PART 40

33.1K 432 56
                                    

JHOANA POV

Hindi ko aakalain na darating ang araw na magkakaayos pa kami ng Beatriz ko, though my takot parin ako sa nangyari sa akin, pero sabi sa akin ni Beatriz di na daw nya hahayaan na mangyari ulit yon.

Gagawin daw nya lahat para malaman nya ang sinong tao ang gumawa sa akin non, at oras daw na malaman nya hindi nya alam ang magagawa nya dito.

Nang maikwento ko na sa kanya ang totoong nangyari sa akin, puro I'm very sorry ang natatanggap ko sa kanya, sa una medyo nag alangan pa ako kasi mahirap ang pinagdaanan ko at masasakit na salita ang natanggap ko sa kanya.

Pero noong nagpaliwanag na din sya sa side nya lumambot ako, syempre mahal ko eh. Sobrang mahal ko na halos mabaliw ako ng mawala sa akin, sa katunayan hindi alam ni Mama at Papa ang nangyari sa amin, ewan ko lang sa side nya kasi ayokong maging masama ang tingin nila sa Beatriz ko.

Habang inaantay ko si Kian sa napagusapan naming lugar, natatanaw ko pa ang sasakyan ni Bea na naka park sa di kalayuan dahil sabi nya hindi daw sya aalis hanggat hindi dumadating si Kian para sunduin ako.

Gusto nya safe ako na makuha ni Kian bago sya umalis. Bumabawi ang mahal ko.

Habang hinihintay ko si Kian dito sa spot na napag usapan namin hindi ko inaasahan na sa lahat ng tao na pwede kong makita ngayon ay ang lalaki pa na may balak baboyin ako. Nanginig at parang namutla ako bigla na hindi ko alam ang gagawin ko, nag alangan ako na tatakbo ako palayo o dito lang dahil alam kong hindi nya ako makikilala sa suot ko.

Nang makalapit na talaga sya, I mean sila dahil may mga kasama itong mga lalaki.  siguro di nya ako napansin at nakilala dahil pinasuot ako ni Bea ng cap dahil medyo maiinit na rin.

Biglang nag flashback sa akin ang mga nangyari sa akin noong gabing yun, sa simula ng mawalan ako ng malay, hanggang sa ma picture out ko pa ang mukha nya na nakapatong sya sa akin na manyak akong tinitingnan, di ko na napigilan at mabilis akong tumakbo papuntang sasakyan ng Baby ko.

Nanginginig akong pumasok at umupo sa shotgun at parang gusto ko na naman umiyak, minsan nga sa bahay bigla nalang akong iiyak, hindi dahil sa pag iwan ni Bea sa akin kundi ang kahayupan ng lalaking yun ang naalala ko na naghantong sa amin ni Beatriz sa hiwalayan.

"Baby ko. . What happened, are you okay?" nag alalang tanong nya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"That  guy. . . Baby the guy. . Im scared." hingal na nangiginig kong sabi at tuluyan ng bumigay ang luha ko.

Bigla nya akong niyakap dahil namutla at nanginginig parin ako habang umiiyak.

"Sinong guy?" tanong nya.

"yung guy sa bar. . Baby natatakot ako baka balikan nya ako." sabi ko kaya lumingon sya doon sa pinangalingan ko.

"Baby alin jan? Maraming lalaki doon" naguguluhan nyang sabi.

"Yung matangkad na naka cap na black." sabi ko at tinignan nya iyon.

Parang may binulong syang pangalan na hindi ko narinig at napamura nalang sya.

Timing din kasi na parang may inaantay talaga ang grupo nila. Akmang baba sya ng sasakyan at planong pupuntahan ang taong yun pero pinigilan ko.

"Baby ko wag please. . . Baka anong gawin nila sayo may mga kasama sya." sabi ko at mangiyak ngiyak pa rin, pinakinggan nya naman ako at niyakap.

"okay baby I'll stay, pero as what i have promised to you, gagawin ko lahat para hindi na sya makagawa ng ganong bagay sayo, sisingilin ko sya sa ginawa nya." seryoso nyang sabi habang yakap ako.

 Indirect Kissed - JhoBea (Completed) Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz