Chapter 42: Punishment

4.7K 115 1
                                    

Coolen's POV

Flashback

Isang linggo matapos ang paglusob noong gabing iyon, maayos na ang ibang pasilyo ngunit hindi ang Hall na pinagdausan ng Ball Night. Nakaupo kami ngayon sa mga upuang nasa labas ng harap ng isang istraktura dito sa bandang likod ng Academy of Magic, ang Jail Academy kung saan ito ang isa sa may full security sa bawat lingon mo. Ngayong araw ililitis ang Darkinians maging sina Uye at Vidia maging ang mga kawal ng Hari. 

Katabi ko si Quira habang nakikipag-usap kay Butler Dhaecob, napansin ko kanina pa nag-uusap ng kung anu ano at hindi ko iyon maintindihan. Parang may sarili silang mundo dahil kanina pa nagsisimula ang paglilitis at hanggang ngayon usap pa rin sila ng usap.

Ang Jail Academy ay may tatlong palapag at kasing lawak ito ng isang baryo kaya malawak ito, ngunit ang lugar na ito ay para sa mga nagkasala at sa mga traydor. Ang bawat pasilyo nito ay may mga guwardiya na nagmula pa sa iba't ibang kaharian, hindi basta basta ang mga bantay dito dahil lahat sila ay dumaan sa masinsinang training, limang taon na training bago maging isang guwardiya sa lugar na ito. May mga cook, janitor, helper at iba pa na nagtatrabaho sa loob nito at lahat sila ay may training na pinagdaanan upang maging aware sa mga posibleng mangyari. May pader ito na kasing taas ng anim na palapag, ngunit ginagamit lamang iyon sa tuwing may isang may malakas na kapangyarihan na ipinasok sa loob, ibinababa iyon kapag simpleng mamamayan lamang at may mababaw na pagkakasala. Kaya may panahon na hindi nila nasisilayan ang sikat ng araw sa umaga at hapon, tanging sa tanghaling tapat lang dahil sa sobrang taas ng pader.

"Darkinians at sa mga kawal, kayo ay paparusahan sa salang pagkalaban, paglusob at pagsang ayon sa plano ng Hari ng kasamaan. Kayo ay makukulong sa hindi masabing bilang ng araw, linggo, buwan o taon."

"Uyela Swift, 3rd year student ng Academy of Magic. Dahil sa pagtatraydor mo at pagkalaban sa Academy of Magic maging sa pagsanib sa isa sa worst enemy ng bawat kaharian ikaw ay makukulong sa hindi masabing bilang ng araw, linggo, buwan o taon." Napansin kong napatango si Keith sa sinabi ni HM, nasa bahaging unahan siya katabi ng kanyang magulang at kapatid.

"Vidia Constantino, isang former professor ng Academy of Magic na isa sa mga traydor. Ikaw ay lumabag sa salang pagkalaban sa rules and regulations ng Academy of Magic, makukulong ka sa Jail Academy sa hindi masabing bilang ng araw, linggo, buwan o taon." Napatingin ako sa unahan kung saan nagsasalita si Head Mistress Draew sa harap ng maraming tao, may luhang napansin akong nabubuo sa kanang mata niya, nasa itaas siya ng isang mini stage habang nakaupo naman si Principal Reanna sa ibaba nito maging ang ibang head professor at ang royalties. Maya maya pa ay may iniabot na libro kay Head Mistress Draew ang isa sa head professor, binuksan niya iyon at napansin ko pang pabuntong hininga bago basahin ang nakatala sa pahinang iyon.

"Ayon sa MW act 001 na ang sinumang lumabag at kumalaban sa Akademyang ito ay maparurusahan at ikukulong sa Jail Academy. MW act 032 na ang sasanib sa kasamaan ay parurusahan din. MW act 033 na ang mga alipin at tagasunod ng Hari ng kasamaan ay mabibigyan din ng kaparusahan sa oras na lumusob ito at magdala ng kasamaan sa lugar na ito." Pumikit sandali si HM Draew bago isara ang librong nasa harap niya.

"Mapapawalang bisa lamang ang pagkakakulong niyo sa disesyon ng mga bracelet na nakakabit sa inyong kanang pulso, maaari kayong bisitahin ng inyong mga kaibigan o pamilya ngunit may limitasyon ito, kayo ay nasa tamang edad na upang ikulong sa mga ginawa ninyong kasalanan at paglabag." May isang kawal na lumapit kay HM at iniabot ang isang box ng mga bracelet, hindi ito basta bastang bracelet na nakikita sa bawat kamay ng mga babae dahil hindi ito pangkaraniwan. Kaya nitong iseal ang kapangyarihang taglay mo at kaya din nitong magpalaya sa mga nagkasala, sa bracelet nakasalalay ang pagbabago ng isang tao. Once na mailagay ito sa wrist mo ay maglalaho ang anyo nito at magiging invisible sa iyong paningin, malulusaw ito once na mapawalang bisa ang kasalanang ipinataw sayo. Malalaman mo lang iyon kapag nawala ang dot na kulay pula sa iyong pulsuhan. 

TMW: Academy Of Magic (Curax Series#1)Where stories live. Discover now