Chapter 6: Training

9K 227 2
                                    

Pronunciation of their name:

- Psalmmer ( Sam-mer )
- Psalm ( Sam )
- Uyela (Yu- we-la)
- Uye ( Yu- wi )
- Kaethleen (Keyt-lin)
- Kaet ( Keyt )
- Crytt ( Krit )
- Kieth ( Kith )
- Draew ( Draw )

Psalm's POV

"Psalm gising, Psalm." Boses ng isang babae na pilit pinapamulat ang aking mata sa mga sandaling iyon, nilalamig ako na tila nagyeyelo ang aking paligid ngunit wala akong maramdamang  hangin na dumadampi sa aking balat, dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata, nadidilim ang aking paningin habang inaalala ang bawat sandaling nangyari kanina, agad ko namang nilingon ang aking balikat.


Ganun na lang ang pagkagulat ko ng lumiwanag ang paningin ko matapos lingunin ang aking balikat, umiilaw pa rin iyon na namumuo sa parehong hugis ng suot kong necklace. Nagpatuloy lang ang liwanag at iginala ang aking paningin sa kabuuan ng kuwarto ko. Nakatayo sina Kaet kasama ang limang lalaki na nakasalubong ko kanina matapos lisan ang classroom.

"Psalm, ayos ka lang?" Nilingon ko si Quira ng marinig ang tanong niya. Nanlumo ang mata ko ng maramdaman ang muling pagkirot ng aking balikat sa mga oras na iyon, ngunit nawala din ang kirot niyon ng makita ng lalaking nasa likuran na nabunggo ko lang kanina.

"Ano ba ang nangyari at sumigaw ka ng napakalakas?" Tanong naman ng lalaking nakasalubong ko kanina sa hallway. Hindi na lang ako sumagot sa mga tanong nila sa halip ay nanahimik lamang at nilingon ang labas ng bintana ng kuwarto.

"Bakit hindi ka nagsasalita? Are you deaf, hey naririnig mo ba kami?" Nakasimangot namang tanong ng isa pang lalaki na nakasuot ng black shirt. Teka bakit nandito sila sa kwarto ko? Isinara ko naman ang pinto at nilock iyon, ngunit paano nila nabuksan ang pinto?  Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa mga tao dito sa loob ng kuwarto ko.

"Kaet, can you read her mind?" Tanong naman ng lalaking may scarf sa kanyang leeg. Tumingin sa akin si Kaet ng nakakunot ang noo, hindi ko alam ang ginagawa niya sa mga oras na iyon kaya tumango lang ako.

"I can't read her mind." Kaet replied.

"Bakit?" Sabay sabay namang tanong ng karamihan.

"Hindi ko alam kung bakit hindi nagana sa kanya." Kaet added.

"Psalm bakit di ka nagsasalita?" Napalingon ako kay Coolen ng marinig ko ang boses niya mula sa aking tainga kaya napakunot ang noo ko ng tumingin sa kanya.

"Anu kayang problema nito!" Nilingon ko naman ang lalaking nabunggo ko kanina. Teka bakit naririnig ko ang kanilang iniisip? Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kanilang lahat.

"Hey you, ano bang problema at hindi ka makapagsalita? Pipi ka ba o nagpipipipihan ka lang?" Sambit naman ng lalaking seryoso ang mukha pero may hitsura. Siya yung nabangga ko kanina sa hallway, bigla akong napahawak sa aking dibdib  ng maramdaman ang biglaang pagbilis ng tibok ng aking puso na para bang sasabog sa sobrang bilis ng tibok.

Lumipas ang mga sumunod na sandali ngunit patuloy pa rin sila sa pagtatanong ng kung anu- ano, hindi ko na lang pinansin ang mga iyon dahil hindi ko naman maintindihan ang kanilang mga pinagsasabi lalo na ang mga naririnig ko sa utak nila.

