Chapter 3: Potion

11.6K 386 1
                                    

Chapter 3: Potion



Coolen's POV

Hi I'm Coolen Efron , 18 years old.

Katatapos lang ng klase namin ngayong araw, at nandito kami ngayon sa canteen kung saan kumakain kami ng snack namin at dahil hindi kami kumain ng pananghalian dahil ni Psalm.

 Bumili sandali si Quira ng maiinom, nakalimutan ko kasi omorder kanina maging ang potion na ginawa namin kagabi. Ngunit ngayon ito na ang tamang oras para maibalik namin si Psalm sa dati, maya maya pa ay dumating na si Quira dala ang apat na bottled water. Pagkaupo niya ay agad niyang iniabot kay Psalm ang isa.


Binuksan ni Psalm ang bottled water sabay inom matapos manguya ang kinakain niyang cheeseburger.

Nakatingin lang kaming tatlo sa kanya habang iniinom ang tubig na ibinigay ni Quira. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapalunok ng laway habang nakatingin kay Psalm. Please sana naman gumana na ito ngayon. Bulong ko sa sarili ko sa mga sandaling iyon.


Nang matapos kami ay umalis na din kami sa school at napagdesisyunang umuwi, tiningnan ko si Quira nang mapansin na tila hindi na naman yata gumana ang ipinainom namin.


"Psalm, wala kabang nararamdamang masakit?" Tanong ni Kaet kay Psalm na abala sa pagbabasa ng libro habang naglalakad.

"Wala naman, bakit?" Agad niyang sagot at tanong, tiningnan niya kami ni Quira at tila nagtaka, nginitian ko lang siya at gumanti naman siya, muli ay itinuon niya ang atensyon sa kanyang binabasa.


Hays hindi na naman yata tumalab sa kanya pero baka maya maya pa ang epekto niyon.


Ilang minuto ang lumipas ngunit wala pa ring reaksyon ang katawan ni Psalm sa ipinainom namin. Malapit na kami sa village kung saan nakatira si Psalm kaya nanlumo ang pakiramdam ko sa mga oras na iyon.

                                                                                                   
"Kamusta mga binibini." Napatigil kami sa paglalakad ng may humarang sa aming dinadaanan, labi at baba lang ang masisilayan sa kanya dahil sa suot niyang cloak.


"S-sino ka?" Sabay sabay naming tanong kaya nagkatinginan pa kami sa isa't-isa.


"Gusto ko lang naman makipagkaibigan sa inyo, lalong lalo na sa napakaganda niyong kaibigan." Nakakatakot niyang sagot sabay tingin kay Psalm, napataas ako ng kilay ng itapat ko ang kamay ko sa aking kanang bulsa.


"Don't worry hindi ako masamang tao." Sunod niyang sambit, pinaatras ko silang lahat at inihakbang ko ng dalawa ang aking paa upang harapin ang kung sino man ang nasa likod ng cloak na iyon.


"Sorry pero hindi kami nakikipagkaibigan sa gaya mo." Nakangisi kong sagot sa kanya, ibinuka ko ang palad ko at bumulong sa hangin upang isummon ang ice sword na meron ako.


Pasensya na Psalm pero kailangan ko itong gawin. Pagkasambit sa aking isipan ay agad kong iwinasiwas ang espadang hawak ko sa harap ng kumag na iyon. Ngunit iniwasan niya lang iyon kaya medyo napangiti ako. Tumayo ako ng ayos at inarrow pababa ang dulong bahagi ng espada.

TMW: Academy Of Magic (Curax Series#1)Where stories live. Discover now