PART 34

27.5K 428 205
                                    

JHOANA POV

Pagkakita ko kay Bea kanina, alam ko na kahit anong oras bibigay na naman ang luha ko, naaalala ko lang ang masasakit na salita na sinabi nya sa akin noong last week na gusto ko makipag usap at makipag ayos, pero sa kasamaang palad mas pinili nyang itaboy ako.

Kaya binabuti ko nalang na umalis na sa harap nila.

Alam kong on the way palang si Kian, at ginamit ko nalang ito para maka alis na harap nila.

"Babye na nag aantay na si Kian my Giraffe sa Baba. Bes mamaya na ako uuwi, pupunta ako ng Bar, pilitin ko si Kian na samahan ako. Happy Birthday ulit bes. Love you" sabi ko at nag beso na sa kanilang dalawa, nilingon ko naman sya at tumango sa kanya, di ko mabasa ang expression ng mukha nya, kaya nagmadali nalang akong umalis.

Narinig ko naman si Maki na sumigaw kaya hindi ko na sinagot at nag wave nalang sa kanya.

Alam kong ayaw ni Beatriz na nagiinom ako, syempre gusto nya Milk lang ako kasi Baby nya ako, pero noon yun ngayon hindi na lumaki na ang Baby nya at milk na may kulay na ang gusto.

At isa pa alam kong ayaw na ayaw nya rin kay Kian, kahit pa man ex-bestfriend nya ito. Wala akong pake kung magalit sya, wala na naman syang pake sa akin eh. Masakit isipin pero yun ang totoo.

Malibog, Malandi, Nagpapatira kanikanino at Sinungaling ako sa paningin nya at sa isang litrato na ipinasa sa kanya ng unknown person, mas pinili nyang paniwalaan yun kaysa sa akin.

Nagmadali akong pumasok sa elevator at pinunasan ang luha ko, di ko mapigilan eh naiyak na naman ako. Pero bago pa ako makababa at haharap kay Kian dapat kunyari wala lang, kunyari heartstrong ako at kaya ko. Everything is just Kunyari. How sad. 😢

Pagkalabas ko sakto naman na nagtext sa akin si Kian na nasa labas na daw sya at doon parin nakaparking same spot, kaya dumeritso na ako doon.

Pagkapasok ko sa kotse nya, Ford Everest to be exact ay sumalubong sa akin ang kunot noo na Kian.

Nagbeso muna ako sa kanya bago ko sya tinanong.

"Giraffe Bakit?" tanong ko.

"Panda whats that?" tanong nya sabay turo sa labi ko.

"Duh! Obviously lipstick, ano ka ba." sabi ko at umayos ng upo.

"Panda alam ko, bakit ka nag gaganyan di ka naman mahilig sa ganyan dati ah. Please tanggalin mo yan." sabi nya

"Giraffe naman, dati yun lahat talaga nagbabago, para mag mukhang malandi at malib--" hindi ko natuloy ang sinasabi ko kasi pinutol nya ako.

"Panda please, stop mentioning those words dahil hindi ka ganon. Kahit isang buwan palang tayo na laging magkasama, alam kong hindi ka ganon." sabi nya, kaya parang naiiyak na naman ako.

Ginampanan ko lang naman ang paratang sa akin eh. Ganon ang tingin nya sa akin so be it.

Di ko napigilan ang sarili ko at naluha na naman ako, kaya niyakap naman ako ni Kian para e comfort.

"eh kasi ganon ang tingin nya sa akin, ginampanan ko lang naman." sabi ko habang umiiyak at nakayap parin sa kanya.

"shhh, hindi ka ganon. . Alam natin na galit lang talaga si Isabel kung bakit nya nasabi yun." sabi ni Kian at humiwalay na sa yakap, pinunasan nya ang luha ko gamit ang panyo nya.

Pag ginagawa sa akin ni Beatriz ang mga ito, feeling ko minamahal talaga ako, alaga talaga ako pero ngayon wala ng Beatriz ang nagparamdam sa akin ng ganito, kaya nagbago nalang lahat.

 Indirect Kissed - JhoBea (Completed) Where stories live. Discover now