Part 13

32.6K 432 36
                                    


BEA POV

"Bakit ba ang init ng dugo mo kay Anton?" tanong ni Jho, para naman nagpanic ako kung ano ba dapat ang isasagot ko, pero I remain calm padin.

"Ayoko lang sa kanya." sagot ko naman, sana maconvince kita, ang kulit pa naman nito.

"Ehhhhh. . Bakit ngaaaaa." sabi ni Jho na parang Bata at sumandal pa sa balikat ko sabay subo ng grapes. .  Ayos! Kaya ako nahuhulog sayo eh, masyado kang pafall, sana lang pag dumating yung araw na aamin ako, saluhin mo ako.

"pag sinabi ko ba maniniwala ka?" sabi ko sa kanya, this time yung ulo nya nasa may dibdib ko na habang naka akbay ako sa kanya at nilalaro ang buhok nya malapit sa puyo.

"Na crush mo nga sya? At pinagseselosan mo ako kasi akala mo type ko din sya? Ganon?" grabe ang advance ng utak ng Baby ko. Yeah Baby ko kasi alam ko na sa sarili ko na Mahal ko na sya.

"Hahaha. Seryoso Jho? Yun talaga tingin mo? Hahaha." natatawa ko pa din na sabi.

"Beatriz naman eh, bakit nga kasiiiii." paindak indak pa ng paa. Ang cute lang.

"Saka na malalaman mo din in time, pero sa tanong mo? Hindi ko po sya type. Yuck! Di kami talo." sabi ko kay Jho at tumawa naman sya.

"By the way daanan natin later ang susuotin mo sa sunday and may ipapadala ako na make up artist para mag ayos sayo." sabi ko sa kanya at hinalikan sya sa sentido nya.

"Nako baka mamaya singilin ako wala akong pambayad Beatriz, sabi ko naman sayo mag rerent nalang ako ng gown doon malapit sa kan--" pinutol ko ang pagsasalita nya kasi naman, ayan na naman po sya sa pag iinsist nya.

Business Industry Gala ang pupuntahan namin, kailangan mag sstand out din ang beauty ng baby ko. Maganda naman si Jho pero tycoons ang mga kaharap namin, ayoko lang na pangit ang tingin nila sa Jhoana ko.

"Ayokong mag rent ka, kasi kung sino sino na ang nag suot, baka mamaya magka allergy kapa. I went to a fashion designer and consult him to make a gown for you. Dont worry ako po nagbayad, at di ko ibabawas sa salary mo yun." mahaba kong sabi sa kanya. Natawa naman sya at pinalo ako sa legs. Hahaha

May napaguusapan  pa kami at di namalayan na uwian na pala, sabi pa nga nya kanina hindi na daw nya natapos ang gawain nya dahil kinidnap daw sya ng Boss nya. Hahah

Biniro ko nga sya kanina na magpalit nalang sila ni ate ella ng position para lagi kami magkasama, pero sya? Ayaw nya kasi baka daw isipin ng iba na naging close lang kami nang aagaw na sya ng position ng iba. Kaya napangiti ako doon, iniisip nya padin ang iba kaysa promotion nya. Very good Babe, very good.

Pero na realize ko din na ayokong maging secretary sya kasi nakikipag meeting sa mga   ibang clients, baka mamaya mapormahan pa to. Kaya dito ka nalang. Hihihi. Too possesive ba? Well kay De Leon kay De Leon. . Soon aamin din ako. 😉

"Bei 5:30 na oh, balik na muna ako doon ayusin ko lang gamit ko." sabi ni Jho while checking on her watch.

"Sige. And tell Maki ihahatid ko kayo." sabi ko sa kanya at tumango naman sya bago lumabas.

Sa iilang months namin na naging close kami ni Jho, hindi ko na sila hinahayaang mag commute ni Maki. Lagi ko silang hinahatid, pero kung may meeting ako at mag iinsist tong Jhoana ko na mag tataxi nalang daw, hindi parin ako pumapayag at pinapasundo ko sila sa driver ko.

Lumabas na ako ng office ko dahil uwian na nga pero minsan talaga pag ang mga chismosa sa paligid makikibalita pa yan. I know ate ells too well. Dont me Trudiz!

"Hi Miss Bea, how was the kulong kulong in the office with Jhoana for 2 hours?" sabi pa nya sabay wiggle wiggle pa ng kilay nya.

"Ano bang pinagsasabi mo? Pauso ka ah." sabi ko sabay akbay sa kanya at tiningnan si Jho na kausap si Therese na nag aayos ng gamit.

 Indirect Kissed - JhoBea (Completed) Where stories live. Discover now