Part 24

37.2K 437 49
                                    

BEA POV

Naglakad ako papuntang Biscuit section para puntahan ang baby ko, medyo malapit na ako natatanaw ko na . Pero. . .






Putangina!

May yumakap sa Baby ko, di ko pa naklaro kasi naka hood sya ng gray, matangkad eh.
Kaya dalidali akong naglakad papunta sa kanila para makita ang taong yun, di nagtagal yumakap din pabalik ang baby ko.

Kaya mas lalo akong nainis, kumuha lang ako ng french fries mag yumakap na sayo? At niyakap mo pa din pabalik. Nakakapunyeta lang talaga.

Few more steps at tinanggal ng tao ang hood nya.




"Kian" bulong ko, mas lalong uminit ang ulo ko. Taena talaga panira ng araw, kanina lang ang ganda sikat na sikat ang araw para sa akin pero nakita ko tong taong to naging makulimlim na. At nangmakalapit na ako sa pwesto nila

"May na miss yata akong eksena ah." sarkastiko kong sabi at talim na tumingin kay Kian na ang ganda ng ngiti at nag smirk pa ang Pota, sinong hindi gaganda eh niyakap sya ng Baby ko.

"Baby" medyo bulong na sabi ni Jho na ako lang ang nakarinig, kaya tinignan ko sya na medyo salubong ang kilay.

"Magkasama na naman pala kayo? Tapos iniwan mo na naman? Tsk tsk." sabi ni Kian at pailing iling pa, nang aasar talaga to eh. Kaya mas lalo ko nalang hinigpit ang pagyukom ng kamao ko.

Napansin naman yun ni Jho kaya kumapit sya sa braso ko at hinimas himas yun, para kumalma ako.

"Hindi ko sya iniwan, may kinuha lang ako. Gago ka." medyo tumataas na din ang Boses ko, still hindi nagsalita si Jho at tila ba natatakot at humawak lang sa braso ko.

"Owws talaga? Dapat kasi hindi mo iniiwan ang kasama mo, uso din bagong buhay Bei." sabi nya, still ng aasar pa rin ang tono ng boses kaya mas lalo akong nainis na, para bang gusto ko nang suntukin.

Magsasalita sana ako kaso nag salita sya ulit.

"Bakit ba big deal sayo na may kausap na iba si Jhoana? marami namang lumalapit na chix sayo ah, remember?" sabi nya natila may pinaalala sa akin.

"at ako lang naman ang lumalapit kay Jhoana, kasi gusto ko sya. Sa pagkaka alam ko, sabi ni Jho sa akin nung gabi na una kaming nagkakilala Boss ka lang nya at sinasama sama mo sya kung saan mo gustong gumala, at ngayon sa grocery naman. Galing mo parin Beatriz" mahabang sabi ni Kian at nag slow clapped pa.

"matagal na yung gabing yon, kaya tumigil ka dahil wala kang alam." sabi ko na para bang konti nalang susuntokin ko na talaga tong hayop na to.

"Beatriz tama na, umalis nalang tayo. Kian tumigil na kayong dalawa." sabi sa amin ni Jho.

"Bakit ako titigil? I like Jhoana." sabi nya kaya hindi na ako nakapagpigil at naglanding na ang kamao ko sa may bandang labi nya kaya natumba sya.

Wala na akong pake sa mga tao na nakatingin sa amin.

"Wag na wag mong ma like like ang Girlfriend ko, tangina mo!" sabi ko sa kanya sabay turo pa. Diin na diin ang pagkasabi ko.

"Ano ba? Tumingil nga kayong dalawa, ang tatanda nyo na. Beatriz tara na." sabi sa akin ni Jho at hihilain dapat ako pero nagpabigat ako dahil gusto ko pa talagang upakan to.

"Girlfriend? Talaga?" sabi ni Kian at tumayo na sabay check ng putok sa labi nya.

"Kian umalis ka na, tama na." sigaw na ni Jho.

"Im sorry Jho, see you some other time." sabi nya at naglakad na pero binangga ako na parang sinadya talaga, hindi parang. . . sinadya talaga.

Bago pa man sya makaalis ng tuluyan may binulong sya sa akin na ako lang ang nakarinig.

 Indirect Kissed - JhoBea (Completed) Where stories live. Discover now