Part 8

28.7K 411 8
                                    

JHOANA POV

Nakarating kami ni Bea sa Office na mag te 10 am na, tinanong pa ako ni Mela na head ng department ko, buti nalang kasama ko si Boss. Ayos!

Medyo may katigasan din ang ulo nitong si Beatriz eh, nag insist pa na ihatid ako sa cubicle ko, kaya yan tuloy tinitingnan ako ng mga kasamahan ko, pero aaminin ko kinilig ako sa simpleng gestures nya.

"sige jho balik na ako, if you need anything katokin mo lang ako." sabi nya kaya tumango nalang ako bilang sagot.

Nagsmile sya sakin bago maglakad papunta sa office nya, pero di pa nakalayo mula dito sa cubicle ko, nagulat kami dahil may biglang sumigaw at yumakap sa kanya.

As in nagulat din si Beatriz dahil di nya eneexpect yun ah. . Wait sino ba tong babaeng to at maka kapit kay Bea parang tuko.

"Hi Babe . .. I missed you!" sabi ng babae habang yumayakap. Si Bea naman naka kunot ang noo.

"Babe. . what are you doing here?"tanong sa kanya ni Bea, Babe? nakikinig lang ako sa kanila. Naka upo na ako sa upuan ko, at nagkunyari na may tinatype pero ang totoo nakikinig ako, medyo umandar ang pagka chismosa ko this time. Haha

Bakit bigla akong naka feel ng inis doon sa babae? Na hindi naman dapat kasi friend naman sila ni Bea. Ewan ko ba.

"Bakit bawal na bang dalawin si Love of My Life?" sabi ng babae, kaya napa angat ako ng tingin nung marinig ko yon sa babae at nakita kong tinaas nya ang kilay nya kay Bea.

Love of my Life? So Jowakels sya ni Bea? So ibig sabihin, konfeeerrm na Bi talaga si Beatriz? Sabi ko na eh hindi straight eh, tama ang hula ko. Siguro manghuhula ako sa past life ko eh noh.

"Hindi naman, it just that office hours kasi at hindi ka man lang nag text or call" sabi nya doon kay Babe nya at inirapan ito. Bakit bigla akong naging interesado sa usapan nila at the same time parang naiinis ako sa kanilang dalawa. Wag nga kayo dito sa harap ng cubicle ko mag landian utang na laba. Chupiie. .

Too early for that weird feelings Jhoana, relax. .

"pumunta ako dito para yayain ka mag lunch, at maaga pa naman kaya mag aantay nalang ako sa Office mo" sabi ng Babe nya at nag cling pa sa braso ni Bea. Aysuuss Office po ito at hindi private room para sa inyong harotan  jan. Kaya sekreto akong napairap sa kanila.

"Ah Rene may niyaya na kasi ako mag lunch eh" so Rene pala name ng Babe nya, tapos. . huh? So mag lulunch pa pala kami, kasi nga diba niyaya nya ako? Akala ko yun na yung fastfood na pinuntahan namin or baka hindi ako yung niyaya nya. Feelingerang Cocoa ko naman.

"Isama mo nalang sya Bei, sayang naman effort ko pag punta dito, pakilala mo nalang sakin" anyare bes? Kanina babe tapos ngayon Bei. Ano ba naguguluhan ako ha. .

Kaya kunyari hindi ko alam pinag usapan nila, at kumuha ng notebook at nag susulat plus tingin sa computer para sabihin na wala akong narinig at busy ako in my own business.

"Ah Jhoana, diba maglulunch tayo mamaya?" bulong sakin ni Beatriz habang ang mata nya tinitignan ang mga workmates kong busy sa kani kanilang trabaho.

"Huh? Akala ko yun na yong Breakfast." pabulong ko ding sagot, mahirap na baka maissue tayo Fam!

"Iba ang Breakfast at Lunch Jhoana." habang natatawa pa, kaya inirapan ko nalang sya at hindi inisip na Boss tong kaharap ko ngayon. Kaya natawa sya.

"Your cute when you do that." sabi nya sabay smirk pa, kaya once again ladies and gentlemen inirapan ko ulit sya, para matago ang konting kilig na nafefeel ko. Wag ako Beatriz anjan Jowa mo oh.

 Indirect Kissed - JhoBea (Completed) Where stories live. Discover now