Chapter 29: Academy of Magic Ball

4.9K 109 2
                                    

This is the moment. Bulong ko sa sarili habang nakaharap sa salamin. Kakatapos ko lang magbihis kasama si Draew upang sabay kaming pumunta sa Session Hall. Maya maya pa desisyunan na naming lumabas sa office, and while we're walking down the hallway I felt something na hindi ko nagustuhan. Luminga linga ako upang tingnan ang bawat pasilyo ng hallway.

"Reanna may problema ba?" Tanong sa akin ni Draew habang hawak ang kamay ko. Tiningnan ko lang siya at umiling na kaunti, naglakad na lang ulit kami hanggang makarating sa Session Hall.

Marami rami na rin ang tao dito sa loob ng Session Hall kaya umupo na lang kami sa nakareserved na upuan para sa amin. Tumingin ako sa direksyon ng upuan ni Psalm, ngunit wala siya doon. Lumingon lingon ako at nagbabasakali na papunta pa lamang siya.

.
.
.
8:23 na ng gabi ngunit wala pa rin si Psalm, dumating na rin ang royalties. Ibinaling ko muli ang aking mga mata sa upuan ni Psalm, at gaya kanina wala pa rin siya at tanging ang mga kaibigan nya lamang ang nandodoon.

"Good evening to all of you." Sambit ng host na nakatayo sa unahan ng stage.

"Ladies and Gentlemen please welcome to our royalties and give them around of applause." Tumayo kaming lahat at nagsipalakpakan sa pagpasok ng mga royalties.

"Welcome remarks for the Kingdom Of Air. King Arldren, Queen Miranda with Prince Zanderr and Prince Allen. From the Kingdom of Earth,
King Ethann, Queen Cristine with Prince Crytt. Kingdom of Water, Queen Krystal with Prince Kieth and Prince Kinny.
Kingdom of Fire, King Saffire, Queen Alexa with Prince Kier and Princess Alice.
And for our guest please welcome from Kingdom of Magic, King Liam and Queen Brytanny." Muling nagpalakpakan ang mga tao sa bawat sambitin ng host. Samantalang ako naman ay hanggang  ngayon ay patuloy pa rin sa paghahanap sa anino ni Psalm kung dumating na ba siya o hindi pa.

.
.
.

Psalm's POV

Rinig ko dito ang palakpakan at hiyawan ng mga estudyante, dahil siguro naka speaker sila kaya umaabot dito ang ingat mula sa Session Hall.

Hindi ako pa ako nakakapagbihis dahil ayaw ko pumunta sa Ball, nawalan na din ako ng gana. At baka maging sagabal pa ako sa kanila, kaya mas makakabuti kung hindi na lang ako pumunta. Wala akong magawa kaya naisipan ko na lang na magsulat ng kung anong pumasok sa isipan ko. Maya maya pa ay napatigil na ako sa pagsusulat, napansin ko na marami rami na rin ang aking naisulat, at lahat iyon hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin. Pero hindi ko mapigilan ang kamay ko kaya nagpatuloy ako sa pagsulat.

Tok tok tok

Nagulat ako ng marinig ang tatlong magkakasunod na katok na iyon. Tumayo ako sa kinauupuan ko at naglakad papalapit sa pinto ng kuwarto ko. Hinawakan ko ang doorknob at dahan dahang hinila ang pinto papasok sa kuwarto, bumungad sa aking paningin ang isang babae na nakasuot ng maroon na dress at kumikinang kinang pa iyon dahil sa liwanag na nagmumula sa kuwarto ko, tumatama kasi sa kanyang suot na dress ang liwanag mula sa ilaw ng kuwarto ko maging ang ilang piraso ng maliliit na diamond sa bandang dibdib niya. Light lang ang make up na nasa mukha niya kaya hindi siya nagmukhang barbie doll. Nakangiti lang siya sa akin habang tinitingnan ko ang maganda niyang postura ngayong gabi. Maya Maya pa ay hinawakan niya ako sa kamay at hinila palabas ng kuwarto ng iyon. 

"Wait, where are we going?" Tanong ko sa kanya.

"Sa ball." Agad naman niyang sagot sa tanong ko sa kanya. Inihinto ko ang paa ko at tinggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Tiningnan ko siya ng masama ngunit tila hindi niya naintindihan ang gusto kong sabihin.

"I don't want to go with you!" Pasigaw at maarte kong sagot sa kanya. E ayaw ko naman talaga pumunta sa Ball, ang kulit. Buong ko sa isipan ko sa mga oras na iyon.

TMW: Academy Of Magic (Curax Series#1)Where stories live. Discover now