Chapter 18: Hitch

6.1K 137 5
                                    

Namumuro na siya, bakit ba laging right shoulder ang pinupuro niya sa akin? At ano ba ang meron sa right shoulder ko? Tangging sambit ko sa aking isipan habang hawak hawak ang lumalaking sugat na nasa right shoulder ko. Hindi ko siya matamaan, dahil ang bilis niya kasing umilag tapos sa tuwing umiilag siya laging mukha ng Kier na yan ang nakikita ko. Hindi ko alam kung bakit lagi siya ang nakikita ko at ewan ko ba dito sa sarili ko dahil siya lagi ang tinitingnan ng mga mata ko.

"Psalm okay ka lang ba?" Tanong ni Kaet sa akin at lumapit ng kaunti.

"I can handle this." Malamig na sagot ko sa kanya.

"Sorry pala kung lagi yang right shoulder mo ang pinupuro ko. Mrs. Jordan said that once na masugatan mo ang kalaban doon mo na puruhan." Mahinhing sambit ni Kaet.

"Bakit hindi mo na ako puruhan at ng matuluyan na ako?!" Pasigaw kong tanong sa kanya. Lahat ng mga estudyante ay napatingin sa kinaroroonan namin.

"Psalm, may barriers na nilagay ang mga Professor sa bawat naglalaban. At hindi kita pwedeng patayin. Hello, kaibigan kaya kita. Tsaka wala pating patayan dito gets?" Paliwanag niya sa akin.

"Barriers?" Nakakunot noo kong tanong sa kanya.
"Oo Psalm may barriers. Kaya yang mga sugat mo mawawala ding bigla paglumabas ka dito." Kaet added.

Tumingin ulit ako kay Kier. Sa pagkakataong ito tumingin din siya sa akin and he smile at me, yung para bang sinasabi ng mga ngiting iyon na kaya ko ito kaya ginantihan ko siya ng matamis na ngiti. Kahit na masakit ang balikat ko.

After a couple hour natapos na ang training.

Lahat sila nakangiti na para bang hindi naglaban kanina. Ewan ko ba sa kanila.
Maya maya pa ay napatingin ulit ako kay Kier, basang basa siya ng pawis at halos maligo na nga siya ng dahil sa pawis niya. Kasama niya ang ibang boys, tiningnan ko ang katawan niya at biglang sumagi sa aking isipan ang nangyari kanina.

Teka bakit ko na naman ba iniisip ang mga iyon. Psalm past is past never to come back.
Sambit ko sa aking isipan, e ang kulit kulit kasi ng isip ko. Nang kalaunan ay lumapit ang mga boys sa kinaroroonan namin.

"Oh ano ready na ba kayong mamili mamaya sa pamilihan, para sa Ball?" Nakangiting tanong ni Zanderr.

"Oo nga 'no? Excited na ako." Excited na sagot ni Coolen.
"Anong oras ba kayo pupunta?" Tanong ng taong kanina ko pa tinititigan.

"6:00 okay ba kayo doon?" Tanong ni Dhaecob sa karamihan.

"Sige 6:00." Sang ayon naman ng iba ko pang kasama.

"Magkita kita na lang tayo sa may harap ng gate." Sambit ni Quira.
"Sige bye." Nagpaalam na kaming lahat sa isa't-isa.

Pabalik na kami ngayon ng dorm. Ito namang si Quira at Coolen ang ingay at  nakakadistract. Kami ni Kaet walang kibo. Ng makarating na kami ng dorm agad na silang naghanda. At ako naman naka upo lang sa sofa habang kumakain ng green apple. Nga pala favorite ko nga palang kumain ng apple, kahit anong apple basta apple.

5:48 pm

Habang naghahanda sila, ako naman tumitingin tingin lang sa kanila, na para bang wala akong balak na magpalit ng damit, pinagmamasadan ko sila pero iba ang tumatakbo sa aking isipan. Parang walang kinalaman sa pinagmamasdan ko. Ang O.A talaga ng isip ko. Ibinaling ko na lang ang mata ko sa libro ni Kaet na nakapatong sa mini table. Tinitigan ko iyon ng mabuti, at...

