PART 9

28.7K 418 11
                                    

BEA POV

"Ayoko ng ganon na eksena Jhoana, because  I dont like it and I hate it." seryoso kong sabi sa kanya. Bahala na kung ano isipin nya basta ayoko lang na nakikita ko sya kasama ang iba, and worst? Masaya sya sa piling nila.

Hindi ko alam kung nagseselos ako, basta ayoko kay Asistio.

Tumitig parin ako sa kanya hanggang sa nag salita sya.

"Anong eksena ba sinasabi mo Bea? Di kita maintindihan." nagugulohan nyang tanong.

Ang bilis ng tibok ng puso ko pag malapit ako sa babaeng to, ganon nalang ka intense yung epekto nya sa sakin.

"Is Mr. Asistio courting you, does he?" tanong ko sabay titig sa bilogan nyang mata, I like to stare those big brown eyes of yours Jhoana. Please say No as an answer.

"Hindi. Magkaibigan lang kami." sagot nya sabay iwas ng tingin sakin at yumuko. Kaya nahinga ako nga maluwag. Yes!

Inangat ko ang baba nya at nagsalita ulit.

"Hey look at me, Mabuti naman para malinaw." sabi ko sa kanya at ngumiti.

Inalis ko na ang kamay ko sa pagka corner ko sa kanya at sinabihan ng mag Cr na sya, sinunod naman nya ito.

Habang hinihintay ko syang lumabas sa cubicle, napasandal ako sa wall sabay lagay ng kamay ko sa may chest ko.

"Bakit ba ako nagkakaganito sa kanya" bulong ko sa sarili ko, habang iniisip ang mga ginawa ko.

Rinig ko na nag flush na sinyales na palabas na sya. Kaya dumiretso ako sa may labatory at naghugas ng kamay, tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Mas Gwapo parin ako.

"Bea?" tanong nya, kalalabas lang nya sa cubicle na pinasokan nya at lumapit sakin.

"Hmmm" sagot ko at tinignan ko sya sa reflection ng salamin.

"Bakit walang tao na pumasok?" tanong nya habang tinitigan ako sa reflection, we are doing vice versa titigan.

"Nilock ko" maiksi kong sagot.

"Nilock mo para tanungin ako about doon at sabihin na you hate it?" tanong nya. This time sumeryoso na ang mukha nya. Kaya sumeryoso din ako para hindi ako mahalata.

"Oo, ayoko lang sa empleyado ko na maging sweet sweetan tapos mag ligawan, tapos maging sila, tapos magkalabuan kasi may nagseselos at tap--" mahaba kung sabi pero pinutol nya ako mga Pre!

"So nagseselos ka sa amin ni Anton? Ganon ba." sabi nya sabay kagat labi with smile. Urgh. . Dont do that Jhoana baka hindi ako makapagpigil. Think of something alliby Beatriz. Think.

"Of course not, kasi pag nagbreak kayo maaapektohan ang mga trabaho nyo, yun lang, is there any problem with my rules?" sabi ko sa kanya.

Oppss. Wrong words yata . .

"Sorry po." sabay yuko nya, shiiit. Wrong words bea wrong words.

"Its okay." kaya tumango nalang sya bilang sagot. Hindi na ako hinintay magsalita pa at umalis na sya, hindi na nga nagpaalam eh. Tsk.

Bumuntong hininga nalang ako at diniin ang dalawang daliri ko sa kilay ko sabay pikit kasi naman. Uggh. Baka mamaya mag alangan nang lumapit sakin dahil sa sinabi ko.

Bumalik na din ako sa office ko, pero before ako pumasok lumingon ako sa pwesto ni Jho at nakita syang focus sa ginagawa nya.

Sana hindi ka iiwas sakin. . Sana. .

Naka upo ako sa office chair ko, at naiisip ko parin yung kanina.

Paano kung bigla ko nalang nabigkas na
"Oo Jhoana , nagseselos ako. At di ko alam kung bakit."

 Indirect Kissed - JhoBea (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon