PART 42

36K 443 53
                                    

JHOANA POV

Yan talaga ang ayaw ko, yung pinagseselos ako. Kainis! Akin lang ang mahal ko at di pwede sa ibang tao, lalo na sa mahaharot.

Imbes na mag iinarte ako at magtampo konting lambing lang ng mahal ko, bibigay na agad ako.

Ganyan yata pag inlove ka talaga.

While my Bea is holding my Cheeks and about to kiss me. I choose to closed to my eyes to feel and cherish this secret moment namin dito sa pantry ng Mahal ko.

Pero biglang bumukas ang pinto kaya pareho kaming nagulat at napalingon doon.

"Oh my God! Im sorry!" sigaw ng nagbukas ng pinto.

Si Ate Ells pala kasama si Maki na nasa likod nya na napatakip nalang sa bibig nya. 

"Bat di mo ni lock?" bulong ko kay Bea, pero parang wala lang sa kanya at nginitian pa nya ako.

"Its okay, Im not afraid anyways." sabi nya at inakbayan ako. Kaya napayuko nalang ako.

Wala na nabuko na, imbes na sasabihin ko palang sa kanila, pero parang inunahan kami ng panahon. Tsk.

"Bes?" tawag ni Maki na nakatingin sa akin ngayon.

"May naistorbo ba kami? Or may hindi kami alam sa mga nangyayari?" tanong ni ate ells.

Kinakabahan ako, baka galit sa akin ang bestfriend ko na di ko man lang sinabi sa kanya. Kaya nilingon ko si Bea at sakto din na nakatingin lang din pala sya sa akin.

Pumasok si Ate ells at Maki at nilock ang pinto ng pantry, alam nyo yung feeling na para kang bata na nahuling nanguha ng gummy bears sa candy jar na binawal sayo?

Lumapit silang dalawa sa akin at kinuha ako ni Maki sa tabi ni Bea. Kaya magkaharap kami ngayon at si Ate ells naman tumabi kay Bea.

"Bes? Kailan pa?" seryosong tanong ni Maki, kaya lumingon ako sa kanya. Di ko mabasa ang mga mata nya.

"sorry. . " yun nalang ang nasabi ko.

"E set aside muna natin na boss kita ha, Beatriz kailan pa? At ano ang ginagawa mo kay Jhoana?" tanong ni ate ells.

"Wala, naguusap lang kami." sagot naman ni Bea at tumingin sa akin.

Katahimikan ang pumagitna sa aming lahat, naramdaman ko naman na kinurot ako ni Maki at sumenyas ng "Mag uusap tayo mamaya". Kaya napanguso nalang ako.

"Ganon na ba mag usap ngayon ang Boss at Empleyado? Pantry ang napiling lugar para mag EyeBall?  tapos ang kamay ng empleyado nasa bewang ng Boss tapos ang kamay ng Boss nasa pisnge ng Empleyado tapos sobrang lapit ng mukha? Ganon?" sabi ni Ate ells at umaction pa kung ano ang naabotan nila kanina.

Nakita ko namang nagpipigil ng tawa si Maki at Bea sa ginagawa ni Ate Ells. Anong bang trip ng dalawang to? Kaya gumanti ako ng kurot kay Maki at yun.

"Hahahaha. Ate Ells tama na. . Hahaha." tawang tawa na sabi ni Maki. Kahit kailan talaga ang lakas ng trip ng mga to, panira ng moment.

"Hahaha. Sabi sayo eh, sundan  para ma confirm natin, kasi akalain mo Maks sabay na nagbago ang dala--" sabi ni Ate Ells pero pinutol ko ito.

"Anong icoconfirm?" taka kong tanong sa kanilang dalawa kaya nag apir pa ang mga ito.

Tiningnan ko naman ni Beatriz na naka crossed arms lang habang nakangiti na parang bang tuwang tuwa sya sa nakikita nya.

"Bes? Nahalata na namin yun, kami pa ba? Eh nag apprentice yata kami sa Scene Of the Crime Operative." sabi ni Maki at inakbayan ako at tumawa na naman at nag apir ulit sila.

 Indirect Kissed - JhoBea (Completed) Where stories live. Discover now