Chapter 35: Magical Shield

4.8K 113 0
                                    


Ayaw ko ng mawala ang kaisa isang tao na nandyan palagi sa tabi ko, kahit hindi niya pa inaamin sa akin ang katotohanan alam kong tama ang mga nalaman ko, sure ako na tama nga ang lahat ng iyon dahil siya lang ang palaging nasa tabi ko sa lahat lahat siya ang ina ko si Reanna Jordan na Principal ng Academy of Magic. 

Ayaw ko ng mamatayan lalo pa at ngayon ko lang nalaman ang lahat. Sinimulan ko ng galawin ang aking mga kamay  habang pinipisil naman ng aking kaliwang kamay ang aking kanang balikat, kahit masakit iyon ay iniisip ko na lang na agad itong mawawala at gagaling dahil suot ko ang necklace na nakatago sa ilalim ng aking tube na pinatungan pa ng dress na pula na binili ko.

Wala na akong pakialam kung ano ang mangyayari sa akin, basta matapos lang ang gabing ito para na din makapagpahinga na silang lahat. Bumuntong hininga ako at nagconcentrate  sa mga sandaling iyon pero itong si Kaet na sunga lumapit sa akin kaya medyo nainis ako. Ano siya kabati ko hindi kaya. Magsama sila ni Uye, tinuring kong kaibigan then traydor pala. Tutya ng isip ko sa mga oras na lumapit siya sa akin, humakbang ako ng ilan upang makalayo sa kanya ayaw kong tumabi sa isang katulad niya na traydor. 

Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at nagsayang oras, agad ko sinimulan ngunit may biglang humawak sa kamay ko, tiningnan ko iyon. Kamay ni Kaet ang nakahawak sa kamay ko, nginitian niya ako ngunit kumunot naman ang noo ko habang nakatingin sa kamay ko na hawak niya. Wag kang magkakamaling sumugod. Basa ko sa isip niya, ano ako sunga tulad niya. Tiningnan ko lang siya at dahan dahang inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Sinamaan ko lang siya ng tingin maging ang noo kong nakakunot ay sumasabay sa mga nararamdaman ko.

"Ano ba ang gagawin niyo? Nagsasayang lang kayo ng oras para sa walang kwentang laban."  Nainis ako ng marinig ang sinabi ng babaeng iyon, kanina pa itong babae na ito naiinis na ako ng sobra sa mga satsat noya. Ano ba siya dito bagong asawa ni Revil tsss? Bulong ko sa aking sarili, sinubukan kong patigilin siya gamit ang spell ngunit tila may pumipigil sa akin na ituloy ang spell sa mga sandaling iyon, napakunot ang noo ko ng lumingon ako sa aking tagiliran at nakita si Revil na nakatingin ng diretso sa akin. Malas naman bakit ngayon pa sumabay itong walang hiyang Hari na ito, pero bigla akong nakaramdam ng maluwag kaya mas lalong napakunot ang noo ko. Paglingon ko sa aking likuran nakita ko si Kaet na nakikipagtitigan kay   Revil na siyang pumipigil sa akin.

Linawin lang natin, ako lang ang pumunta dito sa Hall. Sina Coolen ay may ginagawa, I mean is  may pinagawa ako sa kanila. Kaya ako lang at si Kaet ang nasa labas ng magical shield, actually ako nga lang mag-isa. Di ko naman kakampi yang Kaet na traydor na yan, pareho pareho lang sila.

This time ako naman ang babawi sa mga taong ito (The Royalties, students etc.) Maybe nainis din sila sa inasta ko noong una pa lamang ako dito. Kaya ngayon ako babawi, tumingin ako sa buwan at malapit ng magkabilugan. Kaunti na lang ang oras ko and I need to hurry up. Bulong ko sa mga oras na iyon.

Head Mistress Draew's POV

"Psalm, sa likod mo!" SIgaw  ni Kaet kay Psalm. Agad namang umilag si Psalm pero nahagip pa rin siya, tumama sa kanyang braso ang apoy na inilabas ni Revil. Napangibit lang si Psalm sa sakit, pagkuway ay lumaban na si Kaet. Wala kaming magawa dahil hanggang ngayon nakatali pa rin kami, hindi namin napaghandaan ang pagdating nila at masyado kaming nakampanti sa palagiang pagsugod nila every first full moon. At nadagdagan ang kanilang kawal, habang nanunuod lang kami sa naglalaban na sina Psalm, ay naramdaman ko ang unti unting paglamig ng aking kamay, I look at my hand and it's getting cooler. But I can't see any sign na may yelo ba o malakas ang hangin, napatingin ako sa direction ni Psalm. Pero nakikipaglaban siya kay Vidia, wala akong maaaring alam na pepwedeng gumawa nito, kundi si Coolen lamang.

"Coolen!" Malakas kong sigaw, luminga linga ako upang hanapin ang mukha ni Coolen sa bawat estudyante pero wala siya.

"Ahhh!" Napalingon ako sa boses na iyon, nahihirapan na si Psalm. Ang dugo na tumatagas sa kanyang kanang balikat ay lalo pang dumami dahil siguro sa paggamit ng magic.

Ang weird lang si Psalm lang ang may sugat, samantalang yung mga kalaban ay wala pang galus kahit isa. At ang paligid nila ay biglang naging blur athindi ko makita si Psalm.

