PART 38

32.1K 508 87
                                    

JHOANA POV

Habang nakapikit pa ang mga mata ko naramdaman ko na may mahigpit na nakayakap sa akin at nakayakap din ako sa kanya na tila pamilyar na sa akin ang mga ganito.

Pakiramdam ko ay ligtas ako lagi, pakiramdam ko ay alagang alaga ako, at ang pakiramdam na minamahal ako ng sobra.

Sumingot ako at gumalaw ng konti kahit pikit ang mga mata, pamilyar ang amoy at lambot na kumayakap sa akin, kaya dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at laking gulat ko. . .

Si Beatriz ang kayakapan ko. . Paano nangyari to? Nasa bar ako at ang alam ko si Kian ang sumundo sa akin. Si Kian nga ba?

Gumalaw ako para sana tumayo at umalis sa braso nya, kasi nakaunan ako sa right arm nya while her left is hugging me, pero bigo ako dahil mas hinigit nya ako sa kanya at niyakap pa ng mahigpit.

Kaya hinayaan ko nalang muna, namiss ko rin tong ganito sya kalapit sa akin, na ilang inches nalang mahahalikan na nya ang noo ko sa sobrang lapit, tinitigan ko ang mukha nya na tila inexamin ko kung may nabago ba dito dahil hindi ko ito nakita at nahawakan sa loob ng dalawang buwan.

I trace her face through my fingers para mahawakan ko ulit ang Mahal ko, sa sobrang tuwa ko at pagkamiss ko sa kanya hindi ko mapigilan na hindi maluha.

After two months, nakayap na din kita ulit. Namiss ko talaga ang mga yakap mo. Sobra. .

Habang pinigilan ko na hindi humikbi, nakita kong unti unti din syang nagmulat ng mga mata nya at unti unti ring ngumiti, nang totally na nagmulat na sya nagulat sya dahil umiiyak ako sa harap nya kaya niyakap nya ako, still nakahiga kami at ang mukha ko nakasiksik sa may dibdib nya.

"Shhh. . Baby stop crying, bakit ka umiiyak? Please stop na. ." nag alalang tanong nya sa akin. Umiiling ako at niyakap ko na din sya pabalik, hindi ko na to sasayangin.

Umupo si Beatriz sa gitna ng kama habang naka indian sit, at hinila nya ako patayo para makaupo at naka level nya ako.

"Jhoana, ano bang nangyayari sayo? Bakit ka umiinom na mag isa, iniwan ka ba ni Kian doon?" tanong nya sa akin at hinawakan ang magkabilang pisnge ko.

"Hindi, kasi hindi nila alam na pupunta ako ng Bar, nagpaalam lang ako na pupunta sa park." sabi ko at umiwas ng tingin.

"may muntikan ng mangyaring masama sayo, mabuti nalang at nandoon ako kagabi." sabi nya sa akin.

"Si kian ang sumundo sa akin kagabi, paano nangyari na napunta ako dito?" takang tanong ko.

"hindi si Kian ang sumundo sayo, dahil ako mismo ang nagdala sayo dito." sabi nya, hindi ako sumagot dahil wala akong maalala.

"Jhoana... alam mo bang muntikan ka nang ma rape kagabi, Putangina! Makakapatay talaga ako ng tao pag nangyari sayo yun." sabi nya sabay sabunot ng buhok nya at pumikit ng mariin, na tila sobrang frustrated sa nangyari.



Rape. . Rape . .



"Rape na naman. ." bulong ko at nagsimula na naman akong umiiyak, naalala ko na naman ang nangyari sa akin sa Bar.

"Anong rape na naman, Jhoana ano bang sinasabi mo." sabi sa akin ni Bea at niyakap ako. Hindi ako sumagot at humikbi na naman.

"Ito ba yung sinasabi na nangyari sayo sa Bar? Baby please. . .Tell me what really happened to you there." sabi nya at hinawakan ang magkabilang pisnge ko na tila maiiyak na din sya.

"Wag mo nalang alamin, hindi na magbabago ang tingin mo sa akin dahil isa na akong Malan--" pinutol nya ang sinabi ko dahil hinalikan nya ako sa labi for about 3 seconds.

 Indirect Kissed - JhoBea (Completed) Where stories live. Discover now