PART 41

34.4K 451 50
                                    

BEA POV

Nasa office kami ngayon back to normal, when I say normal, hindi na laging mainit ang ulo at the same time okay na ang Jhoana ko.

Inaantay ko kasi yung secretary ng client dahil may ipapasa itong important documents para sa branch nila na mag tatayo ng branch ng clothing  sa loob ng Mall namin.

Parang timang na ngumingiti akong mag isa habang tinitingnan ko ang picture namin na nasa frame. Tinago ko kasi to dahil nga sa nangyari, hawak hawak ko rin ang booked tickets and accomodations papuntang Paris,France.

Sa wakas matutuloy na ang anniversary treat namin, sobrang delayed nga lang. Pero okay lang atleast masaya akong nasa piling ko ng muli ang Baby ko. Safe and Secured.

Its already been two weeks since nagka ayos kami ng Jhoana ko, two weeks na din na patago kaming sweet sweetan, pasekreto kaming nag fafacetime habang nasa office ako sya naman nasa cubicle nya.

Minsan naman pinapatawag ko sya sa office kahit wala naman akong kailangan of course namiss ko ang Baby ko, at doon kami magcucuddle just like before.

Minsan nga paghindi ako makapagpigil pinupuntahan ko talaga sya sa cubicle nya at kunyari may dalang files pero props lang yun para makalapit. Minsan inaasar sya nila Maki na bakit daw biglang blooming ni Jho matapos hindi umuwi ng dalawang araw.




Blooming kasi. Syempre alams na. Shh.




Sinabihan ko naman sya na sabihin nalang sa kanila, pero humahanap pa daw sya ng tiempo. Hindi pa naman daw nagtataka si Kian at Maki sa biglang pagbago nya na hindi na nagiinom at umiiyak nalang bigla.

Ganon parin naman ang set up namin na si Kian ang hatid sundo, pero syempre may paalala parin ako, kahit knowing that Kian is not into her but to Celine. Loko talaga yun, kaya pala ang ganda ng ngitian pagdati na nagkataon na magkasalubong kami sa lobby kasama ko si Celine. Tssk. Okay lang kay Celine wag lang sa Jhoana ko.

Kampante na kasi ako ngayon na wala ng threat paglumalabas ang Baby ko, lalo na pag sya lang. Dahil siningil ko lang naman ang may utang na atraso sa akin.

Hindi alam ng Baby ko na pinatrabaho ko ang kasalukuyang tinitirhan ni Adrian para masugod ko ito, pero hindi ako ganon ka boplaks na ako lang mag isa, kailangan ko lang ng backup.

Flashback:

Nasa condo ako ngayon ng biglang tumawag ang agent ko para sabihin sa akin na natuntun na  nila ang tinitirhan ni Adrian.

Akala nya siguro palalagpasin ko ang ginawa nya sa girlfriend ko, na trauma ang Jhoana ko sa kabastosan at kahayopan nya tapos babalewalain ko lang?  A big No to that.

I immediately contacted EJ na samahan ako at pinasunod ko rin ang dalawang bodyguards ko na mala bouncer ang katawan para in case na papatulan kami ni Adrian.

Gusto ko sanang isama si Kian para sana makipag ayos na ako sa kanya at the same time maasahan si Kian sa mga ganito.

Nag aantay ako kay EJ dito sa labas ng building ng condo na tinutuloyan ni Adrian. After ilang minuto dumating na si EJ.

"dude sigurado ka ba dito?" tanong nya sa akin. Seryoso akong tumingin sa kanya at tumango

"Siguradong sigurado dude, kung nakita mo lang ang reaksyon ni Jhoana noong nakita nya itong muli. . . Hayop sya, sisingilin ko talaga sya sa utang nya." sabi ko sa kanya, kaya dumeritso na kami sa unit ni Adrian.

 Indirect Kissed - JhoBea (Completed) Where stories live. Discover now