PART 60

29.2K 381 63
                                    

JHOANA POV

Papunta kami ngayon ng Batangas para nga masabi na namin sa parents ko ang tungkol sa pagpapakasal namin ni Beatriz, akala ko sa weekend pa kami pupunta, pero dahil sabi nga nya sa akin kahapon na handa na naman daw sya na mamanhikan kahit na sya lang mag isa na haharap kila Mama at Papa, edi go.





Nakaleave kami sa office dahil baka mag stay pa kami sa Batangas, e boss sya eh edi sya ang masusunod, para daw maka relax kami. Gusto ko din ito para na din hindi na sila magkita ni Bang at hindi na magyaya kung saan saan nya gustong dalhin ang Bea ko.





Habang nagdadrive naka hugged lang ako sa Stitch Head pillow ko, Im just wearing my short and spagetti na pinatongan ng jacket, hindi nakaupo ng maayos na para akong fetus sa porma ko dito sa upuan ko while nakatingin lang sa view ko, which is my driver. Ang Hot masyado eh.


"Baby, stop staring at me please." sabi nya at hindi inalis ang tingin sa daan.



"Bakit?" nakangiti kong tanong.




"Im distracted" sabi nya. Napataas naman ang kilay ko.




"So, distraction na pala ako ngayon sayo?" mahina kong tanong at nakatingin parin sa kanya.




"Of course, sinong hindi madidistract? a very gorgeous lady sitting right next to me is staring at you. I can't concentrate in my driving, at the back of head I wanted to kiss that lady na talaga." sabi nya at tumingin sa akin sabay kindat.




Yan. . jan sya magaling, yang mga ganyanan nya. Kung hindi ako dumating sa buhay nya mga ilang babae na kaya ang nalaglagan ng underwear dahil sa mga banat nya?




"Ang ganda ko palang distraction." sabi ko sa kanya at umayos na ng upo, tumingin nalang ako sa labas.



"Mahal mo ba talaga ako Beatriz?" out of nowhere kong tanong.

Duh! Nagpropose na nga diba tapos natanong ko pa yun? Di ko rin alam kung bakit yun ang natanong ko. Siguro para may ma topic while on our way? Ewan.




"Actually hindi kita mahal." seryoso nyang sabi sa akin. Hindi ako nakapagsalita sa sinagot nya.



Sakto naman na dadaan kami ng toll gate at nakapila pa kami kaya hinto ang sasakyan namin at saka sya  humarap sa akin at nilapit ang sarili.




"Hindi kita Mahal Jhoana, kasi Mahal na Mahal na Mahal kita, dont you ever question my Love for you, mali naman kasi ang tanong mo eh." sabi nya at hinalikan ako sa noo. Hindi nalang din ako sumagot.




"Bakit mo naman na tanong yun?" tanong nya sa akin.




"Wala lang, out of nowhere?" patanong ko ring sagot.



"Gaano ba kalaki ang pagmamahal mo sa akin?" tanong ko ulit.




"Nakikita mo yan?" sabi nya sabay turo ng hectaryang tubuhan.




"OO, bakit anong meron jan?" tanong ko naman at tiningnan ang tubuhan sa labas mula dito sa bintana ng sasakyan.




"ganyan ka lapad at kalawak ang pagmamahal ko sayo, gaya ng pagintindi ko sa parehong sakripisyo na binibigay natin sa isat isa, double triple hindi ko alam, dahil hindi ko sinusukat ang pagmamahal ko sayo. Hindi kayang pantayan nang kung sino man ang Jhoana Louisse dito sa puso ko." seryoso nyang sabi sa akin at titig na titig sa mata ko habang sinasabi nya sa akin.



 Indirect Kissed - JhoBea (Completed) Where stories live. Discover now