito bago ako nagsalita ulit.

"pero kung yan ang gusto mo, kung jan ka sasaya sige hahayaan kita kahit sobrang sakit sa akin na bumitaw ka nalang at nagparatang ka na alam kong alam mong hindi ko kayang gawin sayo yun." sabi ko sa kanya, hindi ko alam pero may namumuong luha na din sa mga mata nya. Pero hinayaan ko lang sya.

"Mahal na mahal kita Beatriz ko hinding  hindi ko kayang magloko para lang ipagpalit ka, pero yan ang pinaniwalaan mo kaya hahayaan muna kita. Lagi mo lang tatandaan na sobrang mahal kita." sabi ko at tumalikod na ako sa kanya para lumabas ng unit pero bago pa man ako makalabas sa pinto lumingon muna ako sa kanya for the last time.

"Hindi ko alam kong kakayanin ko ang mga susunod na mga araw na wala ka sa piling ko Baby ko. . " sabi ko at lumabas na ng unit.

Naglalakad ako papuntang elevator at hindi ko alam kong saan ako pupunta, nakapambahay lang ako. Wala akong dala kahit ano wallet at cellphone. Di ko narin alam kung anong oras na.

 Indirect Kissed - JhoBea (Completed) Onde histórias criam vida. Descubra agora