"Uy Psalm, hindi ka ba maghahanda?" Nagulat ako sa nagsalita, si Coolen lang pala.

"Ahm p-parang ayaw kong sumama." Agad kong tugon sa kanya.

"Psalm, saglit lang naman tayo doon sumama ka na." Pamamakaawang sambit nina Quira at Coolen. Habang nakatingin lang si Kaet sa amin na nakangiti.

"Sige na, sige na sasama na ako."
"Yes." sabay apir ng dalawang na para bang may pinaplano. Ngumiti silang lahat sa akin. Pagkatapos na pagkatapos niyon ay tumakbo ako sa kwarto ko at nagbihis ng mabilis.

.
.
.
Papunta na kami ng gate. At tila parang kami na lamang ang hinihintay, ang ng makarating tama nga ako ng hula kami na lamang ang hinihintay.

Kompleto na kami kaya dumiretso na kami sa pamilihan. Habang naglalakad pansin kong  unti unting lumalamig, kaya napayakap ako sa sarili. At ng may biglang umakbay sa akin. Si Kieth lang pala, akala ko kung sino. Inakbayan niya ako habang naglalakad.

"Uyyyy!" Sambit nilang lahat habang si Kier galit na tumingin sa amin ni Kieth. Para bang mangangain ng tao sa galit. Ewan ko ba kung bakit umakbay itong si Kieth. E hindi ko na rin tinanggal ang pagkaka akbay niya dahil nilalamig ako. Ang malas kasi ng suot ko naka skirt at naka t-shirt. Samantala sila naka pants at naka jacket, eh hindi ko naman kasi alam na malamig pala ang papuntang pamilihan, pati hello nagmadali ako kanina mag bihis kaya di na ako nakapili.

"Galit siya." Bulong sa akin ni Kieth sabay turo gamit ang nguso kay Kier, e kanina ko pa naman nakita. Nakabusangot nga na parang batang inagawan ng lollipop hahaha.

Nang makarating kami sa pamilihan. Napansin ko na dinala ni Kaet ang libro niya, na kanina lang ay tinititigan ko sa loob ng dorm.

Bakit ba ayaw niyang iwan ang librong iyon? Ano ba ang meron sa libro na hawak niya (Kaet)? Tanong ko sa sarili ko habang nasa loob ng shop, hay makapili na nga lang ng damit.

Habang namimili sila ng damit, ako naman naka upo sa harap ng isang simple dress na kulay pula. Ang simple lang kasi ng design pero parang ang lakas makadating ng ganda. Wala pa rin naman akong napipili kaya ito na lang kaya.
Kinuha ko na ang dress at hindi ko na binasa ang nakasulat sa price tag. Bitbit ko iyon patungo sa counter, isang babae ang ngumiti sa akin at kinuha ang hawak kong dress upang i punch.

"Ito po ba talaga ang bibilhin niyo?" Tanong sa akin ng kahera, nagtaka naman ako at para bang nagulat siya dahil ito ang gusto ko.

"May problema po ba dito sa dress na ito?" Nakakunot noo kong tanong sa kanya.

"W-wala naman po. Nakakapagtaka po kasi dahil ikaw pa lang po ang kauna unahang pumili ng ganitong klase ng dress na ito. Para po kasing ang ganda niyo naman para magsuot ng isang cheap na dress." Sambit niya sa akin, teka cheap ba ito e ganda ganda ng nito, simple pero may dating. Sinubukan ko iyong kunin sa kahera at tumungo sa fitting room.



.
.
.
Author's note

Ano ba ang meron sa dress at ayaw bilhin ng iba?

TMW: Academy Of Magic (Curax Series#1)Where stories live. Discover now