Chapter 46: Ariella Joe

5K 103 1
                                    


Makalipas ang ilang oras ay muli akong nagpahinga dahil nakaramdam na naman ako ng pagkahilo. Humiga ako sa sofa sa tapat ng kama kung saan nakahiga si Kaet habang nakaupo sa tabi niyon si Coolen, napansin kong dumating na din ang nurse na pinuntahan ni Quira ngunit ipinikit ko na ang mga mata ko.

.

.

.

Nagising ako ng may humawak sa kamay ko, iminulat ko ang mata ko at tiningnan kung sino iyon. Nakatingin sa akin ang isang pares ng mata habang nakangiti, ramdam ko ang pagguhit ng ngiti sa labi ko ng makilala ko iyon. 

"Thank you." Bulong niya sa akin, bumangon ako at niyakap siya sa mga sandaling iyon. Napansin kong nandito na sa loob ng room ang lahat, si Reanna, si Hm, Zanderr, Crytt, Kiteh, Dhaecob, Coolen, Quira, Kaet at ang mga doctor. Tumingin tingin ako sa labas ng pinto at hinahanap ng aking mga mata ang isang lalaki na gusto kong makita. Ngunit bigo ako dahil kahit anino niya ay hindi ko mahagilap.

Ipinaliwanag na lang nina Coolen sa kanilang lahat ang buong nangyari kanina.

After one week

Nakausap ko na ang tunay kong magulang at napagdesisyonan ko na ding sumama sa kanila bilang tunay kong magulang, kahit ramdam ko pa ang pagod at pagkahilo ay mas pinili kong lumabas na lamang ng hospital at sumama sa kanila pero bago iyon ay gusto ko munang tulungan si Kaet sa paghahanap sa magulang niya. 

"Psalm ito pala yung ibang larawan na nakita ko sa kwarto ni Kaet." Napatingin ako sa hawak na picture ni Quira, noong isang araw ko lang naalala na kaya kong bumalik sa isang pangyayari ngunit hindi ko alam kung kaya ko ang ilang taon na ang nakakalipas dahil masyadong mahaba na ang panahon na lumipas. 

"Psalm kaya mo yan. Basta titigan mo na lang ang mukha ni Kaet." Sambit ni Coolen, kaya nadagdagan ang kompiyansa koo sa sarili ko. Nandito kami ngayon sa dorm kung saan wala pang kahit isa ang gumagamit, luma na hitsura nito dahil walang gustong gumagamit at nalipasan na ng panahon. Ito ang pinili kong lugar dahil mas kailangan ko ang mahabang oras.

Sinimulan ko ng ipikit ang aking mga mata at muling iminulat sabay tingin sa larawan ni Kaet. Naramdaman ko ang paghapdi ng mata ko ng ilang segundong hindi kumukurap, maya maya pa ay naging blur na ang paligid ko, unti unting nagbago ang bawat sulok ng paligid hanggang sa mapagtanto ko na wala na ako sa dorm kung saan kasam ko sina Coolen at Quira.

Nang lumabas ang kabuuan ng paligid na iyon ay nasa harap ako ng isang Kastilyo, maganda mula sa mga istraktura na makikita sa hindi kalayuan, napansin ko pa ang mga ibon na lumilipad ngunit ng mapansin ko ang ibang ibon na nasa ibabang bahagi ay ...

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nang lumabas ang kabuuan ng paligid na iyon ay nasa harap ako ng isang Kastilyo, maganda mula sa mga istraktura na makikita sa hindi kalayuan, napansin ko pa ang mga ibon na lumilipad ngunit ng mapansin ko ang ibang ibon na nasa ibabang bahagi ay nanlaki ang mata ko. Teka bakit nasa baba ang lumilipad na ibon? Tanong ko sa sarili ko, sinubukan kong sumilip at nagulat ako ng muntik na akong madulas sa cliff na iyon, nasa taas ako kung saan matatanaw ang kalawakan ng gubat sa ibaba. Hindi ko akalain na nakalutang pala ang Kastilyo ng Kingdom of Air.

TMW: Academy Of Magic (Curax Series#1)Where stories live. Discover now