Part 11

31.7K 481 27
                                    

BEA POV

Hindi ko talaga ineexpect na sa iilang buwan palang sa pagtatrabaho ni Jhoana dito sa company ko ginugusto ko na sya talagang makasama kahit snacks or lunch lang.

Magsasabay kami minsan mag lunch pag pinupuntahan ko sya sa cubicle nya, minsan nagsasabi sya sakin na baka daw anong isipin ng ka workmates nya.

Kaya sinasabihan ko lang sya na wag pansinin dahil kasama mo ang Boss mo, tatango lang din para matapos ang usapan. Hahaha.

Pero minsan di parin mapigilan na naiinis sya sa akin, all of the sudden biglang manghahampas tapos di naman tinutuloy. Tapos tatawa nalang bigla tapos simangot na naman, yan lang ang mga mood swings na unti unti kong napapansin sa kanya and I like it.

Not really all but dinahan dahan ko lang para hindi sya mabigla.

Sa mga buwan na yun pa sekreto ko syang sinusulyapan at may unti unti akong na coconfirm sa mga #WeirdFeelings ko. Na I started to like her.

Kagaya nalang noong nakita ko sila ni Anton na nag uusap na ewan ko kung anong pinag usapan nila na tuwang tuwa sya, I felt a little bit of pain inside me, I dont know if I can call it selos kasi wala naman akong karapatan.

Pero parang gusto ko na ako ang magpapatawa sa kanya, or magpapakalma if ever takot sya, Gusto ko ako lang.

Pero I think everything is getting there just like the Selos thing.

May time nga na nahuli pa talaga ako ng chismosa kong secretary na I was looking at her. Langya.

Flashback

Palabas ako ng Office ko ng makita ko Jhoana na may ginagawa sa Xerox Machine na malapit lang sa table ni Ate Ella.

Hindi ko mapigilan ngumiti habang tinititigan ko sya.

Blessing in disguise kung iisipin ang nangyari samin sa coffee shop, hindi ko lubosang maisip na sa sungit ng babaeng tinitigan ko ngayon, sya pa ang nagpa feel sakin ng mga first ko.

First time kung naging concern or nag bigay ng care sa isang babae na kakilala ko palang kasi sa katunayan may mga girls akong nakikilala sa mga bar pero after that night kinabukasan wala na, parang walang nangyaring laplapan.

First time kung maka feel ng something inside my  system, like may spark akong nafefeel, may kilig mga ganon na hindi ko na feel sa ibang girls.

First time ko din na ako nagyaya mag breakfast or lunch which is not my usual thing.

At baka si Jhoana ang magiging first serious girlfriend ko if  ever na e pupursue ko sy-- .

Naputol ako sa pag daydream dahil may biglang kumalabit sakin kaya napabalik ako sa ulirat ko.

Tumingin ako sa likod then down, syempre maliit ang kumalabit eh. Haha 

"Ano ba may problema ka?"  kunot noo kong tanong. Istorbo kasi.

"Wag kasing titigan, dapat jan nilalapitan."  sabay taas baba ng kilay nya.

"Anong titig? Anong lapit pinagsasabi mo?"  pa deny kong sagot, syempre alam kong huli ako ni trudiz taga The Buzz yata talaga to eh.

"Aysus deny pa more, gusto mo tawagin ko?"  sabi nya sabay sitsit kay Jhoana.

Kaya pinanlakihan ko sya ng mata nang  lumingon samin si Jho, putek! Sino ba boss dito? Bat ako nabubully?

"Jho? May gagawin kapa jan?" tanong nya kay Jho na napalingon samin na naka smile, sarap ng smile talaga. Sheet.

 Indirect Kissed - JhoBea (Completed) Where stories live. Discover now