"Teka." Psalm, okay lang kaya siya?

"Draew, tara na." Napatingin ako sa boses ni Reanna. Nakatayo siya sa likod ko, tanggal na pala ang tali namin at hindi ko alam kung papaano iyon nangyari. Agad akong tumayo at sinubukang lumapit sa naglalaban, paghakbang ko hindi ako makapasok at tila may harang sa harap ko ngunit hindi ko iyon nakikita.

"HM pa-paano po si Psalm?" Tanong ni Zanderr sa akin. Nakawala na kaming lahat sa taling may mahika, at patuloy pa rin sa pakikipaglaban sina Psalm. Sinubukan naming pumasok sa pakikipaglaban ni Psalm ngunit ang hirap pumasok tila may kung ano na nakaharang, and I think my invisible thing na nakapaligid sa kanila. Napakunot ang noo ko ng maramdaman ang kakaiba sa nakaharang na iyon.

"Reanna, who is she?" Tanong ni King Liam kay Reanna, tumingin lang sa akin si Reanna at tumango, nakaramdam ako ng kaba sa mga sandaling iyon dahil sa tanong ni King Liam.

"Psalm!" Nagulat ako sa sumigaw na si Kier. Halatang nag-aalala ang sigaw niyang iyon. Ibinaling ko naman ang tingin ko kay Psalm, nakaluhod na siya sa mga oras na tingnan ko siya. 

.

.

.

Kaet's POV

Nakaluhod na si Psalm and for sure she's tired na.

"Kaet, did you remember this?!" Inilabas ni Psalm ang kanyang broom stick, she can fly by using that kind of broom stick. At dahil kakaiba ito sa dinami daming broom stick na nakita ko, ito ang pinaka unique sa lahat. Pagkasigaw ni Psalm habang nakasakay sa broomstick ay nagsummon siya ng Blair Red Diamond Blade kahit luhod na siya kanina. Ngumisi lang siya sa akin at hinarap si Vidia. Ako naman pasimpleng nilalabanan ang Hari na si Revil.

"Ang kulit mo talagang bata ka!" Sigaw niya sa akin ng kalabanin ko siya.

"Bakit takot kaba sa akin? At dahil ako ang Prinsesa?" Napatawa ko naman ang Hari sa sinabi ko.

"Wala akong pakialam kung sino ka pa!" Sabay summon ng dark magic, nagulat ako sa pagsummon niya ng magic na iyon dahil mas malakas iyon kaysa kanina. Kahit Hari ang kalaban ko ay hindi ako susuko, hindi ito para sa sarili ko kundi para sa mga magulang ko na pinatay niya dahil sa paghihiganti. Siya ang pumatay sa magulang ko at kitang kita ko iyon ng dalawa kong mata, pagbabayaran niya ang lahat. Agad niyang inihagis  sa direction ko ang magic, inilagan ko lang iyon ng inilagan. Para siyang bata na bumabato sa hangin, ininis ko siya sa pamamagitan ng palaging pag-ilag sa bawat pag atake niya.

"Hoy bata ka, kanina ka pa ah!" Inis niyang sambit sa ginagawa ko. Hindi naman kasi siya ganoon kagaling sa pakikipaglaban dahil lampa siya. Nabasa ko sa libro ng Kingdom of Dark ang tungkol sa kanya, lampa siya at mahina. Pero magaling siya sa patigasan ng ulo, hindi siya masyadong magaling gumamit ng magic, ang tanging depinsa nya lamang ay ang mga kawal na nakapaligid sa kanya. Namatay ng maaga ang kanyang ama na si Reovenil, at dahil iyon kay King Liam.

"Suko ka na ba?" Nakangiti kong tanong sa Hari, sumimangot siya at tinawag ang mga kawal niya. See ang kawal niya ang takbuhan niya kapag hindi na niya kaya, poor Revil. Ngumiti ako sa tinutya ng isip ko sa mga oras na iyon.

Nang lalapit na sa akin ang kawal ay natumba ang lahat ng ito, nagulat ako kung papaano sila natumba e naglalakad lang naman sila. Tumingin ako kay Psalm at puro dugo na siya, pero ang atensyon niya ay nasa kinaroroonan ko. Her royal blue eyes turn into maroon mukhang, kailangan ko ng lumayo dahil sa mga titig niya.

"Katevaino!" Sigaw na sambit ni Psalm, bigla namang tumalsik ang natitira pang kawal na nakatayo malapit sa akin.

"Mag ingat ka." Psalm added, bigla namang gumaan ang pakiramdam ko na kanina ay sobrang bigat dahil dyan sa Hari na si Revil. Parang nagsisisi ako sa ginawa ko kanina sa kanya, ikinulong ko siya sa gubat at I'm sure na hindi niya alam kung papaano makarating dito. Pero nakapunta siya, ang sama ko talaga hindi ko man lang siya nasabihan tungkol sa plano ko, punong puno na kasi ako eh. Di ko na nakayanan, pagod na kasi akong maghintay sa paghihiganti ko. I miss my Mom and Dad at sana mabigyan ko na sila ng hustisya sa mga ginagawa ko.










TMW: Academy Of Magic (Curax Series#1)Where stories live. Discover now