"By the way kahit hindi ka magsalita alam kong itatanong mo ang pangalan nila, Psalm this is Prince Kieth (sabay turo sa lalaking naka scarf), this is Prince Crytt (sabay turo sa lalaking abala sa binabasa niya), then Prince Zanderr (na nakaakbay naman kay Kaet ), that is Butler Dhaecob (sabay turo sa lalaking naka black shirt) and Prince Kier (siya yung lalaking nakabunggo ko kanina)." Tumango lang ako bilang pansamantalang sagot sa mga sinabi ni Coolen, muli ko namang hinawakan ang aking balikat.

"May masakit ba diyan sa balikat mo at kanina mo pa hinahawakan?" Tanong ng lalaking nabunggo ko kanina, tanging pag-iling lang ang nagawa ko upang sagot sa tanong niya. Bumangon ako sa kinahihigaan ko at naglakad na lamang ako patungo sa banyo.

"Psalm tulungan na kita."Lumapit sa akin si Kaet at inilalayan ako sa paglalakad ngunit natigilan siya ng tingnan ko ang mga mata niya kaya hinayaan na niya akong lumakad mag-isa patungo sa banyo. Pagkasara na pagkasara ng pinto ay agad akong umupo sa sahig ng banyo, palihim ko namang pinakinggan ang mga pinagsasabi nila habang nakaupo at hindi pa rin makarecover sa sakit maging sa kirot na nararamdaman ko.

"Paano natin siya susuyuin? E bukas na ang training natin." Boses iyon ni Quira, napakunot ang noo ko dahil nagtataka pa rin ako kung bakit naririnig at nababasa ko ang mga iniisip nila.

"Huwag muna natin siya pilitin, magwawala na naman 'yun kapag narinig niyang pinag-uusapan natin ang Magic." Boses iyon ni Coolen na halatang nag-aalala sa akin.

"Ano galit siya sa Magic?" Boses naman ng isang lalaki, hindi pa kasi pamilyar sa akin ang boses ng mga lalaking iyon kaya hindi ko alam kung sino ang nag mamay-ari niyon.

"Mahabang kwento." Sagot naman ni Kaet.

"Paano ba yan at nalalapit na ang full moon and Princess Blair 18th birthday." Dagdag pa ng isang lalaki ang boses. Kaarawan ng Prinsesa sa full moon and speaking of full moon, sumagi na naman sa isip ko ang kumag na naka black cloak, so that is what he meant for.

"Paano tayo magtetraining kung kulang tayo ng isa, paano na?" Patuloy lang sila sa pagtatanong sa isa't isa, pagkatapos niyon ay pinindot ko na ang flush button upang ipaalam na tapos na ako sa paggamit ng banyo.

"Kaya bukas na bukas ay kailangan ng magsimula sa pagtetraining, lalo na si Psalm. Mas kailangan siya sa grupo, but this time hayaan muna natin siya." Lumabas na ako sa banyo ng huling marinig ang boses ni Kaet, tila may magnet na humila sa kanilang paningin patungo sa aking kinatatayuan ng makalabas ng banyo.

"Sige tayo tayo na muna, habang hindi pa siya nagdedesisyon" Bulong ng lalaking abala sa binabasa niya.

"Para sa kapakanan ng Academy." Sunod na bulong noong lalaki na nakasuot ng black shirt. 

Bakit hindi na lamang sila ang magtraining at lumaban tutal elementalist naman silang lahat, bakit ako kailangang kasama pa ako? Tanging spell lang naman ang alam ko sa tinutukoy nilang ability na meron ako. Bulong ko sa sarili ko habang naglalakad pabalik sa aking higaan. Maya maya pa ay napansin ko na nakatingin pa rin silang lahat sa akin.

Hinayaan ko lang sila at muling ipinikit ang aking mga mata. Nagpanggap akong natutulog sa mga nakalipas na minuto, ngunit ng muling maramdaman ang panlalamig ay napayakap ako sa comforter na nasa kama ko.

.
.
.
.
.
.


A/N:

Move on na Psalm hehehe. Pero kung ako si Psalm ganun din gagawin ko.

TMW: Academy Of Magic (Curax Series#1)Where stories live. Discover now