Chapter 17: Feelings

6.9K 136 0
                                    

Humiwalay na si Kier kay Psalm, sabay kamot sa baton nito. E hindi naman daw talaga niya sinasadya, at nagulat din daw siya (Kier). Iyan ang nabasa ko sa isip niya habang nakatingin kay Psalm.

Nagmamadaling lumabas si Psalm, pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto ay bumungad sa amin ang mga mukha nina Zanderr, Kaet, Crytt, Coolen, Dhaecob, Quira, Keith, Gale, Ella, Uye at ng iba pang estudyante.

"Psa-Psalm okay ka na?" Sambit ni Kaet na nakakapit sa braso ni Zanderr.

Hindi na sumagot si Psalm sa halip ay tumakbo palayo at patungo sa Academy, hinabol lang namin ng tingin si Psalm.

"Ano po ang nangyari?" Mahinhing tanong ni Coolen, hindi na namin sinagot pa ang tanong na iyon sa halip ay tumungo na rin kami sa Academy.

End of Flashback

Iyon ang buong pangyayari, at mukhang may LQ yata ang dalawa. Hay naku ang mga bata ngayon hindi ko na din maintindihan.

.
.
.

Psalm's POV

Anu ba ang nangyayari sa akin? Psalm niyakap ka lang ha! NIYAKAP ka lang tandaan mo yan hays.

Naiinis kong sambit sa aking isipan habang nandito sa loob ng kuwarto ko.

Naku! humanda siya pag nakita ko ang pagmumukha ng lalaking iyon! Nanggagalaiti kong sabi sa isipan ko, teka bakit ko nga pala inisip ang mga ganitong bagay hay naku!

Makaligo na nga lamang ang banas kasi e, binabanas ako hays!

.
.
.
Makalipas ang ilang minuto ko sa paliligo kasama na ang pagbihis ay umupo muna ako sa sofa, sakto namang dumating nina Kaet.

"Oh Psalm bakit naligo ka?" Tanong sa akin ni Kaet, pero tinarayan ko lang siya ayaw ko siyang kausapin. Di ko pa rin kasi lubos maisip na kasabwat siya ni Uye. Tumango lang ako at nagbasa ng libro, at mabuti na lang may libro dito sa sofa kaya nagkaroon ako ng dahilan para maging abala ang sarili ko at maiwasan din si Kaet at the same time.

"Teka wag yan." Nagulat ako ng biglang agawin ni Kaet ang libro mula sa kamay ko na sisimulan ko pa lang sana basahin.

"Hindi ko pa nga nababasa e." Pagrereklamo kong sambit sa kanya.

"Bawal itong basahin, ako lang ang pepwedeng magbasa nito." Agad namang tugon ni Kaet.

"Bakit naman?" Tanong ni Coolen, kaya nakatingin ako sa kanya.

"Pa-para lamang ito sa mga Air User. Kaya hindi niyo pepwedeng basahin." Aniya niya. Naku may tinatago ka lang, kunwari ka pa e alam ko na. Sambit ko sa aking isipan.

"Psalm, magpahinga ka muna. Pinasasabi nga pala ni Principal Reanna."

"Bakit naman e okay na ako? Tsaka pwede na akong magtraining diba?" Tanong ko sa kanila ng tatlo.

"E kagagaling mo lang diba? Baka mabalda ka niyan." Nag aalalang sagot ni Quira.

"Diba sabi ko okay na ako, diba?" Makulit ko namang sagot.

"Sige sabi mo e." Kaet says, at kailan pa naging cold si Kaet? Tanong ko sa isipan ko habang pinagmamasdan ang tatlo na nakatayo sa harap ko.

Maya maya pa after itago ni Kaet ang libro ay pumunta na din kami ng Training Room. At habang ako naman iniisip pa rin ang nangyari kanina, di ko talaga maintindihan kung bakit bumilis ang tibok ng puso ko, para akong hinahabol ng mga ligaw na aso sa sobrang lakad ng tibok ng puso ko.

