Part 7

31.2K 462 15
                                    

JHOANA POV

Pababa na ako ng hagdan pero wala akong naririnig na ingay galing sa kusina, kadalasan kasi si Maki ang nagigising ng maaga to prepare for our breakfast. Minsan ako din.

Kaya hinanap ko sya sa kusina pero wala. San kaya yon.

"Maki? Yaya? Haha. San ka ba?" medyo pasigaw kong tawag pero walang sagot.

"Bes nandito ako sa room ko." sagot nya, bakit parang nanghihina? Anong drama nitong babaitang ito.

Kaya inakyat ko sya sa kwarto at nakita ko na nakakumot at nanginginig pa. Jusko may lagnat pala to, di man lang nagsabi. Kaya naman pala kagabi di masyado umiimik masama na pala pakiramdam.

"bes ano uminom kana ng gamot?" nag alalang tanong ko. Umiling naman sya, kaya pina inom ko na at nagbilin na wag kalimutan kumain pag gising para lumakas ulit. Tinawagan ko na din si ate ella na hindi muna papasok si maki kasi may sakit.

"sge pahinga ka muna jan, at ako nalang muna ang papasok." sabi ko at lumabas na ng kwarto.

Paglabas ko ng bahay pumara na ako ng taxi at tinuro ang lugar kung saan ako magpapahatid, pero almost there na sana nang sinabi sa akin ni kuyang driver na hindi raw sya makaka diretso kasi may inaayos daw na way. Me walang choice kaya Me lakad nalang.

Habang naglalakad ako biglang may nagbusina kaya napa igting ako at sumimangot sa driver na pumarada pa talaga sa gilid ko, bwesit! Binaba nya ang bintana ng kotse nya.

"Hey! Hopped in." sabi nya na medyo natatawa pa. Si Beatriz lang naman po ang bumusina sakin, langya.

"Ayoko" sabi ko sa kanya na nakasimangot sabay taas kilay pa. Akala nya madadaan nya ako sa ganyan nya, kahit may weird feelings ako.

Pero nagulat ako ng bumaba sya at hinawakan ako sa kamay, sheeeemay. Taga meralco kaba ate at may dala kang kuryente sa katawan mo na nagconnect sakin? Anuna?

"hey Im sorry okay, di ko naman aakalain na magugulat ka." sabi nya in apologetic tone.

"Tse! Sinong hindi magugulat sa ginawa mo? Tigilan mo nga ako." akmang hahampasin ko sya, pero narealize ko Boss ko pala to, kaya binaba ko ang kamay ko at yumuko, shiiit. Nakakahiyaaaaaa. .wala na tanggal na sa trabaho si Ako, wala na talaga. #AyosBuhay2017Jhoana.

"oh bat di mo tinuloy?" takang tanong nya.

"sorry po" yun nalang ang nasabi ko.

"Sorry saan?" sabi nya, grabe sya boss ko ba talaga to? Bat ang slow?

"Sorry Boss, di na po mauulit." nahihiyang sabi ko kay Bea.

"Jhoana naman dont be, okay? Kasalanan ko din dahil nagulat kita." sabi nya na medyo sweet pa. Kaya tumango nalang ako sa kanya. Akmang maglalakad na ako pero hinawakan nya ako.

"Diba sabi ko sumabay kana sakin?"

"wag na po nakakahiya." sabi ko

"wag na kasi mag po, diba sabi ko for the nth time, Bea nalang pag tayo lang." sabi nya na naka pout, bat ang cute nya pag naka ganyan sya.

Pero nagulat nalang ako dahil hinila nya ako papunta sa kotse nya at binuksan ang pinto sa passenger seat.

"sige na, sakay na ayokong nalalate mga empleyado ko." sabi nya sabay wink.

Sabagay malalate na nga ako, nag consume kasi ng minutes yung arguement namin kanina plus yung paglalakad pa. Pumunta na sya sa driver seat at simula ng mag drive. Tahimik lang kami ng makarating VIP P-lot ng building.

"Salamat" humarap ako sa kanya with my sweetest smile at tinanggal ang seat belt.

"Your welcome, dapat masanay kana sa kagwapohan ko, dahil everyday muna makikita to." sabi nya sabay himashimas pa sa baba nya.

 Indirect Kissed - JhoBea (Completed) Where stories live. Discover now