Flashback

Ramdam ko ang pag init ng mukha ko dahil sa galit na hindi ko maintindihan. At may naramdaman akong yumakap sa aking katawan, biglang bumilis ang tibok ng puso ko at ang nararamdaman kong namumulang mukha ay naglahong bigla. Tiningnan ko kung sino iyon? Pagtunghay ko ay lalong bumilis ang tibok ng aking puso, nagtagpo ang aming mga mata. Tinitigan ko siya at hindi kumurap na kahit isa, ramdam ko ang mabango at mainit niyang hininga na dumadampi sa aking balat at halos magkadikit ang aming mga mukha dahil sa bigla kong pagtingala upang tingnan siya

End of Flashback

Nadagdagan na naman ang kabiliwan ko. Hay makapagtraining na nga lamang.

"Class this is our last training, because tomorrow is preparation for the Academy of Magic Ball. Magbubukas na mamayang gabi ang Pamilihan para makapagpili na kayo ng susuotin for the Ball. Kaya pagbutihin niyo ang training ngayon." Mrs. Jordan said.

"Okay ma'am." sagot naming lahat.

Meron din pala ditong Ball Night. Akala ko sa Mortal World lang, dito din pala.

"Okay, today dual ang gagawin natin. Kung nung nakaraang araw ay solo at grupo. Today is dual. Okay look at your palm, nakasulat diyan ang pangalan ng makakalaban niyo. Magsimula na kayo." paliwanag ni Mrs. Jordan

Tiningnan ko ang palad ko at unti unti lumabas ang first letter

K

Napaisip ako. Sana naman hindi siya (Kier) ito pleaseee..

Sumunod na letter

A
E
T

Si Kaet ang nakasulat sa palm ko. At mabuti hindi yung lalaking iyon (sabay tingin kay Kier). Bakit si Kaet pa. Eh ayaw ko nga siyang kasama lalo na at nakita ko siya nung madaling araw na iyon.

Lumapit sa akin si Kaet. Hindi ako nagsalita sa halip nilabanan ko na lang.

Inilabas niya ang weapon na Fan of Fantasy. And ganda ng fan na iyon then color sky blue pa. I stare at her and she smile widely. Ngiting nakakainis.

After that inilabas ko din ang tinatawag nilang Blair Red Diamond Blade.

Kaet attack me by using her fan through air. Hindi ko agad iyon napansin kaya hindi ko nailagan. Nadaplisan lang naman ako sa right shoulder. Ramdam ko ang pagtulo ng dugo na nanggagaling sa right shoulder ko. She just smile and attack again. Sa ngaun nailigan ko na ang fan na iyon, di ko akalain na sobrang sharp ng Fan. Ngayon ako naman ang susugod sa kanya, ng malapit na ako umilag siya at nasa bandang likuran niya pala si Kier. Natigilan ako at napatitig kay Kier. And Kaet attack me na hindi ko napansin na nasa likuran ko pala. Natamaan niya ako again sa right shoulder. Sobrang sakit nito dahil lumalim ang kaninang daplis lamang.

"Psalm sorry." naaawang sambit ni Kaet. Hindi ko iyon pinansin at lumaban ulit ako. Kaliwang kamay ang ginagamit ko upang hawakan ang Sword, because of my injury at right shoulder. Hindi ko muna pinansin ang sugat na kanina ko pa iniinda. I run through her way but umiilag lang ulit siya. Pilit kong ginagaya kung paano gamitin ang sword sa movie na 3 ninjas. Eh hindi naman kasi ako maalam mag espada. Malay ko ba na ito ang mapapapunta sa akin. Bow and Arrow ang gusto ko, pero ito ang nakuha ko. Nakakainis talaga.











....

TMW: Academy Of Magic (Curax Series#1)Where stories live. Discover now